♀ Pangalawang Kabanata ♀

472 10 0
                                    

♀ Pangalawang Kabanata ♀

Masaya na ako dun sa friendship namin eh. Contented na ako sa bestfriendship na meron kami. Pero tulad ng mga story sa Wattpad, mapaglaro talaga ang tadhana eh. Alam ninyo ba yung kasabihan na wag daw magsalita ng tapos dahil baka kainin mo yung mga sinabi mo. Not kainin literally but... Ugh! Nagpapaliwanag lang ako para wag ninyo na akong barahin okay? Nasanay kasi ako kay Miel na lagi akong binabara. Anyways, balik sa usapan...

Grabe lang talaga, pag tadhana na ang taya at hinabol ka, siguradong matataya ka niya. At pag nataya ka niya, naku... Ang hirap ng makawala. Parang lagi ka na lang taya.

Yan ako. Nakipaglaruan kasi ako ng tayaan kay tadhana eh. Di na nga ako makaalis alis sa pagiging taya, pinakain pa niya ako. Pinakain niya pa sa akin ang mga sinabi ko.

I will never fall in love with Miel Hernandez.

Grabe, natatawa na lang ako pag naiisip ko yun. Ikaw kasi Kerby, sinabi mo pa eh. Yan, pinakain sa’yo ang sinabi mo.

Kaya eto ako, kinain yung mga sinabi ko. Naging taya sa laro namin ni tadhana. At parang baliw na dahil sa kanya.

Kaya guys, aaminin ko na.

Ako, si Kerby Salazar, ay tuluyan nang nalaglag at nagmahal kay Miel Hernandez.

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon