♀ Ikaapat na pu't tatlong Kabanata ♀
"Hey, gusto ninyo bang makilala kung sino ang nasa likod ng costume na 'to?" Reign
OMG. Napatingin agad ako kay Reign dahil sa sinabi niya.
"She's my new PA, Kerby." Reign
Naramdaman ko na parang may nagtataas ng ulo ng costume ko. Agad ko 'tong hinawakan para di niya matanggal.
Wow! Swerte ng PA niya!
Kerby? Kerby who daw?
Sa dami ng Kerby sa mundo, mahirap nang mag-hunt sa kanya.
Bakit ninyo iha-hunt?
Itatanong lang natin kung anong ginawa niya at naging PA siya ni Reign.
Hinawakan ko yung kamay niya na tinatanggal ang mask ko. Tapos pilit kong inalis yun doon sa mask ko. Tapos tumakbo na ako pababa ng stage. Tinanggal ko na din agad yung costume. Di na kasi ako nagtanggal ng damit kanina eh. Yun na yung pang-ilalim ko sa costume.
"What the heck Kerby! Pinahiya mo ako sa fans ko!" sabi ni Reign pagkadating na pagkadating niya sa backstage.
"Pinahiya?! Tama lang yun sa'yo. Kung di ko yun ginawa, I'm sure na ako na yung pinahiya mo."
"What the hell are you saying?" Reign
"Don't you know me?! Ako yung nalaos na si Rhina Salazar! At paano pag nalaman nila na PA mo ako? I'm sure na iisipin nila na patapon na talaga ako. Ganun ba? Ganun ba talaga ang gusto mo?"
"Reign, you should go back there." Nica
"Di pa tayo tapos. Pumunta ka sa bahay and stay there hanggang sa makauwi ako. And do it 'cause you are my PA." Reign
Agad na akong umalis doon at naglakad na sa sakayan. Sumakay na ako sa sasakyan at nagpahatid na lang sa bahay ni Reign. Pero pagdating ko dun...
"Ay shet! Ang tanga mo Kerby! Bakit di mo man lang hiningi yung susi? Wala! Paano ka makakapasok ngayon?"
Naupo na lang ako sa hagdan dun at di nalamayan na nakatulog na pala ako.
~ ~ ~ ~ ~
Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Pagtingin ko, nakahiga na pala ako sa sahig. Napatingin naman ako sa taong nandun sa malapit sa ulunan ko.
"Tss." Reign
Umupo na ako. Ang sakit ng ulo ko. Alam ninyo yung nakasandal kayo sa pinto tapos natumba kayo kaya nauntog sa sahig, ang sakit. Ganun ang nangyari sa akin. Alam na alam ko yun. Sa pwesto ko ba naman kanina.
BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanfictionI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.
