♂ Ikaanim na pu't pitong Kabanata ♂

115 1 0
                                        

♂ Ikaanim na pu't pitong Kabanata ♂

"Nandito na ako."

"Dhie!" Kerby

Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad papuntang sofa at naupo dun. Naisip ko kasi ang nangyari kanina sa set eh.

"O, bakit parang problemado ka?" sabi sa akin ni Mhie at tumabi sa akin.

"Nakipag-argue ako kanina kina direk at Ms. Aera."

Si Ms. Aera ang may ari ng PKN. Well, may kapatid siya at yun talaga ang owner, si Ms. Aera lang ang nakakausap namin for those things na kailangan namin or kung ano pa.

"Bakit naman?" Kerby

"Paano... May bagong character daw."

"Okay... Eh bakit parang may problema ka?" Kerby

"Ano kasi Mhie eh..."

"Ano?" Kerby

"Makaka-loveteam ko yung bagong character dun."

"Uhm, paki-specify?" Kerby

"May bago akong leading lady... At maaring siya yung makatuluyan ko sa huli."

"O, ano namang problem dun?" Kerby

"Mhie, may bago akong ka-loveteam, rinig mo ba? May iba ako makakatuluyan sa palabas na yun!"

"I don't have any idea why you're like that. So what kung makatuluyan mo yung new character? Si Mitzy ba ang gusto mong makatuluyan kaya ka nagkakaganyan?" Kerby

"Hindi sa ganun Mhie... Naiinis lang ako kasi di man lang nila ako iniform na kukuha sila ng bagong character."

"Alam mo na naman di'ba?" Kerby

"Nalaman ko lang nang meron na silang nakuha."

"May nakuha na?" Kerby

"Sinabi nila sa akin kanina na may bagong character na daw para sa palabas. May nakuha na sila kaya wala nang atrasan sa plano."

"At least, pinaalam na nila sa'yo. At tsaka ayaw mo nun? Di na kayo magkaka-problem sa kung sino man yung ipapasok ninyo kasi may nakuha na pala." Kerby

"Ang akin lang, kung sinabi nila sa akin..."

"Kung sinabi nila sa'yo, ano?" Kerby

"Eh di sana, nakasama na kita.

"Dhie...?" Kerby

"Pwede ka naman di'ba? Magaling ka naman. Bakit di na lang nila sinabi sa akin tas sasabihin ko sa'yo. Tas magkakasama na tayo kasi papayag ka naman di'ba?"

"Di'ba nga nagpapahinga pa ako." Kerby

"Mhie, two months ka nang nagpapahinga. Ayos na naman siguro yun. Magtrabaho ka na ulit please. Sumama ka na ulit sa trabaho ko. Miss na kita eh. Pati na din ng mga fans mo. Miss ka na namin."

"Uh, let's not talk about this... Uhm, kumain ka na? Tara, kain na tayo." Tumayo na siya mula sa tabi ko.

"Mhie..." pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ng kamay niya. "Sabihin mo lang sa akin, makikipagtalo ulit ako sa kanila. Pipilitin kong ikaw ang ipasok para naman magkasama na ulit tayo."

"Wag mo nang isipin yun Dhie. Don't make it a big deal. Ayos lang naman kahit di tayo magkasama sa project mong 'to eh." Kerby

"Mhie, big deal 'to. Nakabatay dito yung kasiyahan ko at kaayusan ng relasyon natin. Paano kung i-link na naman nila ako sa babaeng yun na bago? Baka magkagulo tayo. Tama na si Mitzy, ayaw kong magkagulo tayo dahil sa iba."

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon