♀ Ikaapat na pu't limang Kabanata ♀
Nagd-drive na ngayon si Reign papunta sa party na sinasabi niya. Napatingin naman ako sa suot niya. Naka-white luxury shirt siya na sinamahan niya ng black and white striped tie at black vest. Naka-black pants siya at black shoes. Grabe naman, ang ayos-ayos niyang tingnan samantalang ako...
"We're here, wear this." Tapos inabutan niya ako ng mask.
"Bakit ako magsusuot nito? Wag mong sabihin freak show 'to? Ako yung invited mong freak? Freak ba ako?"
"Yan ba ang nakukuha mo pag nanunuod ka ng teleserye? Kung yan, wag ka na lang manuod. It's for the masquerade dance. Magkakaroon muna ng dance bilang start ng party." Reign
"Ah, ganun ba."
"Praning mo masyado. Tara na." Reign
Nakita kong nagsuot na din siya ng maskara. Kung tama ako, retro crown mask ang tawag dun, kulay gold ang kanya. Then yung binigay niya sa akin, nag-match din sa attire ko. Biruin ninyong para akong dyosa ng mga bulaklak at ng pink. Kasi naman eh, ang damit ko, pink, bag ko, pink, shoes ko ay pink at yung accessories ko, pink. Tinadtad pa ng flowers, flower pumps, flower din yung clip ko, yung bracelet at necklace ko, flower din. At yung mask ko, may flower din, at pink. Pero cute! Ang cute!
Bumaba na ako ng kotse at nagulat ako sa kung nasaan kami. Yung school ko.
"Pasok na tayo." Reign
Ini-offer niya sa akin yung braso niya kaya nag-cling ako dun. Tapos naglakad na kami.
"Ayos lang ba ang suot ko? I'm like a pink flower girl."
"I know. And I know that sasaya ang mga tao dun pag nakita ka." Reign
"Kasi nakakatawa ang itsura ko?"
"We can never tell." Reign
"But sandali, bakit nandito tayo sa school ko?"
"Really? School mo 'to?" Reign
"Oo. Dito kaya yung reunion namin."
"I don't know. Someone invited me here. I didn't know you're one of them." Reign
"Tara! Ipapakilala kita sa mga naging classmates ko."
"Hey, uhm... I know you're my date now but masyado ka yatang feeling close." Reign
"Alam mo, ang sama mo talaga! Ipapakilala kita sa kaibigan kong matino, baka sakaling tumino ka din."
"Whatever." Reign
Nakadating na kami sa entrance.
"Name po, sir and ma'am."
"Miss, Kerby Salazar po."
"Kerby Salazar..." hinanap niya yung name ko sa list. "Kerby... Ker-... Kerby?! Ikaw si Kerby?"
"Uh, oo. May problema ba?"
BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanfictionI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.