♂ Ikadalawampu’t anim na Kabanata ♂
Nagtatawanan lang sila tita at kuya Kent dahil sa nangyari. Ako naman, hinihintay ko lang si Kerby. Nang may bigla namang nagsalita sa taas...
“Ma, gutom na po ako, kain na po tayo.” Kerby
“Teka Kerby, di ka man lang nagsuklay ah.” Kuya Kent
“Ayos lang naman kuya eh.” Kerby
Paano, ganun pa din yung buhok niya. Sabi nga ni kuya Kent, para daw nakipagsabunutan tapos nilayuan ng suklay yung buhok ni Kerby. Pero cute pa din siya kahit ganun.
“Ma, gutom na po ako.” Kerby
“Magsuklay ka muna ‘nak.” Tita
“Ma, gutom na nga po ako.” Kerby
“Hay, sige na. Hijo, pagpasensyahan mo na yang si Kerby ha. Halika, sabay ka na sa pagkain.” Tita
“Sige po.”
Pumunta na kami sa dining area. Tapos umupo na kami syempre sa harap ng dining table. Katabi ko si Kerby ngayon.
“So, are you turned off with me now?” pabulong na tanong niya sa akin. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Kaya pala...
“Kaya ba hindi ka nagsuklay? You’re making me turn off with you.”
“Alam ko naman na turned off ka na sa akin, wag mo nang ipagkaila.” Kerby
“Hindi ‘no. Cute mo nga eh.”
“Kahit ganito yung buhok ko?” Kerby
“Kahit na mukha pang sa witch yung buhok mo, o kahit para na yang walis-tingting, o buhok man ni Pipay Payoson, mahal pa din kita.”
“Nakalimutan ko, gutom na nga pala ako.” Pag-iiba niya ng topic.
Kumain na siya. Kumain na lang din ako. Nakain lang kami ng tahimik nang nagsalita na naman si Kerby.
“Hmm! Ang sarap naman nito ma!” tapos kumain siya na parang walang bukas. Alam ninyo yung kakasubo pa lang niya ng pagkain, may kasunod na agad. Ni hindi pa nga niya nalulunok yung nasa bibig niya eh.
“Anak, hija, maghinay-hinay ka naman o. Baka mabulunan ka.” Tita
“Ang sarap po kasi m-...” at yun, nabulunan na nga.
“Naku anak, inom ka o!” binigyan siya ni tita ng baso ng tubig. Ininom naman agad yun ni Kerby.

BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanficI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.