"Papatayin mo ba ako sa sobrang pag aalala Nickey? and please lang Nick sa susunod huwag mo ng ilalapit ang sarili mo sa kapa hamakan, ako pa yata ang mauunang mamamatay sayo?, pag nangyari ulit yon,"
"Huwag mo akong sisisihin dahil hindi ko ginusto na masaktan ako, makapanermon ito akala mo kagagaling lang ng Liturgical Movement and ordinal rites, huz!! tantanan mo ako Mr. Noah Benson dahil ang kunwaring pag aalala mo sa akin ay pakitang tao mo lang yan, maniwala ako na nag aalala ka sa akin?, kung hindi ko pa alam na kasama mo si Rachel sa Cebu siguro maniniwala pa ako sayo," kaya ba ako ang inutusan mo na pumuntang Laguna dahil siguro gusto mo talaga na ako ang sumuong sa peligro? Oo, Inaamin ko na trabaho ko talaga iyon, but please lang wala ng sisihan, nakaka asar na ang ka plastikan mo, "
"Nick hindi ako nagkukunwari ng pag aalala ko sayo, lalong lalo na hindi ako plastik tulad ng sinasabi mo, at walang Rachel akong kasama sa Cebu, saan ba galing ang intel mo na masyado ng hazardous, "
"Alam mo Noah,? huwag ka ng magkaila tungkol kay Rachel dahil masyado kang sikat para maka pagtago pa , lahat ng diyaryo at magazine na lumabas kahapon ay tungkol sa inyong dalawa ang isyu, pati ang mga nurse dito ay kayong dalawa ni Rachel ang topic, "
"At ano ba ang topic?, "
"Batuhin kaya kita Noah?, nag mamaang maangan ka pa, eh bistado ka na,"
"Ano nga ang lumabas na balita?, " iritadong tanong din ni Noah kay Nick,
"Ang rumored girlfriend mo daw na si Rachel Amorosa ay umuwi na ng bansa para daw sa nalalapit ninyong kasal, and she will stay here for good, o ano kaila to the blues ka pa? kung gusto mo ibili kita ng magazine para mabasa mo ang tungkol sa nalalapit ninyong kasal, "
"Hindi ka pa puwedeng lumabas, advice ni Dr. Rosales,"
"Magaling na ako kaya huwag na kayong mag alala, dahil I'm not in your concern now, si Rachel ang concern mo ngayon at ang nalalapit ninyong kasal. kaya umuwi ka na at pabayaan mo na lang ako dito."
"Wala akong alam sa mga balitang yan, at kahit anino nga ni Rachel ay hindi ko pa nakikita simula pa kahapon,"
"Bakit na mi miss mo na ba siya?, eh di puntahan mo, siguradong nasa bahay na ninyo siya, at sigurado din ako na hinihintay mo na din siya, kaya umuwi ka na, pabayaan mo na ako dito. mamaya niyan ako pang sisihin mo dahil pinag hintay mo siya ng matagal, "
" Nick ano bang pinagsasabi mo?, huwag kang mag iisip ng ikaw lang din ang masasktan, "
"Anong akong masasaktan?, sobra naman yatang bilib mo sa sarili mo Mr. Benson?, "
Napangiti na lang si Noah at lumapit ng bahagya sa nakatalikod na dalaga at niyakap ito sa likuran.
"Nick miss na miss na kita magpakasal na tayo, ikaw ang gusto kong kasama sa harap ng altar, hindi ang kung sinoman,"
" Mangilabot ka nga sa mga pinagsasabi mo, "
Biglang kumalas ang binata sa pag
kakayakap sa dalaga at iniharap ito,"Mrs. Benson cool ka lang dahil ikaw lang ang aking mahal, mula noon at hanggang ngayon, iyan ang lagi mong tatandaan, at ako lang ang paniwalaan mo, huwag kang padadala sa mga balitang lumalabas dahil nag hahanap buhay lang ang mga writers na yan, kaya hndi ko sila masisisi kasi karapatan din nila na kumalap ng balita,"
"Kahit hindi naman totoo ganun ba yun?"
"Oo, ganun yun, ang mga nasa showbiz ay sanay na sa mga maling balitang yan, kung pikon ka ay huwag ka ng pumasok ng showbiz dahil ikaw lang ang laging talo dyan, parang sa katayuan ko rin na laging laman ng mga balita, kaya sanay na ako sa mga balitang ganyan, "
"Magpagaling ka na Mrs. Benson dahil itatakda na natin ang ating kasal para matahimik ka na sa ka seselos mo kay Rachel, hindi ka na puwedeng makipag compete pa sa kanya dahil ikaw na ang mag mamay ari sa akin kapag tayo ay nakasal na, ano maligaya ka na ba Mrs. Benson?, "
"Maligayahin mong mukha mo!, bakit? akala mo ba ay magpapakasal ako sayo? ano ka sinuswerte?, hindi mo na ba natatandaan ang mga ginawa mong sama ng loob sa akin tungkol diyan kay Rachel? nagka amnesia ka na ba? di ba nga inako mo sa harapan ko na girlfriend mo ang babaeng yun? tapos ngayon ay sasabihin mong magpakasal na tayo? ano ka hilo? O tuliro? O may amnesia ka na talaga?, at gagawin mo pa talaga akong kabit?"
"Anong gagawin kitang kabit? magpapakasal nga tayo para masarili mo na ako, "
" Anong magpapakasal tayo? Di ba kayo ni Rachel ang ikakasal?, "
"Alam mo Nick sa ugali mong yan walang magaling na lalaki ang makakatagal sayo, tanging ako lang, dahil masyado lang kitang mahal, "
" Bakit? sinabi ko ba sayo, na pagtiyagaan mo ako?, kung hindi ka makatagal sa ugali ko eh di huwag mo, hindi kita pinipilit na maki sama sa akin, dahil may sarili ka ring desisyon ng para sa sarili mo, kaya mamuhay ka sa piling ni Rachel na maligaya, "
"Ang kulit mo Mrs Benson, halika nga muna, " hinawakan siya ni Noah sa magkabilang balkat niya at dahan dahan na siya nitong niyakap ng mahigpit. nagpumiglas siya ngunit hindi siya nito hinayaang maka alpas," hayaan mo, pag nakasal na tayo ay lagi kitang yayakapin ng ganito, at paliligayahin kita hanggang sa abot ng aking makakaya,"
"Teka nga muna, bakit ba kanina ko pa naririnig ang Mrs. Benson na yan?, ilalagay mo talaga ako sa alanganin Noah, alam mo bang, kapag nalaman ni Rachel yang mga pinagsasabi mo, ay guguluhin ako ng Rachel mo? "
"Nick ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na si Rachel ay kaibigan ko na lang, "
"Kaibigan o ka ibigan mo si Rachel, di ba Noah?,
Napikon na si Noah sa sobrang katigasan ng ulo ni Nick, dali dali itong nag martsa palabas ng hospital room ng dalaga, at tinawag pa ito ni Nick sa paraang pang aasar.
"Saan ka pupunta? Pupuntahan mo na ba si Rachel Noah dahil ba miss mo na siya?,
Hindi na lang siya pinansin nito, at tuloy tuloy na itong umalis,
*****************************************
BINABASA MO ANG
❤️I love ❤️ your CEO👌
RomanceThe ranch is the reason for falling down with the charm of this CEO, at first I hate of his arrogant attitude , until I found it one day I was the one who will cry and beg for his love, he ignored me many times, by then I realized that I must stop...