♀ Ikaapat na pu’t isang Kabanata ♀
Matapos nang tawag ni kuya, naisipan kong tawagan si Nica. Nag-iba din kasi yun ng number kaya di ko nakakausap dati. Pero ngayon, nasa akin na ulit ang number niya. Haha!
Bakit?!
“Woah… Chill ka lang Lovey. Bakit parang HB ka?”
Paano kasi ‘tong si Reign… Aish… Ano ba yun Lovey?
“Uhm, Lovey baka pwede mo akong tulungan. Ano kasi eh… Naghahanap ako ng trabaho. Baka naman may kakilala ka na kailangan ng trabahador?”
Bakit ka naghahanap ng trabaho? Kapos?
“Bakit ang tanong ninyo lagi sa akin, kung kapos ako… Hindi ‘no. Gusto ko lang na may mapapaglibangan. Tsaka ikaw na din ang nagsabi, dapat lumabas na din ako ng bahay. Kaya naman eto, at least sa paglabas ko, may magagawa ako di’ba? Nagtratrabaho ako.”
Eto Lovey, may trabaho akong io-offer sa’yo.
“Ano yun Lovey? Kahit ano, okay lang.”
Payag ka bang maging PA?
“PA? Nino naman?”
Ni Reign. Yun nga rin ang dahilan kung bakit ang init ng ulo ko ngayon.
“Ano bang nangyari?”
Paano, yung PA niya, isang araw pa lang eh umayaw na agad. Saan ba kasi ako makakahanap ng PA na makakatatag sa taong ‘to?
“Don’t worry Lovey, dadating na ako. Ako na lang yung magiging PA niya. Ayos lang?”
Kaya mo ba talaga Lovey? Lalaki ‘to, makulit, suplado, ang stubborn. Baka di mo kayanin.
“Sus, ako pa Lovey! Yakang-yaka ko yan! At tsaka, mga katropa ko, lalaki ‘no. Kaya ko din yan gawing katropa. Kahit gaano pa siya ka-stubborn.”
Baka naman tumiklop ka pag nakita mo siya.
“Ako, aatras? Hindi ‘no. Ilang taon na ba kasi yan?”
Twenty-two years old.
“Mas matanda pala siya sa akin ng one year.”
Oo. Kaya mo?
“Oo naman. Kelan ba ang simula?”

BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanfictionI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.