♂ Ikalabing-anim na Kabanata ♂

560 10 0
                                    

♂ Ikalabing-anim na Kabanata ♂

Pagmulat ko ng mata ko, ang sakit na ng ulo ko. Ang sakit ng katawan ko, ni hindi nga ako makatayo eh. May ubo din ako na hindi ko alam kung paano ako nagkameron. Sa madaling salita, sobrang sama ng pakiramdam ko.

Narinig ko na may nakatok na sa pintuan ng condo ko. Baka si Kerby na yun. Kaya ang ginawa ko, tumayo ako kahit di ko pa masyadong kaya. Humawak na lang ako sa pwedeng alalay para wag akong matumba. Pumunta na ako sa pinto at pinagbuksan siya.

“Good morning!” Kerby

“Morning...”

 

“O, bakit parang matamlay ka?” Kerby

“Wala lang ‘to.”

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko. Pinapakiramdaman niya siguro kung mainit ako.

“Miel, mainit ka. May lagnat ka ‘no.” Kerby

“Baka sinat lang ‘to.”

 

“Halika na nga.” Kerby

Pumasok na kami ni Kerby sa loob. Sa sofa na lang sana ako titigil kaso inalalayan niya ako at dinala sa kwarto ko.

“Magpahinga ka muna dyan, ipagluluto lang kita ng makakain.” Kerby

“Hindi, ayos lang ako.”

 

“Miel, ano ba. May lagnat ka kaya. Basta hintayin mo ako dyan.” Kerby

Wala akong nagawa kundi hintayin si Kerby. Di ko na din kaya pang gumalaw masyado eh. Kaso yung trabaho ko.

“Pinagluto kita ng soup. Kain ka muna.” Kerby

Umupo siya sa bakanteng space sa kama ko at malapit sa akin. Kumuha na siya ng soup gamit ang kutsara at hinipan ito saka isinubo sa akin. Sinusubuan niya ako para makakain ako, ganun lang kami. Nang matapos na, binigyan niya ako ng gamot.

“Buti na lang, may medicine box ka dito. Inumin mo na yan tapos magpahinga ka na.” Kerby

“Kerby, makikiabot naman ng laptop ko o.”

 

“Anong gagawin mo?” Kerby

“Tatapusin ko lang ang ibang reviews dun.”

 

“Miel?! May sakit ka na nga, trabaho pa ang iniisip mo. Pwede ba, magpahinga ka naman.” Kerby

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon