♂ Ikapitong pu't anim na Kabanata ♂

70 0 0
                                        

♂ Ikapitong pu't anim na Kabanata ♂

Where?!

"O, chill ka lang."

Chill?! Sa tingin mo ba, kaya kong mag-chill ha?

"Ano ba kasing problema mo? Nagsasabi na nga ako sa'yo o."

Hoy Reign Gonzales, tinatanong mo kung anong problema ko? O sige, magpalit tayo ng posisyon. Di ka ba maiinis kung yung hinahandle mo, basta-basta na lang mawawala tas tatawag sa'yo at sasabihing nasa ibang bansa siya? Ano 'to, lokohan? Reign, marami ka pang nakapilang projects, ano ba?

"Sabihin mo, may kailangan lang akong asikasuhin."

Ano na naman yun?

"Hahanapin ko si Kerby."

Reign, pang-ilang beses mo na bang hahanapin si Kerby? Sana naman, sure na 'to. Kasi mahirap ding gumawa ng excuse sa management.

"Wag kang mag-alala, sure na 'to. Basta pagtakpan mo muna ako."

Siguraduhin mo lang na maiuuwi mo dito si Kerby kung hindi...

"Sige na, aalis na ako. Bye."

Teka Reign, di pa ako tap-...

Ibinaba ko na agd yung tawag. Papagalitan lang naman ako nun eh. Si Nica talaga, walang tigil ang bunganga pag nagagalit.

Nag-check in na ako sa hotel. Tapos nun, lumabas na ulit ako at nagpunta sa dapat kong puntahan. Syempre, may kikitain muna ako dito.

"Sir, eto po ang nakuha ko."

Kinuha ko yung envelope na iniabot niya sa akin. Binuksan ko yun at kinuha ko ang laman at tama nga... Si Kerby nga yun.

"Nakasulat na din po dyan yung address ng tinutuluyan niya. Kasalukuyan po siyang nakatira sa isang bahay kasama yung mga katrabaho niya. Nagtratrabaho siya bilang isang painter."

"Sige, salamat."

Tumayo na siya at ako din ay umalis na doon. Agad ko nang pinuntahan yung address. Nga pala, nasa Melbourne, Australia ako ngayon. Tanda ninyo pa ba si Jacqui? Sabi niya, sa Australia niya daw nakita si Kerby. Kaya nag-hire na din agad ako ng private investigator at pinahanap ko si Kerby dito. Buti na lang at nakita na agad siya.

"We're here sir."

Bumaba na ako ng sinakyan ko. Nasa tapat ako ngayon ng isang store. Dito siguro nila binebenta yung mga artworks nila. Papasok pa lang ako nang may makasalubong ako na kalalabas lang ng store.

"Thanks for coming sir!" sabi ng isang babae. "Excuse me sir, do you need anything?" tanong niya sa akin.

"Is this the place in this address?" tapos pinakita ko sa kanya yung papel na may address.

"Yes sir, do you need anything?"

"Uh, yes... I want to see your artworks."

Pinapasok na niya ako sa may store nila. Agad namang bumungad sa akin ay iba't ibang paintings.

"Based on your looks, I think you're a Filipino."

"Yes."

"O, buti na lang po. Noypi din ako eh."

"Okay."

"Anong painting ba ang gusto mo sir?"

"Pwede bang makita yung mga gawa ng artists ninyo dito?"

Runaway With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon