♀ Ikaapat na pu't walong Kabanata ♀

192 5 0
                                        

♀ Ikaapat na pu't walong Kabanata ♀

"So, let's talk about this game." Reign

"Go on..."

Nakaupo kami dito sa ilalim ng puno. Katabi ko siya habang ganito, nagkwekwentuhan kaming dalawa.

"Madali lang naman yun eh. Make me fall for you and you win." Reign

"And how if you don't love me again?"

"I win. And you'll be mine." Reign

"Yours?"

"Yup. You'll do whatever I tell you." Reign

"Eh kahit naman ngayon ah. PA mo ako di'ba? Syempre, gagawin ko ang utos mo. Pagdalhin mo ako ng mabibigat na bagay, paglutuin mo ng pagkain mo or kahit ano."

"Alam mo, gusto ko nang umuwi. Kung umuwi na lang kaya tayo." Reign

"Oh, okay. Let's go."

Naglakad na kami pabalik sa gymnasium. Buti, nandun sa labas si Elmira.

"Elmira!"

"O Kerby, bakit?" Elmira

"Uhm, alis na kami ni Reign err Miel... Reign. Ugh, whatever."

"Ah, okay. But bakit naman ang aga?" Elmira

"Antok na kasi si Kerby eh. Kailangan na niyang magpahinga." Reign

"At ako pa talaga ang dahilan mo?"

"O sige na, kayong bahala. Bye! Thanks for coming!" Elmira

Naglakad na kami ni Reign pabalik sa car niya. Then nag-drive siya papuntang bahay ko.

"Wait, how about my car? Nasa house mo pa yun."

"Pumasok ka na dyan sa bahay mo, pumunta sa kwarto mo at kunin ang mga gamit mo tapos bumalik ka dito at uuwi na tayo." Reign

"Wait, what? Ano yun, lilipat na agad ako?"

"Mag-isa ka lang sa bahay di'ba? Kesa bukas ka pa lumipat, mas maganda kung ngayon na para may kasama ka." Reign

"Oo, mag-isa ako pero kaya ko naman eh."

"Kerby, I said now." Reign

"Pumasok ka na muna sa bahay. Mag-aayos na nga ako ng gamit."

Pumasok na kami sa bahay. Naupo na muna siya sa sofa tapos ako naman, umakyat na papuntang kwarto at kumuha ng gamit ko. Pagkatapos mag-ayos, bumaba na ako at sumakay na kami ni Reign sa kotse. Tapos nag-drive na siya papunta sa bahay niya. Nang makarating kami, pumasok na agad kami sa bahay niya.

"We're sharing the same room." Reign

"Seryoso ka talaga? I thought joke lang yun."

"Of course, seryoso ako. We're sharing the same room." Reign

"There's no way I'm going to share a room with you. Sa iba na lang ako."

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon