🎀Chapter 39🎗

4 0 0
                                    

"Hello Nick where are you?, "

"I'm in Laguna at this very moment. why?,"

"I just want to let you know that on Saturday is our first meeting according to our contract last time, and I have something important to discuss with you,"

Text iyon ni Rannie na agad naman niyang nabasa, dahil hawak hawak nga niya ang kanyang cellphone dahil balak nga niyang tawagan si Noah para magpasama dito pauwi, masama kasi ang kutob niya tungkol sa dalawang puting kotse na sumusunod sa kanya kanina. at dahil sa txt na iyon ni Rannie ay naisipan niyang magpa sundo dito at magpahatid na rin pauwi sa kanila.

"Rannie pasundo naman dito, at pahatid na rin sa bahay, "

"Bakit ano bang nangyayari Nick? at saka maaga pa para umuwi, "

"Mag under time na lang ako, masakit kasi ang ulo ko. "

"Nasaan si Noah? bakit hindi ka ba niya kayang ihatid?, "

"Nasa Laguna si Noah, may inaasikaso kasi siya doon, "

"At parang kabadong kabado ka?, ano ba talaga ang nangyayari Nick?,"

"Rannie saka na lang ako magpapaliwanag in the meantime magmadali ka na para masundo mo na ako, "

"Okey wait for me, I'll be there in twenty minutes,"

Nasa sasakyan na sila ni Rannie ng magsimula itong magtanong,.

"Ano ang totoong nagyari at ganyan ka na lang kung kabahan?"

"Kahapon sa rally ay may nagpa ulan ng bato, ako lang talaga ang tinamaan, kalalabas ko nga lang ng hospital, dahil nawalan ako ng malay, dahil siguro sa maraming dugo ang nawala sa akin kahapon, at ayon sa imbestigasyon ng pulis Laguna, hindi daw residente ng Laguna ang sampung taong suspect nila, at hindi rin ito mga tauhan ng pabrika, binasehan kasi nila ang footages na nasa CCTV sa loob ng vicinity ng pabrika, at kanina ng pauwi na ako may sumusunod sa akin na dalawang kotse kulay puti, halatadong sumusunod nga sila dahil kung pinapatulin ko ang takbo ng sasakyan ko ay nagpapatulin din sila ng kanilang takbo , buti na nga lang ay naiwala ko sila ng bigla akong lumiko sa garahe ng opisina pauwi na sana ako, pero nag deretso na nga lang ako ng opisina , kasi kung sa bahay baka pati sina mama ay madamay, magmasid ka nga Rannie sa paligid baka may maka sunod na sa atin pauwi,"

"Nick cool ka lang huwag kang mag alala kasama mo ako di ba? masyado ka lang paranoid dahil siguro sa trauma na naranasan mo kahapon, Ipinagkagiwala mo na sa akin ang kaligtasan mo. kaya relax ka lang sagot kita,"

"Rannie title yan sa isang pelikula,"

"And so? eh sa yan din ang naisipan kung gawin at sabihin?"

"Sige na pumasok ka na at magpahinga, di ba sabi mo kanina ay gusto mo nang magpahinga, kaya magpahinga ka na, "

"Hindi ka na ba papasok?"

"Hindi na Nick sa susunod na lang, may gagawin kasi ako, matulog ka na dahil nasa home sweet home ka na, "

Hindi muna umalis si Rannie, tumawid lang siya ng kabilang kalye, para magmasid, nahalata niya kanina na may sumusunod nga sa kanilang sasakyan, hindi lang niya sinabi kay Nick dahil baka lalo itong matakot, maya maya nga ay may humintong dalawang kotse sa di kalayuan ng bahay nina Nick, sigurado siya na may balak ngang masama ang mga ito kay Nick, pero sino ang mga ito at ano ang motibo ng mga ito?, nangangamba siya para sa kaligtasan ng pamilya ni Nick, lalong lalo na kay Nick, dahil sigurado siya na si Nick lang talaga ang mga target nito, ngunit bakit?

"Hello Aldo?"

"Yes sir bakit po? at nasaan po kayo? Ba't wala kayo dito sa opisina?, "

"Nandito ako sa tapat ng bahay nina Nick nagmamasid sa mga taong gustong gawan ng masama si Nick puntahan nyo ako dito at magsama ka ng sampong bata natin, delikado kasi ang lagay ng pamilya ni Nick hindi na biro ito dahil maraming tao ang nandito ngayon, hindi ko lang alam ang kanilang motibo, "

Kagigising lang ni Noah halos papagabi na alas singko na ng hapon, bigla siyang napa tayo at agad na lumabas ng kuwarto ng papalabas na siya ng bahay ay naharang siya ng kaibigan niyang si Alfred

"Bakit ka nagmamadali hindi ka pa nga kumakain, kain muna tayo bago ka umalis isasabay na kita papuntang bar nandun ang kotse mo di ba?,"

"Pare sa hospital na lang ako kakain, nandun pa ang girifriend ko, sasabayan ko na lang siya pauwi,"

"O di sige, ihahatid na lang kita sa hospital"

Ngunit ng dumating sila ng hospital ay nalaman nila wala na doon si Nick,

"Nasaan na naman kaya si Nick? " pare sa bar na tayo kukunin ko na lang ang kotse, siguradong umuwi na ang girlfriend ko, lagot na naman ako nito,"

Papagagabi na, kumain lang sina Rannie sa isang karenderia sa di kalayuan ng bahay nina Nick, ng hinihintay nila ang kanilang inorder na pagkain ay tinawagan niya si Nick para kung anupaman ay gising ito.

Nagising si Nick dahil sa ring ng kanyang cellphone,,

"Hello Rannie?," yun kasi ang naka register sa screen ng kanyang cellphone. bakit Ba? may problema ka ba?"

"Tumawag lang may problema agad?, sinisiguro ko lang kung natutulog ka na, "

"Oo, natutlog na nga ako inistorbo lang ng ring ng cellphone ko, bakit ka nga napatawag?,"

"Hindi kasi ako maka tulog iniisip kasi kita, at nag aalala ako sayo at sa pamilya mo na rin, "

"Rannie safe na ako dahil nandito na ako sa bahay, "

"O sige na pero huwag ka munang matutulog, kumain ka na ba? kung hindi pa ay kumain ka na muna, ang mama mo nasaan?, "

"Nasa kusina pa yata naghuhugas ng mga pinag kainan, o baka nasa kuwarto na, "

"Yung dalawa mong kapatid?,"

"Nasa sala pa nanonood pa yata ng TV naririnig ko pa kasi ang sound sa sala, "

"Sige na Nick kumain ka na muna, pagkatapos mong kumain huwag ka munang matutulog, dahil masama ang natutulog ng busog. "

"Bakit ba ganyan ka? hindi ka naman masyadong concern sa pamilya ko dati, may nangyayari bang masama?,"

"Wala nagtatanong lang ang tao andami mo ng sinabi, sige na kumain ka na, at kakain na din ako, "

Kumakain na si Nick ng bigla na namang mag ring ang kanyang cellphone, hindi na niya pinagkaabalahang tingnan ang screen bigla na lang siyang nagsalita,

"Ano ba Rannie kumakain na nga ako ano pa ba ang sasabihin mo?, "
*****************************************


❤️I love ❤️ your CEO👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon