☔️Chapter 3 ☀️

8 1 0
                                    

"Akala ko ba susuntukin mo siya?," hinarap pa nito ang mukha ni Noah habang nag mama neho para itong lasing sa pag sasalita,"

Napa ngiti na lang si Noah at ginulo pa ng bahagya ang buhok nito,

"Paano kong masusuntok yon eh nasa labas ako , hindi naman tayo pinapasok dahil ayaw na daw niya sayo?"

Napa nguso siya at tinarayan pa niya ang binata,

Kainis ka naman aping api na nga ang tao dinadagdagan mo pa, kakampi ba kita?

"Aba oo naman kakampi kita,"

Balikan natin bukas at suntokin natin,"

"Nick puwede ba? tumigil ka na, wala na bang ibang lalaki, siya na lang ba talaga? Maawa ka naman sa sarili mo hapong hapo ka na sa tingin ko madali ka ng mag break down,"

"Hindi  mo lang alam Nick kung gaano din akong nasaktan sa pang aapi ng lalaking yon sayo," sa isip lang niya iyon, Sa rancho na sila natulog, si Nick sa kuwarto  at si Noah ay sa sofa naman, kinabukasan ay hindi na inabutan ni Noah si Nick sa rancho, naka alis na daw ito sabi sa kanya ni Dylan,"

"Anong nangyari sa kotse niya, nabuksan ba?"

"Oo dahil napulot lang namin sa garahe ang remote, na hulog lang yata,? Uminom ba kayo kagabi?,"

"Hindi, Bakit?"

"Kasi  mugtong mugto ang mata niya kanina ng umalis,"

"Umiyak lang yun kagabi nag break yata ng boyfriend," nangingiting sagot ni Noah kay Dylan,"

"O bakit natatawa ka pa diyan?,"

"Wala lang natatawa lang ako kay Nick kahit normal na normal siya,  buong tapang niyang hinarap ang kasawian niya nagmaka awa siya sa tarantadong lalaking yun pero, alam ko kakayanin niya yun ngayon lang ako nakakita ng babae na ganun katapang saludo ako sa kanya ,"

Life must go on,  hindi na muna siya pumupunta sa Bulacan dahil iniiwasan niya si  Annie kasi talakang umaatikabo ang isasalubong nito sa kanya saka na lang kung kaya na niyang harapin yon, but for now she face all the struggles." si Noah ay  laging  nasa rancho inaabangan kasi niya doon si Nick pero lagi siyang bigo na makita ito doon hanggang isang araw hindi na siya nakatiis tinanong na niya si Dylan, "

"Pare hindi na ba nagagawi dito si Nick? "

"Nag resign na siya dito at saka balita ko ay masyado na siyang busy ngayon at wala na siya dito sa bansa, nasa Boston na yata? kasi doon na niya tatapusin ang course niyang Law sa Boston sa Harvard yata pare ,"

Ah kaya naman pala saan ba siya sa Boston?, "

"Hindi siya nag board sa  labas nasa dorm lang siya, pero pauwi na yata siya ngayon, na postponed lang,   kasi lagi daw pumupunta sa bahay nila ang ex niya na si Rico, gusto yatang maki pag balikan,  kaya sabi ng mama niya ay huwag muna siyang uuwi, kasi baka madala na naman daw si Nick sa panloloko ng lalaking iyon."

Pero hindi pa sila nakakatapos sa kuwentohan ay may dumaan na dalawang babae sa kubo na tinatambayan nila.

"Si Nick ba yon?, "

"Sino pare,?"

"Yung dumaan kanina lang si  Annie yung isa pero sigurado ako na si Nick yung kasama niya ,"

"Teka lang pare tatawagan ko si Annie."

"Hello hon nasaan ka? "

"Nandito ako sa villa dumaan kami diyan sa kubo hindi mo ba kami nakita?"

"Sinong kasama mo?"

"Si Nick nagpa sundo sa terminal, dito daw muna siya kinukulit na naman kasi ni Rico mabuti na nga na naka move on na ang kaibigan ko, pepestehin na naman niya,"

"Nasaan na si Nick?"

