♂ Ikadalawampu’t pitong Kabanata ♂
“Pare, hindi ganyan!” Sev
“Paano ba kasi?”
“Ako na nga.” Sev
“Pare, ako ngang gagawa eh. Turuan mo lang ako.”
“Ayusin mo kasi ang pagbabalat ‘tol. Ano bang balak mo dito sa patatas, gumawa ng isang pirasong fries? Pare, ang kapal mong magbalat.” Sev
“Sensya, di ako marunong eh.”
Paano kasi, pinagbalat ako ng patatas. Eh dahil nga hindi ako marunong, malaki yung natatanggal kong parte kaya nababawasan yung patatas. Kaya sa halip na may mailagay nga ako sa menudo, baka nga isang pirasong fries lang ang kalabasan.
“Ulitin mo nga pare.” Binigyan niya ako ng patatas.
Kinuha ko na yung patatas. Ngayon, mas inayos ko na. Di ko na masyadong nilalakihan yung pagbabalat.
“Tss, ganito kasi pare.” Kinuha niya yung patatas at kutsilyo.
“Pare, ako nga kasi ang gagawa eh.”
“O, etong iyo.” Binigyan niya ulit ako ng patatas at kutsilyo. Yaman ah, daming patatas, dami ding kutsilyo.
“Panuodin mo kasi pare.” Sev
Tiningnan ko naman yung ginawa niya. Matapos nun, pinagawa niya na sa akin yun sa patatas na hawak ko.
“Yan! Ganyan pare!” Sev
“Tss. O tapos?” tapos ko na kasing balatan yung patatas.
“Hatiin mo sa kalahati. Basta gayat lang ng gayat hanggang sa maging cubes.” Sev
“Ah, okay.”
Marunong naman akong maggayat kaya madali ko nang natapos yung patatas. Tapos nun, tinuro niya na sa akin yung mga dapat gawin, mga ilalagay, yung tamang timpla. Yun.
~ ~ ~ ~ ~
“Ano na pare?”
“Not as good as my chefs’ but masarap naman.” Sev
“Sa tingin mo, kakainin ‘to ni Kerby?”
“Oo naman, syempre.” Sev
BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanfictionI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.
