♂ Ikapitong pu't walong Kabanata ♂

79 0 0
                                        

♂ Ikapitong pu't walong Kabanata ♂

(A/N: One year ago... Philippines.)

"Mapatawad mo sana ako Reign." Mitzy

"Matapos nang ginawa mo sa bestfriend ko, sa tingin mo, papatawadin ka pa ni Reign ha?!" Nica


"Nica, tama na nga yan."

"Alam ko, alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyong magkakaibigan, kaya nga ako nahingi ng tawad eh. Kaya eto, pinagbabayaran ko na naman di'ba? Nagbabayad na ako sa mga kasalanan ko." Mitzy

"Pinatawad na kita Mitzy."

"Salamat Reign." Mitzy

"Pero di pa rin mabubura yung sakit na ginawa mo sa amin ng pamilya ko."

"Sana lang talaga, dumating na din yung araw na makalimutan mo lahat ng yun." Mitzy

"Sana nga..."

"Salamat dahil pinatawad mo ako. Hayaan mo, nagbabagong-buhay na ako o. Di na ako gagawa ng kasalanan." Mitzy

"Siguraduhin mo lang... Mabubulok ka talaga sa preso pag nag-utos ka pa ng kung anu-ano." Nica

"Sige na Mitzy, aalis na kami." Tumayo na ako sa upuan ko.

"Sandali..." Mitzy

Humarap ako sa kanya.

"Pakisabi sa asawa at anak mo, sorry. Sana, mapatawad din nila ako." Mitzy

Tumango na lang ako sa kanya tapos tumalikod na ako at naglakad palabas. Nakasunod lang sa akin si Nica. Sumakay na ako sa backseat ng kotse tapos si Nica, sa front seat katabi si Tyler.

"Ano pare? Natapos na? Nagka-closure na?" Tyler

"Oo."

"Hay naku! Pasalamat siya at nasa loob na siya ng selda! At pasalamat siya, ayaw ko siyang makasama sa impyerno. Naku, kung di lang talaga, baka napatay ko na yun." Nica


"Bhie naman..." Tyler

"Tara na pare."

Nagsimula nang mag-drive si Tyler. Napatingin naman ako sa katabi ko, si Keriel, na nakatingin din sa akin.

"Dhie, where did you go ba? Why are you so matagal dun sa loob of that? Who did you visit ba inside?" Keriel

"Isang kaibigan lang princess."

"Anong kaibigan, kaaway 'no!" Nica

"Wag ka nga Nica."

"Oo nga bhie, tumahimik ka nga." Tyler

"Argh! Lagot ka sa akin mamaya!" Nica

"Dhie, who's your kaibigan there?" Keriel

"Si Mitzy."


"Is she bad? Why siya nasa kulungan?" Keriel

"Uh, di siya masama kasi nagbabago na siya. May ginawa lang siyang kasalanan kaya nandun siya."

"Did she murder a tao that's why she's there?" Keriel

"Yung totoo Nica, ano ba kasing ginawa ninyo sa anak ko?"

"O, anong ginawa? Wala!" Nica


"Pustahan tayo, maalin sa inyong apat na ninang niya ang dahilan kung bakit naging conyo 'to."

"Heh! Si Kristal ang may pakana dyan 'no! Alam mo namang pinsan nun si..." Nica


"Bhie!" Tyler

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon