♂ Ikapitong pu't isang Kabanata ♂

76 2 0
                                        

♂ Ikapitong pu't isang Kabanata 

Not all stories have happy endings.

Madalas yang sabihin sa akin ni Mhie. Natatakot daw kasi siya eh. Paano daw kung yung kwento naming dalawa, walang magandang ending? Paano daw kung magkahiwalay kami? Paano kung mawala na lang bigla-bigla ang isa sa amin.

Hindi mangyayari yun. Hangga't mahal natin ang isa't isa, walang makakapaghiwalay sa ating dalawa.

Yan naman ang madalas kong sabihin sa kanya. Totoo naman eh. Hindi kayo maghihiwalay ng mahal mo maliban na lang kung di ninyo na mahal ang isa't isa.

Pero lintek naman o! Mahal ko siya, mahal niya ako. Pero bakit ganito?

Mhie, nasan ka? Nasan ka na mahal ko?

Nawala na lang siya. Nawala siya na parang bula. Ni isang pasabi, wala. Sabi ng iba, naglayas daw. Sabi ng iba, dinukot daw. Pero alam ko, dinukot siya. At handa akong iligtas siya.

Maghintay ka lang Mhie, ililigtas kita. Di ko papabayaan na wala ka sa piling ko. Papatunayan ko sa'yo, iba ang istorya nating dalawa sa sinasabi mo.

May happy ending tayo. Ipaglalaban kita. Hahanapin kita. Hanggang sa huli, tayong dalawa.

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon