♂ Ikaanim na pu't dalawang Kabanata ♂
Ano na naman ba 'to Reign? Hatinggabi na, bakit nags-skype ka pa?
"Nica, kailangan ko ng tulong mo. Di kasi ako makatulog eh."
O, eh bakit ako pa? Si Kerby na lang.
"Tulog na si Kerby. Tsaka, siya ang dahilan kung bakit di ako makatulog eh."
Bakit naman siya?
"Napapaisip kasi ako tungkol sa kanya eh. Nica, buntis ba si Kerby?"
Tinawagan mo ako ng hatinggabi at sinabi mong mag-skype tayo para lang tanungin kung buntis yang Kerby mo?
"Nica, sabihin mo na lang kung oo o hindi."
Ewan ko. Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ang kasama sa bahay eh.
"Wala siyang sinasabi sa akin. At tsaka bestfriend ka niya, syempre sasabihan ka niya."
Wala din siyang sinasabi sa akin. At tsaka magpapatingin naman siya sa OB di'ba? Hintayin mo na lang yun.
"Ayaw niya. Sinabi niya lang daw yun kay Ms. Rose para di na siya kulitin sa pagpapatingin sa OB pero ayaw niya daw."
Anong ayaw?
"Ayaw niyang magpatingin sa OB."
Aba hoy! Pilitin mo! Paano pag meron pala siyang baby? Eh di napabayaan dahil ayaw magpatingin sa OB?
"Ayaw ko namang pilitin si Kerby."
Mamili ka, yung gusto ni Kerby o yung kaligtasan ng anak ninyong dalawa?
"Sa akin nga ba yung baby kung sakali man na meron nga?"
Ano na naman 'to Reign?
"Madalas niyang kasama noon si Kurt. Malay mo, kay Kurt pala."
Lintek naman Reign! Hanggang ngayon ba, wala ka pa ding tiwala sa bestfriend ko?
"Meron... Pero di ko naman maiiwasang isipin yun. Syempre, usapan na dito kung sino yung ama ng baby."
Paano kung hindi sa'yo? Itataboy mo ang bestfriend ko?
"Hindi... Hindi ko siya itataboy. Bubuhayin ko yung bata kahit di siya sa akin. Pero paano pag nalaman ni Kurt? Paano kung sakaling kay Kurt ang bata? Natatakot ako na baka kunin niya sa akin si Kerby."
Mahal ka ni Kerby. Sigurado akong di ka niya iiwan.
"Pero paano pag hindi ako yung ama? Paano kung si Kurt? Paano pag pinaglaban siya ni Kurt? Syempre, mas gugustuhin niyang totoong ama ang makasama ng anak niya, di'ba? Iiwan niya ako pag ganun."
May girlfriend na si Kurt di'ba? Imposible naman na buntisin niya pa si Kerby.
"May girlfriend nga siya, pero Nica, paano pag nangyari sa kanila yung kwento ng HSG? Paano kung si Kurt pala si Jaydee, tapos si Zoey si Kerby... Paano na ako?"
Wag ka ngang masyadong magpadala dyan sa role na ginanapan ninyo. OA mo eh. At tsaka ano naman kung si Jaydee at Zoey yung dalawa? Teleserye lang yun 'no. Malay mo, mas piliin ni Zoey si Kevin kesa kay Jaydee ngayon.
(For the moment, baka nalilito na kayo kung ano bang meron sa HSG. Si Jaydee (Reign) kasi is girlfriend niya si Loise (Mitzy). Si Zoey (Kerby), ex niya si Kevin (Tyler). Noong nagkita si Jaydee at Zoey, nagkaroon sila ng deal na maging friends with benefits. Pero nalaman ito ni Loise kaya nagkahiwalay si Jaydee at Zoey. That time, bumalik na si Kevin kay Zoey. Minahal ulit siya ni Zoey. Pero pinaglaban ni Jaydee si Zoey. Kaya naman sa huli, si Jaydee at Zoey ang nagkatuluyan. - This is the plot of the story. Iba pa dyan ang summary. Mahaba pag summary pa kaya plot na lang.)
BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanfictionI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.