♀ Ikalimampung Kabanata ♀

204 7 0
                                    

♀ Ikalimampung Kabanata ♀


Ilang days na din ako dito sa bahay ni Reign... Oh yeah... One month. Grabe o! Nakatagal ako ng one month kasama ang Reign Gonzales na 'to.


"Kerby..." Reign


"Ano na naman?"

 

"Gutom na ako." Reign


"Wait, ise-send ko lang 'to."


Nag-email kasi ako kay mama. Kinakamusta niya kasi ako kaya yun, nag-isip pa ako ng sasabihin sa kanya. Hindi alam ni mama ang nangyari sa akin, o kahit yung nangyayari sa akin ngayon. Si kuya nga, di pa rin alam na dito ako sa bahay ni Reign nakikitira.


"Kerby..." Reign


"Ano?"

 

"Ang pangit mo." Reign


"Ah, ganun? Sige, di kita ipagluluto."

 

"Marunong naman akong magluto eh." Reign


"Eh di magluto ka! Di yung sasabihin mo pa sa akin."

 

"Kerby..." Reign


"Reign, ano ba!"

 

"Ang taba mo. Ang pangit mo. Ang pandak mo. Ang baho mo. Ang ingay mo. Ang da-..." Reign


"Reign! Tumigil ka na nga!"

 

"Ipagluto mo ako ng pagkain, titigil ako." Reign


"Why are you acting like that? Ang immature mo ngayon."

 

"Ipagluto mo ako." Reign


"Fine. Ano bang gusto mo?"

 

"Kahit ano." Reign


"Bahala ka. Basta kung ano na lang ang maluto ko."

Nagpunta na ako sa kitchen at nagsimula nang magluto. Anong lulutuin ko? Pinakbet. Hah! Bahala si Reign kung di siya nakain ng gulay, basta ito ang lulutuin ko. Naghihiwa na ako ng ampalaya nang may yumakap sa likod ko.


"T-teka, Reign..."

 

"Bakit yan ang niluluto mo?" Reign


"Ayaw mong sabihin ang gusto mo eh. At tsaka pwede ba Reign, bitawan mo ako."

 

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon