♀ Ikatatlumpu’t pitong Kabanata ♀
Rhina Salazar, tumigil na sa pag-aartist-…
Kahapon sa Showbiz Alert, inamin na ni Rhin-…
Marami ang nagulat matapos malaman ang balitang tumigil na si Rhi-…
Nandito ako sa condo ko, palipat-lipat lang ng channel ng tv habang nakahiga sa sofa. Puro na lang balita tungkol sa akin. Wala na ba silang ibang maibalita kaya ako na lang ang ibinabalita nila? Walang kwenta…
“Bwisit na buhay ‘to! Ang tanga mo pa Kerby!”
“Tumayo ka dyan.”
Tumingin ako sa nagsalita at si Sev pala.
“O Sev, paano ka nakapasok?” sabi ko sabay upo. Pinunasan ko na rin yung luha namuo sa mata ko.
“Hindi naka-lock yung pinto mo.” Sev
“Ah… O, bakit nandito ka?”
“Kasi alam kong kailangan mo ng kadamay.” Sev sabay upo sa tabi ko at patong ng dala niya sa center table.
“Ah, ganun pala. Salamat.”
“Yung kahapon… Bakit mo ginawa yun?” Sev
“Kasi nabagsak na ako. Wala nang nasuporta sa akin Sev.”
“Eh ako? Suportado kita ‘no. Barkada tayo eh.” Sev
Nagsimula na akong umiyak.
“Halika nga.” Sev
Lumapit ako kay Sev tapos inakbayan niya ako.
“Kerby, kahit na talikuran ka ng fans mo, nandito naman kaming mga kaibigan mo eh. Kasama mo pa rin kami.” Sev
“Kasama ko kayo pero ikaw lang ang nandito?”
“Sino namang may sabi na si Sev lang ang nandito?”
Napalingon ako sa nagsalita at si Luis pala. Kasama niya si Jeff, Geline, Monette, Kristal at Nica… At nandito din yung taong inaasahan ko na galit sa akin, si Tyler.
“Tyler…”
“I’m sorry sorella.” Tapos niyakap niya ako.
“Eh bakit si Vence lang yung tinawag mo? Favoritism ba ‘to?” Jeff
BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanficI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.
