♂ Ikatatlongpung Kabanata ♂

352 4 1
                                    

♂ Ikatatlongpung Kabanata ♂

“Ano ba kasing kailangan mo?”

 

“Kakausapin lang kita tungkol sa amin ni Kerby.” Kurt

“O, anong meron sa inyo?”

 

“Pare, umamin na siya sa akin. Mahal niya ako. Kaya kung pwede lang, tigilan mo na siya.” Kurt

“Ang yabang mo naman pare. Wag mo nga akong lokohin.”

 

“Ayaw mong maniwala? Eto.” May iniabot siya sa aking envelope. “Tingnan mo na lang mamaya sa bahay mo. Baka kasi pag nakita mo pa dito, magwala ka pa eh.” Kurt

Naglakad na ako palayo doon. Nag-drive na ako pauwi sa condo ko. Ano na naman bang kabalbalan ang laman nitong envelope na ‘to?

Nandito na ako sa condo at binuksan ko na yung envelope. May nakita akong cd doon kaya naman kinuha ko yun at isinalang sa player ko.

“Rhina, ano pa bang kailangan mo?”

 

“You. Kailangan kita Kurt. I want you.”

 

“What?”

 

“Kurt, mahal kita.”

 

“Mahal mo ako? Rhina, si Kurt ako, hindi si Tyler.”

 

“Alam ko! Kaya nga mahal kita eh.”

 

“Ano bang sinasabi mo?”

 

“Kurt, I love you. Ikaw ang gusto ko.”

 

“Eh paano si Tyler?”

 

“Si Tyler? Wala lang yun. Di ko talaga siya mahal. Ikaw ang mahal ko.”

 

“Eh si Miel, yung kaibigan mo. Alam mo bang may gusto siya sa’yo?”

 

“Oo, alam ko. Hmm? Uhm... Pero Kurt, ikaw talaga ang gusto ko.”

 

“Rhina, mahal din naman kita. Pero ayaw kong may kaagaw ako sa’yo. Baka nga nililigawan ka na ng Miel na yun eh.”

 

“Oo, baka nga nililigawan niya ako. Pero Kurt, pinaglalaruan ko lang naman siya eh. Ikaw naman talaga kasi ang gusto ko. Maniwala ka naman o.”

 

“Mahal mo ba talaga ako?”

 

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon