♂ Ikasiyam na Kabanata ♂
Tapos na yung presscon. And to my surprise, hindi ako inantok o na-bore sa presscon. Dahil yun sa isang bagay.
"Kerby..."
"Bakit?" Kerby
Nandito kami sa parking lot, nasa loob na kami ng kotse ko.
"Yung kanina, sa presscon."
"Anong meron dun?" Kerby
"Kayo na ba talaga?"
Simula kasi nung marinig ko yung bagay na yun kanina sa presscon, hindi na ako mapakali sa pag-iisip.
"Kami nino?"
"Kerby, wag na nga tayong maglokohan pa dito. Kayo na ba? Kayo na ba ni Vence?" hindi ko na naiwasang pagtaasan siya ng boses.
Ngumiti lang siya sa akin. "Hindi... Hindi kami..." Kerby
"Eh ano yung sinabi ninyo kanina? Di'ba sinabi ninyo na kayo na?"
"Oo, sinabi ko nga na kami na." Kerby
"O ngayon, niloloko mo ako eh."
"Hindi naman talaga kasi kami eh. Show lang yung kanina." Kerby
"Ano?"
"Isang promo lang. Para makatulong sa love team namin." Kerby
"Bakit kailangan ninyo pa ng ganun?"
"Para makahatak kami ng fans. Miel, ganun talaga ang takbo ng showbiz life. Mas gusto kasi ng fans na magkatuluyan yung mga love teams na iniidolo nila eh. Kaya kahit palabas lang, ginagawa namin. Parang pinakapakita na namin sa kanila na kami ni Vence para wag mawala yung suporta nila sa amin." Kerby
"Paano pag nalaman nila ang totoo? Siguradong mawawalan sila ng tiwala sa inyo at titigil sila sa pagsuporta sa'yo."
"Yun yung dapat naming iwasan. If ever man na mangyari yun, I'm sure na makakahanap naman ang management ng way para di masira yung pagsuporta nila sa amin." Kerby
"Pero ang sama ng ginagawa ninyo eh. Nanloloko kayo ng tao para sa kapakanan ninyo."
"Kung hindi namin gagawin yun, di namin mapapasaya ang mga fans namin. Hindi lang naman kasi 'to para sa kapakanan namin eh. Ginagawa din namin 'to ni Tyler para mapasaya namin yung fans na hinahangaan kami." Kerby
"Ayaw ko ng ginagawa ninyo."
"Kahit naman ako eh. Pero wala akong magagawa, kailangan eh." Kerby
"Tss. Saan ka na lang?"
"Kung gusto mo, bababa na lang ako. Nandyan pa naman siguro sina manage-..." Kerby
BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanfictionI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.
