☂️Chapter 37⛈️

2 0 0
                                    

Tumuloy siya sa isang bar sa bayan, kaibigan niya ang may ari ng nasabing bar , kaya maya - maya lang ay ay nilapitan na siya ni Alfred Roberts, ang manager at may ari ng bar.

"O pare bakit ngayon ka lang uli nagawi dito?, dinig ko din na nagkagulo daw sa planta, at may dinala daw sa hospital dahil sa kaguluhang iyon?, siyanga pala pare isa ka nga pala sa secondary sponsor ko sa kasal namin ni Janet, sa susunod na dalawang Linggo na yan, kaya nitong daraan na Friday ay puntahan mo ang tailoring ng pareng Matt natin doon ka nila susukatan ng susuotin mo,"

"Congrats pare sa pagpasok sa magulong buhay ng pagpapamilya,"

"Oo nga pala bago ko pa makalimutan tayong tatlo at pareng Armand na lang pala sa barkadahan natin ang hindi pa nakakasal, ngayon pare paano ba yan mauunahan ko na kayo ?, bakit ba kasi hindi mo pa pinapakasalan si Rachel, at teka nga pala di ba lumabas sa balita ang nalalapit ninyong kasal?, mag double wedding na lang tayo, di ba masaya at memorable yun?, palagay mo pare?,

"Na prank na naman ang mga mambabasa ng mga walang magawang mga writers na yan, kaya nga ako nandito dahil sa balitang yan, nagkasagutan kami ng magiging kumare mo dahil sa balitang yan, sino na naman kaya ang may kagagawan ng nonsense na balita?"

"Nakalimutan mo na ba pare si pareng Sonny?, di ba nasa diyaryo ang business ng pamilya nila?, puwede nating hingan ng tulong ang kanyang mommy, para ma trace ang pinaggalingan ng balitang yan,"

"Oo nga pala pare, si Sheila noon ay muntik ng hiwalayan ni judge Roque dahil sa maling balitang, may karelasyon daw si Sheila na taga showbiz din, buti na lang at na trace ng mommy ni pareng Sonny kung sino ang source ng balitang yun, Si Rose Dominique pala ang salarin dahil kursunada pala nito si Judge Roque, at gusto nitong pag hiwalayin ang mag asawa, kaya ngayon ay biglang bumagsak ang career ni Rose Dominique , serves her right," said by Noah.

"Okey balik tayo sayo pare, ibig mo bang sabihin ay ibang babae ang gusto mong pakasalan?, paano na si Rachel di ba naki pag divorce siya sa asawa niyang Italyano dahil sayo?, dahil ipinakilala mo daw siya sa isang babae sa Victory party ni mayor Rosales, na siya daw ang girlfriend mo? alam mo namang patay na patay sayo ang babaeng yun, kaya hayun nakakuha ng pagkakataon para lumakas ang loob na ipaglaban ang kanyang pagmamahal sayo, ngayon ay alam ko na kung saan galing ang balita, malamang na si Rachel ang nag pa sulat ng balitang yun,"

"Malamang na totoo ang hula mo pare, pareng Fred ang galing mo talaga, bright idea ang naisip mong yan pare, hanapin ko kaya si Rachel para pagpanagutin ko sa ginawa niyang gusot na ito, galit na galit sa akin ang girlfriend ko ngayon, dahil sa balitang yun, madali ko na sanang mapasagot ng oo ang babaeng gusto kong makasama habang buhay hinadlangan lang niya, ng kanyang pansariling interests ,"

"Pare just take it for granted or turn a blind eye on that, or just let it slide, anyway may pinagsamahan naman kayo ni Rachel ,"

"Tulungan mo ako pare, hindi ko kayang mawala si Nick sa akin, "

" Same word as our comrades did, when they wanted to marry their wives lately, Teka nga pare, siya ba ang angel picture na nakasabit sa opisina mo?,

"Oo pare, "

"Naku natagpuan mo na pala siya?, sa nakikita kong sitwasyon ngayon, nawalan ng 99.9 percent si Rachel na makabalik pa sayo, wala siyang laban sa hidden love mo, para sa Angel na first love mo noon pa man, hindi ka talaga tumigil sa pagha hanap sa kanya pare?, "

"Sort of, and fate bring us back, nagka tagpo uli kami sa Rancho ng kaibigan nating si Dylan,"

"I really love her so much, for I can't let anyone to hurt her, and put her in danger , " Noah says it suddenly, malaman ko lang na si Rachel nga ang gumawa ng balita huwag na siyang magpapakita sa akin, dahil pagsisisihan niyang ipinanganak pa siya at nag exist siya dito sa mundo. "

"Pare set aside those things you're here because you want to relax?, I have some talents just arrived and they are all beauties, I'll give you the best of them, do you want to relax in bed with her?,"

"Pare makakarne na ako nito ni Nick kapag ginawa ko yun, "

"I can see that you are afraid of her, is she scary?,

"I'm not scared of her, I just respect her, because she's my everything,"

"Pare kumusta na kaya si pareng Armand?, balita ko mukhang gusto na ng mama niya na ipakasal siya sa isang international model din na katulad din ni Rachel, sa iisang agency din yata sila naka kontrata, di ba anak ng isang kongresman yang model na yan?, "

"Oo anak siya ni Congressman Enriquez, mayaman na sila ang dami na ng negosyo nila, bakit nag modelo pa siya? tanong ni Noah sa kaibigang si Alfred,"

"Ewan wala akong alam diyan? si Armand kaya ang tanungin mo baka sakaling alam niya ang sagot dyan, hindi ka ba uuwi pare? mag uumaga na, baka hindi ka na maka pasok niyan sa opisina?,"

"Naka confine yung girlfriend ko dyan sa St. John Hospital, pero okay na naman siya, doon na ako tutuloy pag ka galing ko dito, pero baka hindi ako makapasok sa hospital room niya, nag away nga kasi kami kanina, puwede bang maki tulog na lang ako sa inyo pare?,"

" You're welcome all the time pare, di ba doon ka naman sa bahay tumutuloy kapag nagpupunta ka dito sa Laguna?,"

"Kaya lang baka kung ano na naman ang isipin nun kapag hindi niya ako makita, bahala na lang muna siya, bukas ko na lang siya kakausapin, tara na pare uwi na tayo inaantok na kasi ako, "

"Sige tutulong muna ako sa pag sara nitong pub hintayin mo na lang ako sa kotse pare, yung kotse ko na lang ang gamitin natin, pag gising natin bukas dito na lang tayo tutuloy para madala mo na din iyang kotse mo hayaan mo na lang diyan sa garage, "

❤️I love ❤️ your CEO👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon