♂ Ikaanim na pu't isang Kabanata ♂
"Mhie, sabihin mo kung ano yun?"
Kausap ko si Kerby ngayon. Paano kasi, nakita kong kasama niya si Kurt kanina. At alam ninyo ba kung ano, magkadikit na magkadikit na sila na konti na lang, parang maghahalikan na.
"Wala. Reign, ano ba! Masyadong kang mag-react!" Kerby
"Bakit? Wala ba akong karapatan na mag-react? Mhie, konti na lang, mahahalikan ka na ng Kurt na yun eh!"
"Wag mo yung bigyan ng malisya Reign. Napuwing lang ako kanina kaya niya yun ginawa." Kerby
"Kung napuwing ka, bakit hinayaan mong ganun pa ang gawin niya? Mhie, marami pang paraan para maalis yung nakapuwing sa'yo."
"Wag mo na lang palakihin ang issue Reign, wala naman kaming ginagawang masama!" Kerby
"Mhie... Mhie, mahal mo pa naman ako di'ba?"
"Reign, wag mo na lang big-..." Kerby
"Mahal mo naman ako di'ba?"
"Reign..." Kerby
"Mhie, mahal kita. Sana lang, mahal mo pa din ako. Kasi kung hindi na, sabihin mo. Hindi yung pinagmumukha mo akong tanga."
"Ano bang sinasabi mo?" Kerby
"Madalas kayong magkasama ni Kurt. Para ngang may relasyon na kayo eh. Mhie, kung siya na yung mahal mo, sabihin mo naman sa akin o."
"Hindi... Hindi ko siya mahal, ikaw lang ang mahal ko. Ano? Masaya ka na?" Kerby
"Mhie, may problema ka ba? Tayong dalawa?"
"Ano bang sinasabi mo Reign?" Kerby
"Mhie, may problema ka ba sa akin?"
"Kung tungkol lang 'to sa kani-..." Kerby
"Mhie, nahihirapan na ako. Pwede bang sabihin mo naman sa akin kung may problema tayo?"
"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at natanong mo yan?" Kerby
"Ikaw... Ako... Pakiramdam ko kasi, wala na tayo."
"Wala naman talaga tayo eh. Di mo ako niligawan, di kita sinagot. Wala nangyaring formality." Kerby
"Kahit naman siguro walang nangyaring formality, basta mahal natin ang isa't isa, tayo naman di'ba?"
"Pangarap ng babaeng ligawan sila ng lalaking mahal nila." Kerby
"Yun lang ba? O sige, liligawan kita. Araw-araw, liligawan kita."
"Hindi iyon yun Reign. All I am saying is wala naman talagang tayo. Yes, we've done things na magkasama. We lived under the same roof but hanggang dun na lang yun. We don't have an official relationship." Kerby
"Pero Mhie, mahal kita. Mahal natin ang isa't isa."
"Sorry but it isn't enough." Kerby
"Isn't enough o ayaw mo lang talaga?"
"Hindi sa ayaw ko..." Kerby
"Nasasakal ka na ba sa akin?"
"Nasasakal?" Kerby
"Sabihin mo lang sa akin kasi kung oo, luluwagan ko na. Di na ako masyadong maghihigpit sa'yo."
"Hindi ako nasasakal sa'yo Reign. Ni hindi ko nga naramdaman na naghihigpit ka sa akin. It's like... It's like wala kang pakealam. Hinahayaan mo akong lumabas with Kurt or whoever. Di mo ako pinagbabawalan. Parang wala kang pakealam." Kerby

BINABASA MO ANG
Runaway With You
FanfictionI'm willing to do everything for you. I will accept all the pain I will feel for the sacrifices I can give. For these things, there's only one reason. I love you... And someday, I want to RUNAWAY WITH YOU.