♀ Ikalimampu't limang Kabanata ♀
"Alam mo bang hinahanap talaga kayo ni direk." Nica
"Talaga? O anong sabi niya?"
"Kung ano daw ang nangyari sa inyo ni Reign. Bakit daw di kayo nakapunta?" Nica
"Anong sinabi mo?"
"Sinabi ko na nagawa kayo ng baby kaya wala kayo." Nica
"Hindi nga?!"
"Joke! Syempre, di yun ang sinabi ko." Nica
"Buti naman..."
"So gumawa nga kayo?" Nica
"H-ha? H-hindi 'no!"
"Yiee! Nauutal! So gumawa nga kayo?" Nica
"Hindi talaga! Sabihin mo na lang kung anong nangyari kahapon."
"Eh di yun, sinabi ko na pinag-rest ko muna kayong dalawa. Ayos lang naman daw kay direk yun. Tapos nag-meeting na kami..." Nica
"Ano naman yung napagmeet-ingan ninyo?"
"Well, si Reign and Mitzy will do some matured scenes also. Kasi alam mo naman di'ba? Si Reign at Mitzy talaga yung loveteam dun." Nica
"Oo naman."
"Si Mitzy ang girlfriend ni Reign doon sa teleserye." Nica
"Oo naman, alam ko yun."
"Pero gusto ng mga tao ang ReignBy." Nica
"Ano?"
"Baka daw magkakaroon ng konting pagbabago sa plot ng story. Or maybe, di lang yun konting pagbabago kung hindi huge na pagbabago talaga." Nica
"Di ko maintindihan."
"Lovey, sa pilot episode pa lang ng HSG, nagpakita na agad kayo ni Reign ng magandang chemistry sa publiko. Minus the fact na in love talaga kayo sa isa't isa. But tingnan mo, naka-one month na kayo and still the public likes the ReignBy chemistry." Nica
"I'm sorry pero di ko pa rin maintindihan."
"O sige, para mas mapadali, the story will turn upside down. Ikaw ang magiging bida and si Mitzy ang magiging epal sa kwento." Nica
"Ano?"
"Maraming haters si Mitzy now... And naisip ni direk na mas maganda nga kung ikaw na lang yung gawing bida doon." Nica
"Di ko pa rin ma-gets. Anong ako ang magiging bida? Magpapalit kami ni Mitzy ng role?"
"Hindi 'no! Para kang si Ruby... Bidang-kontrabida... Ikaw yung mang-aagaw pero ikaw pa din ang bida." Nica
"Paano si Mitzy?"
"She will still hold the role as Reign's girlfriend sa show. Ang pinagkaiba lang, baka ikaw na ang makatuluyan ni Reign. Kasi look, sa bawat relationship, mas mahal naman talaga ng lalaki yung babaeng nauna... And sa story ng HSG, mas nauna talaga si Mitzy kesa sa'yo. Alam mo naman yung plot di'ba? You're going to be an epal sa relationship nila and in the end, sila talagang dalawa. Pero nagbago ang isip ni direk at ng writer... Si Mitzy ang magiging epal at ikaw ang makakatuluyan ni Reign sa huli." Nica
"Talaga?"
"Hay naku, oo nga! I guess, nagsimula yun noong presscon... Nung mapanuod yun ng mga tao, nang ilabas yun sa SMS and balita, nag-trend agad kayo ni Reign. Tanda ko pa ang hashtag nila that time... #ReignAndKerbyChemistry yun... As in ang dami talagang taong nagustuhan yung samahan ninyo. Ni hindi pa nilalabas ang show, naghakot agad kayo ng fans. Yung mga dating fans ni Rhina, nagbalik sila and became your fan again. And yung fans ni Reign... Grabe! Tanggap na tanggap ka! Tapos lalo na yung pinalabas ang pilot episode... First ever matured scene mo yun at sa pilot pa inilabas... Grabe! Trending din talaga yun! Take note, worldwide number one trend! Tapos... Nagsimula nang kumalat yung pictures ninyo ni Reign, edited man o hindi. And talagang sobrang kilig na kilig ang madla sa mga pictures na yun! Tapos eto pa, yung paparazzi na nakasunod sa inyo ni Reign, nakukunan kayo ng picture na magkasama. Kaya yun! Pinagpyestahan ng mga fans! Talagang boom kabog ang ibang loveteams dahil sa paghanga nila sa loveteam ninyo ni Reign. Alam mo yung para kayong Meteor Garden na talagang kinabaliwan ng marami! Ganun na ganun kayo! ReignBy Fever Forever!" Nica
BINABASA MO ANG
Runaway With You
Fiksi PenggemarI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.
