♂ Ikaanim na Kabanata ♂
~ Ang Simula ng Kwento
“Sigurado kang maganda ang model na ‘to ha.”
“Oo naman Nica. Magandang-maganda yan.”
“Tawagin ko lang yung boss ko kung gusto niya ito.”
“Okay.”
Ako si Miel Hernandez. Real name, Ramiel Hernandez. Pero mas gusto ko kasi na Miel na lang yung tawag sa akin. Tapos na akong mag-college. Actually, may trabaho na ako. Ang course ko noon, Mechanical Engineering. May company kami na nagbebenta ng mga kotse. Isa ako sa mga nasa executives pero minsan, ako na din yung nagbebenta ng kotse namin. Wala lang, gusto ko lang subukan yung ginagawa ng ibang employess namin dito.
“We’re back!” Nica
“Ma’am...” Lumapit na ako doon sa kasama niyang babae. Siya siguro yung boss. “Alam ninyo bang unang tingin ko pa lang sa inyo, kitang-kita ko na. Bagay na bagay kayo sa kotse na ‘to.”
“Talaga?” tapos ngumiti siya sa akin.
Yung boses niya, yung mga ngiti niya, bakit pamilyar sa akin yun?
“Hmm... Excuse me, bakit natulala ka yata?”
“Uh, ano po ma’am... Uh, sorry...”
“You’re funny! Masaya ka sigurong kasama.” Sabi niya sa akin.
“K...” Nica
“Oh! Uhm, ito na ba yung car?” tanong niya kay Nica.
“Yes, yan na yun. You said gusto mo ng purple di’ba?” Nica
“Hmm... It’s cute! I like it.”
“You want to take it or maghahanap pa tayo ng iba?” Nica
“No, I want to take it.”
“Kung ganun po ma’am, pwede po bang sumama kayo sa akin para i-fill up yung mga forms?” sabi ko sa kanya.
“Okay. Nica, can you please get my bag sa van.”
“Okay. Mauna ka na dun sa office nila.” Nica

BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanfictionI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.