♂ Ikapitong Kabanata ♂

562 12 1
                                    

♂ Ikapitong Kabanata ♂

Kasama ko pa rin si Kerby. Currently, nagd-drive ako ng kotse ko papuntang mall. Si Kerby kasi eh, gusto daw niyang magshopping. Pero alam ninyo ba kung ano yung hindi ko maintindihan? Bakit ba sinusunod ko ‘tong babaeng ‘to sa gusto niya. Ni pagtakas sa trabaho ko, ginawa ko para masamahan siya. Tss, ano bang nangyari sa akin?

Mabilis lang kaming nakadating sa mall. Pagkatapos, bigla-bigla siyang lumabas ng kotse ko at nagtatalon sa labas. Nasa parking lot pa naman kaya walang masyadong nakakakita sa kanya.

“Waaaahhh! I’m so excited na!” Kerby

Nilapitan ko siya at pinigilan sa paggalaw. Para kasi siyang kiti-kiting hindi matali sa kinaroroonan eh. Naka-heels pa.

“Saan ka naman excited?”

 

“Mag-shopping! I miss being free!” Kerby

 

“Free? From what?”

 

“Basta... Halika na, dali!” Kerby

Hinila na niya ako papasok sa mall. Nandito na kami sa loob at yakap-yakap niya ako sa braso ko.

Shet Miel, ano yan? Binibigyan mo ng malisya? Madalas naman ganyan ang mga babae ah. Kapatid mo nga, kung makakapit din sa’yo, wagas. Wag mo na lang lagyan ng malisya.

Habang naglalakad, napansin ko na pinagtitinginan kami ng mga tao. Mapa-babae, lalaki, bakla, tomboy, bata, matanda... Lahat na! Tinitingnan kami! Bakit? Ano bang meron sa amin ni Kerby? Bakit kung pagtinginan nila kami, parang nagtataka sila?

“Tara dun!” Kerby

Hinila niya ako sa isang botique. Mga babae nga naman. Alam na alam ko na, mamimili lang ‘to ng damit.

“Tingnan mo ‘tong shirt na ‘to. Ang ganda di’ba?” Kerby

“Oo.”

 

“Bagay ‘to sa jeans na yun!” Kerby

Tumakbo siya bigla sa section na may jeans at may kinuha.

“Wait for me, try ko lang ‘to.” Kerby

Pumunta na siya sa fitting room. At si ako, naghihintay lang sa kanya. After ng ilang minutes, lumabas na siya.

“I’ll buy these clothes na.” Kerby

Dinala na namin sa counter yung damit na napili niya. Kinuha ko na yung wallet ko, ako na lang yung magbabayad nun.

 

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon