♀ Ikaapat na pung Kabanata ♀

288 6 0
                                    

♀ Ikaapat na pung Kabanata ♀

“Bakit ba pinapabayaan mo ang sarili mo?” Sev

“Sev, hindi naman eh.”

 

“Hindi?! Kerby, sa ginagawa mo, di mo pa pinapabayaan ang sarili mo?! Isang beses ka lang nakain sa isang araw di’ba? Bakit? Ano bang problema mo?!” Sev

“P-paano mo nalaman?”

 

“Nang nagkaroon tayo ng deal tungkol sa pagbisita namin sa’yo, tanda mo ba yung ginawa namin?” Sev

“Ano yun?”

 

“Sabay-sabay kaming bumisita sa’yo. Sabi namin, before the 14-day deal, kahit na magkasama-sama lang tayong apat, pwede na. Pumayag ka di’ba? Dun pa lang, plano ko na. Sabi ko, mag-usap muna tayo sa labas ng bahay ninyo. Pumayag ka naman. Nag-usap tayo. Pero di mo alam, habang nag-uusap tayo, nilaglagyan na nina Jeff at Luis ng CCTV camera ang buong bahay mo. Well, except sa banyo at kwarto mo. It’s your privacy.” Sev

“Ibig sabihin, sa loob ng three months…”

 

“Alam ko ang kilos mo dahil sa CCTV.” Sev

“Bakit hindi mo sinabi?”

 

“Alam kong ipapatanggal mo yun. At marami akong nalaman dahil sa CCTV.” Sev

“Ano?”

 

“Eto…” Sev

Binuksan niya yung laptop niya tapos may plinay siyang video. Pinanuod ko naman yun. Una, sa kusina yung setting.

“Tinanong kita kung tatlong beses ka kung kumain, ang sagot…” pinakita sa video, isang beses lang talaga ako pumunta sa kusina at kumain. Sa buong araw na yun.

“Kerby, wala ka sa sarili mo. Tanda mo ba yung napaso ka habang nagluluto? Di ka kumain noon di’ba? Eh yung tulala ka habang nasa harap ng pagkain… Di ka pa nga nakakakalahati, umayaw ka na sa pagkain. Pero yung mas malala, nasa harap ka ng pagkain pero naiyak ka. Kaya yun, di mo nakain yung pagkain mo. Kerby, pinapabayaan mo na yung kalusugan mo eh.” Sev

“Oo, tama ka, nangyari sa akin yun. Pero di ko naman pinapabayaan ang kalusugan ko eh.”

 

“Eto naman ang panuodin mo.” Sev

Pinakita niya yung video at nasa sala naman ako. Nanunuod ng TV pero halatang wala dun ang focus ko.

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon