♀ Ikalabing-isang Kabanata ♀

541 7 0
                                    

♀ Ikalabing-isang Kabanata ♀

Masakit... Anong masakit? Yung puso ko... Chos! Yung ulo ko! Masakit yung ulo ko. Si Miel kasi eh, di ko talaga ma-gets yung sinasabi niya about sa salamin. Nung tinanong ko naman kina mama at kuya kung anong meaning nun, ganito ang nangyari...

~ ♥ ~ FLASHBACK ~ ♥ ~

"Ma, kuya, umalis na po si Miel."

"Ah, buti naman." Kuya Kent

"Naku, dapat sinabi mong aalis na siya para naikuha ko man lang kahit pabaon." Mama

"Ma, di naman bata yun para pabaunan mo." Kuya Kent

"Aba, malay ko ba kung saan nakatira ang batang yun. Paano pag isa siya dun sa mga nagi-independent na ang madalas kainin ay instant noodles or pizza or what. At least, kung may pabaon ako, may maiinit siya bukas at yun ang iulam niya." Mama

"Ma, ang laki ng concern mo dun. Di mo naman yun anak eh." Kuya Kent

"Ay naku! Basta gusto ko, ang kinakain ng mga anak, kamag-anak at kakilala ko ay healthy. Naku, kawawa ang batang yun pag ganun nga ang pinagkakakain niya." Mama

"Ma, Kuya, may tanong ako..."

"Ano yun? / 'No yun 'nak?" Kuya/Mama

"May sinabi kasi sa akin si Miel eh."

"Buntis ka?!/Magpapakasal kayo?!" Kuya/Mama

"Yung totoo, may problema po ba kayo? Isa pa, kuya naman! Buntis? Agad-agad? Eh ngayon nga lang ulit kami nagkakita eh. At ma, kasal? Wala po kaming relasyon."

"Eh malay ko ba kung kalahi yun ni Kokey at tinitigan lang yung babae, buntis agad." Kuya Kent

"Eh akala ko, kayo na eh. Ang sweet ninyo kasi." Mama

"May sinabi lang po siya sa akin tungkol sa liligawan niya... Na hindi ko naman malaman kung sino. Basta ang sabi ko, tutulungan ko siya dun."

"O tapos?" kuya Kent

"Regarding dun sa pagtulong ko, sabi niya ay naisip na daw niya yung dapat kong gawin."

"Ano daw?" mama

"Ang sabi niya, humarap daw ako sa salamin at lahat daw ng sasabihin ko para ma-good shot siya, sabihin ko na dun. Eh kaso... Ano bang meaning nun? Bakit sa salamin ko sasabihin?"

Napatingin ako sa kanila at magkaiba yung reaksyon nila sa sinabi ko. Si kuya, nakakunot yung noo. At si mama, nakangiti lang.

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon