♀ Ikapitong pu't pitong Kabanata ♀

84 2 0
                                    

♀ Ikapitong pu't pitong Kabanata ♀

"O ano? Masaya ka na sa nangyari?" tanong niya sa akin.

"Sa tingin mo ba, magiging masaya ako sa ginawa ko?"

"Ewan ko... Pero yun naman ang gusto mo di'ba?"

"Kurt, ang sama ko ba sa kanya?"

"Kung nasaktan mo siya, oo, masama ka talaga. Pero Kerby, ginawa mo lang yun para na din sa kanila."

Bumuhos na muli ang mga luha ko. Agad naman akong niyakap ni Kurt.

Si Kurt Villanueva, kilala ninyo na naman siya di'ba? Siya ang nag-iisang koneksyon ko sa mga kaibigan at kakilala ko sa Pilipinas. Dahil sa kanya, nalalaman ko yung mga bagay na nangyayari sa kanila sa Pinas. Siya yung naging mata ko dun. Siya yung nahihingan ko ng tulong.

"Mahal na mahal ko siya."

"Alam ko." Kurt

"Ang sama ko lang kasi sinaktan ko siya."

"Oo." Kurt

"Ngayon, wala na siya sa akin."

"Tinupad niya naman ang pangako niya eh. Ikaw lang talaga ang umayaw." Kurt

"Nahihirapan na ako Kurt... Bakit ba kasi kailangang magkaganito? Bakit sa lahat ng tao, bakit ako pa yung nahihirapan ng ganito?"

"Pagsubok lang yan Kerby. Nasa'yo kung lalaban ka o susuko ka." Kurt

"Sa ginawa ko ba, sumuko na ako?"

"Pwedeng oo, pwedeng hindi. Sumuko kasi pinakawalan mo siya. Pero nalaban ka pa din dahil nananatili kang matatag para mabuhay pa." Kurt

"Masyado ba akong makasalanan para magkaganito ako?"

"Tadhana na mismo ang nagdala nyan sa'yo." Kurt

"Galit pala talaga sa akin si tadhana."

"Sinusubukan ka lang niya." Kurt

"Pagsubok na ikakamatay ko na?"

"Wala na tayong magagawa Kerby, nandyan na." Kurt

"Bakit kasi ako pa? Sa dami ng tao, bakit ako pa? Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Mahal na mahal ko ang asawa ko, ang anak ko. Bakit ako pa? Bakit di na lang iba?"

"Pinagsisisihan mo na ba ang ginawa mo?" Kurt

"May dahilan kung bakit ko yun ginawa. Oo, masakit pero di ko pinagsisisihan. Ayaw kong maapektuhan ang pamilya ko. Ayaw kong masaktan sila."

"Pero nasasaktan na sila ngayon." Kurt

"Mas masasaktan sila kung babalik pa ako sa piling nila pero mawawala na din naman bigla. Cancer na yung usapan natin dito Kurt. Anytime now, pwede na akong mamatay. At yun ang ayaw kong datnan nila... Na masaya silang kasama ako pero paggising nila isang araw, patay na ako. Ayaw kong masaktan sila nang ganun. Kaya mas maganda kung magkaganito na lang ako. Nakahiwalay sa kanila para di na sila mas masaktan pa."

"Ipagkakait mo sa kanila na makasama ka, ganun? Kung mamamatay ako, mas gugustuhin kong makasama ang mga taong mahal ko para naman masulit ko di'ba? Kerby, ganun din naman sana ang isipin mo." Kurt

"Wala na... Galit na sa akin si Reign. Hindi na niya ako tatanggapin pa."

"May pag-asa pa. Mahahabol mo pa." Kurt

"Anong gusto mong gawin ko? Sundan siya sa Pilipinas? Tapos ano, tatanungin niya ako kung bakit nandun ako? Sasabihin ko, gusto ko siyang makasama kaya ganun? Ha?"

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon