♂ Ikapitong pu't apat na Kabanata ♂
"Pare, ikaw na pagkatapos ni Aleeya." Kurt
"Oo."
"Grabe, ayos ang get up mo ah." Kurt
"Ako pa."
"Siguradong magugulat yung mga yun." Kurt
"Yung proxy ko, handa na ba?"
"Yung ka-look-a-like mo? Oo. Kanina pa, excited na excited eh." Kurt
Tumapat na ako sa backstage. Napasilip ako sa isang side ng backstage at nakita ko na nandun na pala yung ka-look-a-like ko. Tapos narinig ko naman si Aleeya.
"Okay, alam kong excited na kayo para dito! Everyone, let us all welcome, Reign Gonzales!" Aleeya
Sobrang lakas ng sigawan ng mga tao dito. Lumabas na din yung ka-look-a-like ko nang tumugtog ang instrumental ng Prinsesa. Kumanta din yung proxy ko pero nakakatawa lang kasi iniiba niya yung tono. Alam kong magaling siyang kumanta pero di ko alam na lalaruin niya pala pagdating dito. Kaya yun, nainis ang mga tao sa kanya. Pero siya, patuloy pa din sa pagkanta.
Nasa chorus na ang kanta nang magsalita sa akin si Aleeya.
"Reign, labas na." Aleeya
Nagsimula na akong lumakad palabas. Nakatungo at parang naglilinis lang. Tumigil na naman yung proxy ko sa pagkanta. Syempre, sinong performer ba naman ang di magugulat kung may janitor na papasok bigla tapos maglilinis? Agaw eksena ka 'toy.
"Teka, si Reign ba yun?" sabi nung isang babae na nasa unahan.
"What? Si Reign?" sabi pa ng mga katabi niya.
At dahil may nakapansin na sa akin, nagsimula na ulit kumanta yung proxy ko. Ako naman, lumapit sa kanya.
"Shot through the heart, and you're to blame..." yung proxy ko.
"Darling you give love a bad name." Pagtuloy ko sa kanta niya.
Nagsigawan na naman ang mga tao dito. Umalis na yung proxy ko. Tinanggal ko na din yung shirt na suot ko na parang sa janitor. May suot naman akong isa pang shirt sa loob eh. Kulay itim yun tapos The Beatles ang nakalagay. Idol ko din kasi ang mga yun eh.
Nagpatuloy lang ako sa pagkanta ng You Give Love a Bad Name. Matapos yun, isang kanta naman sa album ko at dahilan ng pagiging singer ko, Hinahanap-Hanap Kita. Kinanta ko din ang Unlimited and Free at ang Next In Line. Nakakatuwa nga kasi kahit wala sila sa Pilipinas, updated pa din sila sa akin.
Matapos kong kantahin yung apat na kanta ko, nagsalita na muna ako sa harap nila.
"Uhm, hello..."
Malakas na tilian at sigawan na naman ang sumalubong sa akin.
"Nagpapasalamat nga pala ako sa pagpunta ninyo. Solid ninyo mga breggs!" at nagtilian na naman sila. "Yung sunod ko dito, huling kanta ko na yun para sa inyo. May ibang performers pa ang magp-perform eh. Uh... Bago ako kumanta... Pwede bang humingi ng tulong?"
Narinig ko na may nasigaw sa akin ng, 'Anything Reign!'
"Hinahanap ko kasi ang babaeng ito eh."
Tapos pinakita sa monitor ang picture ni Kerby. Oo, hihingi na ako ng tulong ngayon. Sa California, sa tingin ninyo ba, kaya ko 'tong halughugin sa loob ng apat na araw?
Waaaaaaaaaaahhhhh! Si Kerby!
Hinahanap niya pa rin si Kerby! KVmuts!"

BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanfictionI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.