"Nasa kuwarto natutulog,"

"Sige na babye na muna hon, mangangabayo muna kami ni Noah, "

Kinaumagahan ay nasa terrace ng villa si Nick nagkakape habang nagbabasa ng newspaper, bigla itong tinabihan ni Noah,"

"Hi,  Nick, "

"Hi,  Noah kadarating mo lang?, "

"Hindi kahapon pa ako dito, "

"Lagi ka ba dito lately?, "

"Oo,  pag nababagot ako sa opisina dito ako tumutuloy, "

"Ikaw Nick kumusta?, hindi kita napagkikita dito, saan ka ba nagpunta,?

"Tinapos ko yung course ko sa Harvard pina alis kasi ako ni mama dito sa bansa, dahil sa nangyari sa akin noon pero sa palagay ko  yung 6 months na lumipas ay ang dali dali lang,"

" Kailan ka pa umuwi Nick?, tanong uli ni Noah.

"Pang apat na araw ko na dito sa pilipinas."

"Magtatagal ka ba dito?"

"Depende sa sitwasyon,"

"Anong sitwasyon?"

" Noah bakit an dami mong tanong?, pulis ka ba?."

"Hindi ako pulis nagtatanong lang masama ba yon?."

"Hindi naman masama kaya lang medyo awkward ang maibibigay ko sayong sagot,"

"Relax ka lang, magkakampi tayo di ba?

" Okey dahil diyan sa sinabi mo sasahihin ko na , si Rico nakikipag reconcile sa akin, ayaw ni mama dahil manloloko daw si Rico, as of me gusto ko sanang makipag reconcile sa kanya because aside from his atonement  he proves to me that he really loves me because he offers me marraige since engage na din naman daw kami, okey now tutal kakampi naman kita payag ka na magpakasal na kami di ba?,"

" Manhid ka ba Nick?  ang daming masasamang salita na I binigay niya  sayo, yet you still want to marry him?  Maawa ka naman sa sarili mo, at saka hindi kayo  bagay Nick, are you not aware that you're so beautiful for him?  ang ganda ganda mo Nick para magpa loko lang sa tarantadong yun. Yan na desisyon mong yan ang hindi ko kakampihan. kung gusto mo ng kasal sa akin ka magpakasal seryoso ako Nick."

"Lutang ka ba? hindi ako magpapakasal out of love ,"

"Eh di wag kang magpakasal kahit sa kanya dahil alam ko hindi ka din naman niya mahal, and I sense something , nung kayo pa ba ni Rico may nangyari na ba sa inyo ?

Bakit naka abot diyan ang tanong mo? ano ang gusto mong palabasin?,"

"Sagutin mo muna ang tanong ko, kung may nangyari na ba sa inyo?,"

"Wala dahil iginagalang niya ako and I make him promise that he will not ask me about that dahil may magyayari lang sa amin kung kami ay kasal na,"

" Bingo that is the reason kung bakit binabalikan ka niya , pagkatapos ay iiwan ka lang niyan , dahil nakuha na niya ang gusto niya, kami kasing mga lalaki iniiwan namin ang mga babae kung may nagyayari na sa amin, pero depende rin kung talagang mahal namin ang mga partner namin seneseryoso na namin at pinapakasalan, alam mo sa parte ni Rico "ego" lang ang hinahabol niyan, dahil tumagal na kayo ng apat na taon pero maghihiwalay kayo na wala pang nangyayari sa inyo ?,parang suntok kasi sa aming pagka lalaki ang ganyang sitwasyon, paniwalaan mo ako Nick, kung hindi eh di sumige ka tapos pakiramdaman mo siya, sasabihin niyan sayo na magpa ubaya ka na tutal ikakasal na naman kayo, pag iyan ang sabihin niya sayo, tama ang espikulasyon ko sa kanya. sige makipag balikan ka sa kanya since ayaw mo namang magpa pigil, then go but don't show your face to me, when you cry."

"Noah ganyan ba talaga kayong mga lalaki?,"

"Hindi lahat Nick, dahil may mga lalaking tapat kung magmahal, bakit masasabi mo bang tapat si Rico sayo Nick? pang ilang panloloko na ba niya yan?,

❤️I love ❤️ your CEO👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon