♂ Ikadalawampu’t siyam na Kabanata ♂
Gabi na, nandito ako sa kwarto ko. Hawak ko yung phone ko at pilit tinatawagan si Kerby. Kaso, di talaga nasagot eh.
“Kerby, sumagot ka naman o.”
Pero kahit anong tawag ko, di talaga siya nasagot. Kinuha ko na yung susi ng kotse ko at lumabas na ako ng condo ko.
Ayaw sagutin ni Kerby ang tawag ko eh kaya pupuntahan ko na lang siya.
~ ~ ~ ~ ~
Nandito na ako sa tapat ng bahay nina Kerby. Tumawag ako sa kanya nang nasa labas na ako ng gate.
“Kerby! Kuya Kent! Tita! Tao po!”
Nagbukas yung pinto at lumabas si kuya Kent.
“Kuya...”
“O, anong ginagawa mo dito?” sabay bukas niya sa gate.
“Kuya, si Kerby?”
“Nasa kwarto niya, bakit?” kuya Kent
“Ayos lang ba siya?”
“Oo naman.” kuya Kent
“Kuya, pwede ko ba siyang makita?”
“Tol, gabi na o. Bukas mo na lang puntahan yun.” Kuya Kent
“Kuya, please.”
“Sige na nga, pasok na.” kuya Kent
Pumasok na ako ng bahay nila. Maghintay na lang muna daw ako doon sa sala at tatawagin na daw niya si Kerby.
“O hijo, gabi na ah. Bakit bumisita ka pa?” tita
“Gusto ko lang pong kausapin si Kerby.”
“Ah... Tinatawag na yata ni Kent ‘no? Hintayin mo na lang dyan. Nga pala, nakakain ka na ba ng dinner?” tita
“Sa labas na lang po ako kakain.”
“Ay naku hijo, sumabay ka na sa amin ha.” Tita
“Sige po, salamat.”
BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanfictionI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.
