♀ Ikaapat na pu't anim na Kabanata ♀

164 5 0
                                    

♀ Ikaapat na pu't anim na Kabanata ♀

"Wow! Big revelations! Tamang-tama sa party natin." Elmira

"O... Dahil dyan... Mag-party na tayo! Whoo!" sigaw ni Vence kahit nakatapat sa kanya ang mic.

Tapos nun, nagsimula nang magpatugtog ang dj. Naging dim na ulit ang lights. At ang mga tao, nagsasayaw na. May nagkwekwentuhan at may nakain na. Pero ako, wala pa din ako sa sarili ko.

"Ayos ka lang?" Reign

Tumingin ako sa kanya. Siya pa rin si Reign. Siya si Reign.

"Ang yabang mo din 'no. Para lang wag kang paalisin dito, ginamit mo pa ang pangalan ni Miel. Alam mo Reign, itigil mo yang pag-gate crash mo. Masama yan 'no."

"So hindi ka naniniwala na ako si Miel?" Reign

"Hindi."

"Okay, fine. Di ka naniniwala." Tapos tumingin siya sa crowd. "Pero sila, naniniwala."

"Bakit Reign, ano ba talaga ang totoo?"

"Yung totoo? ... Mali ang pinaniniwalaan mo. Kerby, ako si Miel. At yung pinaniniwalaan mo na si Miel at Reign ay magkaiba, mali yun." Reign

"Pero sabi mo kahapon sa akin..."

"It was all a lie. Naniwala ka naman." Reign

"Oo, naniwala ako. Akala ko, di ko pa kilala yung pinagt-trabahuhan ko. Yun pala..."

"Ako yung dating manliligaw mo. Ako si Miel, Kerby." Reign

"Kung ganun, bakit nag-act ka na parang di mo ako kilala? Bakit pinahirapan mo ako?"

"Kasi Kerby, gumanti ako sa'yo. At hanggang ngayon, di pa ako tapos gumanti sa'yo." Reign

"Ano?"

"You can't quit as my PA now. You can't quit kahit na alam mo na ako si Miel." Reign

"No..."

"Tell me, how's life being my PA? Masaya ba o miserable?" Reign

"So talagang pinapahirapan mo lang ako?"

"Exactly." Reign

"Miel, anong nangyari sa'yo? Bakit nagkaganyan ka? Hindi ka naman ganyan dati ah."

"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo? Sa natatandaan ko, sinabi kong maghihiganti ako sa'yo." Reign

"Sa ganitong way? Maghihiganti ka sa pamamagitan ng pagpapahirap sa akin, at pagpapahiya sa akin, ganun?"

"Apparently, di pa kita napapahiya." Reign

"But you tried."

"Yeah, I tried. Pero di naman natuloy, di'ba?" Reign

"Ang sama mo! Bakit di ka na lang lumaban ng patas?"

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon