♀ Ikalabing-apat na Kabanata ♀

546 7 0
                                    

♀ Ikalabing-apat na Kabanata ♀

Nandito na ako sa office ni Miel. Yun, pagdating na pagdating naman, salampak agad siya sa swivel chair niya at kung anu-ano na ang pinaggagawa sa laptop niya.

“Uhm, I’m just going... outside.”

 

“Go.” Miel

Lumabas na ako ng office niya. Tapos lumapit ako sa dun sa isang employee na nakakunot na ang noo habang may ginagawa sa computer niya.

“Hi! Busy?”

 

“Yes, I’m sorry.” Sabi niya sa akin.

Pumunta ako sa likod niya at tiningnan ang ginagawa niya. Nage-encode siya ng mga files dun sa computer. Siguro, masakit na ang mata niya kaya nakakunot na yung noo niya.

“Hey, I can help you with that.”

Did I mention? I was about to take the course of Computer Engineering if hindi lang ako nag-artista. Yun kasi ang lumabas sa NCAE result ko eh, Cyberservices.

“No, I can do this.” Sabi niya sa akin.

 

“Uhm, mabilis din akong mag-type. Pansin ko kasi, parang pagod ka na eh. If you want, rest ka muna tas ako na ang gagawa nyan.”

 

“I’m sorry miss but...” lumingon siya sa akin at parang napatigil siya.

“Uhm, but what?”

 

“R-Rhina?” tanong niya sa akin.

“Uhm, yeah?”

 

“Waaaaaaaaaahhhhhhhh!! Rhina!” tapos tumayo siya sa pagkakaupo niya at hinawakan ang kamay ko at nagtatalon. “Ang ganda mo po! Fan na fan mo po ako!”

 

“Uh, t-thank you.”

Tapos napatingin ako sa buong cubicle niya at nakita ko na ang dami kong pictures na nakadikit sa wall ng cubicle niya. May mga collectibles din ako na meron siya. At may picture frame dun na may picture namin ni Tyler.

“Ano nga po palang ginagawa ninyo dito?”

 

“Uh, stop with the po please.”

 

“Okay po... Oops!”

 

“Kasi may friend ako dito. I came with him and dahil wala akong magawa, naglibot-libot ako dito. Until I noticed you.” Para namang nagliwanag yung mukha niya pagkasabi ko nun. “If you let me, I would like to help you with your work.”

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon