♂ Ikaanim na pung Kabanata ♂
Nagmulat ako ng mata at inaasahan na makikita ko siya dito sa tabi ko... Pero mali pala... Wala na naman siya.
Madalas siyang gabi kung umuwi. Tatanungin ko kung kumain na siya at sagot niya, "Oo, kasabay ko si Kurt."
Araw-araw na lang. Lagi siyang wala sa bahay pag day-off namin. Di niya ako masyadong pinapansin pag nasa set kami. Saka niya lang ako kakausapin pag take na namin, tapos acting pa yung pagkausap niya. Bihira niya akong kausapin pag kaming dalawa lang ang magkasama. Susubukan ko siyang lambingin pero umiiwas siya.
Sinusubukan ko naman siyang unawain eh pero bakit di ko kaya?
Tumayo na ako sa kama at naligo na at nagbihis. Bumaba na ako papunta sa kusina at tulad ng inaasahan ko, makikita ko ang note niya sa mesa.
Sorry, di na ako nakapaghanda. Kaya mo naman di'ba? Ikaw na lang muna ha. – Kerby
Yan naman lagi ang nasa note niya eh. Sorry daw kasi di niya ako napaghanda ng breakfast. Kaya ko naman daw magluto kaya ako na lang ang umasikaso. Lagi naman ganyan eh. Minsan, meron pang kasamang I'm going to have breakfast with Kurt.
Natatawa na nga lang ako eh. Sa totoo lang, wala naman talaga akong karapatan sa kanya eh. Asawa ko ba siya? Hindi naman eh, di naman kami kasal. Eh girlfriend? Ewan ko. Para kasing hindi eh. O wala naman talaga. Walang official date na naging kami o kahit ano pa. Wala talaga kaming label. Wala kaming samahan. Dalawang indibidwal lang kami na nakatira sa iisang bahay.
Ayos lang naman sa akin kahit wala kaming label. Basta alam ko, at ramdam ko, mahal niya ako. Eh paano na ngayon? Wala na nga kaming label, nawala pa din yata yung nararamdaman niya sa akin.
Lagi niyang kasama si Kurt na parang sila. Lagi niya akong iniiwan na parang hindi namin mahal ang isa't isa. Lagi siyang nalayo, nawawala sa paningin ko at di ko alam ang gagawin ko.
Mahal ko si Kerby... Mahal na mahal ko... At ang sakit na ganito yung nangyayari sa aming dalawa. Na lumalayo siya at di na kami nagkakasama. Para bang So Close Yet So Far. Kasama mo nga pero di mo naman ramdam ang presensya niya. Parang may isang malaking harang sa pagitan naming dalawa. Na kahit malagpasan ko yung harang na nasa harap ko, may susunod pa din. At ang masakit, si Kerby pa mismo ang nagawa ng harang sa aming dalawa.
Mahal ko siya at gusto kong masaya siya. Pero masama bang maghangad ako na sa akin siya sumaya at hindi sa piling ng iba? Seloso akong tao pero di ko alam na dahil sa kanya, magbabago ako. Tinanggap kong masaya siya kay Kurt kahit na nasasaktan na ako. Pero ngayon? Ngayon, di ko na alam kung kaya ko nang tanggapin ang bagay na yun.
Sobra na 'to. Napagbigyan na kita sa gusto mo Kerby. Ngayon, ako naman ang babawi sa'yo.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Kerby.
"Hello."
O Reign, bakit?
"Nasan ka?"
Bakit mo naman natanong?
"Sinong kasama mo?"
Si Kurt.
"Nasaan kayo?"
Bakit mo ba tinatanong?
"Sagutin mo na lang, nasan kayo?!"
N-nasa cafe... Yung cafe na madalas kong puntahan.
"Wag kang aalis dyan, pupuntahan kita."

BINABASA MO ANG
Runaway With You
Fiksi PenggemarI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.