♀ Ikaapat na pu't dalawang Kabanata ♀
Nandito na kami sa bahay ni Reign. Nakapasok na kami ni Lovey ng gate nang tumigil siya bigla.
"Lovey, pasok na ka sa loob." Nica
"Eh ikaw Lovey? Di'ba ipapakilala mo ako kay Reign?"
"Magpakilala ka na. Natawag lang si bhie, sagutin ko lang." Nica
"Pero..."
"Go na Lovey!" Nica
Pumasok na ako sa pinto. Bukas naman kasi yun eh. Agad naman tumambad sa akin ang isang sofa na nakatalikod. May nakaupo doon at nanunuod ng basketball sa TV.
"Uhm, excuse me, ikaw ba si Reign?"
"Yes." Reign
Bakit parang pamilyar yung boses niya?
"Uh, hello! Ako yung bago mong PA."
"You're late." Reign
"Uhm, sorry ha. Nag-shop pa kasi ako."
"Shop? Nakuha mo pang mag-shop kahit PA ka lang?" Reign
Tumingin siya sa akin. At oh my gosh... Siya naman, binalik na ulit ang tingin sa TV.
"M-Miel?"
"Who?" Reign
"Si Miel ka di'ba?"
Pinatay na niya yung TV tapos tumayo na. Then humarap siya sa akin.
Tama nga ako, siya si Miel. Kamukha niya eh.
"I'm Reign. Hindi yung kung sino man na sinasabi mo." Reign
"Pero kamukha mo si Miel eh! Ikaw yun 'no? Nanggo-good time ka lang."
"What's your name?" Reign
"Ikaw naman, parang di mo ako kila-..."
"What's your name?" matigas niyang sabi.
"K-Kerby... Salazar."
"Look Kerby, you're just my PA. So you don't have the right to talk to me in that way." Reign
"Miel naman!" Lumapit ako sa kanya tapos tinapik-tapik siya. "Tropa tayo di'ba?"
Siya naman, lumayo agad sa akin.
"Will you stop it?! PA lang kita, okay?! Don't intrude my personal space. One meter away." Tapos naglakad na siya papalabas.
"One meter away?! Uy, ang laki na din nun! Ang lawak ng personal space mo ha! Yung iba nga, two inches lang eh."
Tumingin naman siya sa akin ng nakakatakot. Parang papatayin ako eh.
"I mean... Y-yes sir."
Nasa tapat na siya ng pinto ng pumasok si Lovey.
"O Reign, have you met your new PA?" Nica
BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanfictionI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.