💖Chapter 27🇨🇿

1 0 0
                                    

Matagal na namang nakatulog si Nick, galit na galit si Rannie sa asawa.

"Ano na naman ba ang nangyari?"tanong kay Rannie ng Doktora .

"Natamaan ko po yung tagiliran niya ng gusto kong masipa ang asawa ko, iniharang niya ang kanyang katawan kaya siya ang tinamaan ko."

"Rannie itong sasabihin ko sayo ay suggestion lang, huwag mo naman sanang laging kinakawawa ang asawa mo, sorry dahil palagay ko ay hindi ako dapat manghimasok sa private life ninyo, pero pag isipan mo na lang ang mga sinabi kong ito sayo baka naman maging daan ito para ikaw ay magbago, at ang tungkol naman dito sa pasyente ko ay maayos na ang lagay niya sa ngayon, huwag na lang sanang matatamaan uli ang kanyang tiyan, dahil baka sa susunod ay kailanganin na niya ang maselang operasyon,"

Nang maka alis na ang doktora ay hinarap ni Rannie ang asawa.

"Kapag may masamang mangyari kay Nick mananagot ka sa akin, at magsimula ka ng mag impake ng mga gamit ninyo ni Mathew, dahil lalabas kayo sa pamamahay na ito,"

"Rannie please don't throw us away from you, I can't continue on living without you, I love you so much, command me anything I will do it for you, even if it hurts, just let me stay,"

"Okey, tawagan mo ang mama ni Nick, sabihin mo na kaibigan ka ni Nick at nagbabakasyon kayo ng Shanghai ngayon, at sabihin mo rin na hindi pa kayo maka uuwi dahil may mga inaasikaso ka sa bansang iyon , at bahala ka na kung ano pa ang mga sasabihin mo, basta lang huwag ng mag alala ang mama ni Nick, pag igihan mo ang pag sasabi mo para maniwala siya sayo,"

Halos dalawang araw na ay hindi pa rin nagigising si Nick, sa bahay naman nila ay halos mabunutan ng tinik ang mama niya, dahil sa magandang balita na kanyang natangap, dahil sa tinawagan nga ito ni Lorie.

Dumalaw si Noah kina Nick masyado kasi siyang nag aalala sa dalaga.

"Magandang araw po," bati ni Noah sa mama ni Nick, ng pagbuksan siya nito ng pinto, matapos niyang pindutin ang buzzer na nasa labas ng gate ng bahay na iyon.

"Magandang araw din sayo Noah, napadalaw ka, ano bang atin?,"

"Nakiki balita lang po ako kung tumawag na po ang mga kidnappers, at kung ano po ang demand nila?, at kung kailangan din po ninyo ng tulong in financial for the ransom of Nick's liberty,

"Huwag ka ng mag alala Noah dahil tumawag na yung kaibigan niya na tumangay sa kanya prank lang daw yung kunwaring pag kidnap kay Nick, kaklase pala niya sa UP noon yun, nasa Shanghai China sila ngayon yung mag asawa at ang isang anak nila,"

"Ah, ganoon po ba?, sige po aalis na po muna ako, papasok pa po ako ng office, ah siyanga po pala, saan daw pong lugar sila ng Shanghai?, baka po makapunta ako, susunduin ko na lang po siya,"

"Ay naku pasensiya na Noah hindi naman kasi nabangit ng kaibigan niya, anyway sandali lang naman daw sila doon nagkataon din kasi na may inaasikaso ding negosyo yung asawa ng kaibigan niya,"

"Rannie anuba, hindi ka na naman ba papasok napapabayaan mo na ang negosyo mo dahil sa babae na yan,"

"Puwede ba Lorie huwag mo akong pakikialaman, dahil alam ko ang ginagawa ko, yung anak mo ang asikasuhin mo, pumasok na naman dito kanina baka magising ng alanganin si Nick dahil sa ingay niya,"

Pagka alis ni Lorie ay nagising na din si Nick, nabaguhan siya sa kanyang kinagisnang kuwarto., napatayo din si Rannie ng makita niyang bumangon na si Nick na naka upo lang habang naka sandig sa headboard ng kama ang kanyang likod.

"Salamat naman at nagising ka na Nick, nagugutom ka na ba? padadalhan ba kita ng pagkain dito?,

" Huwag na dahil gusto ko ng umuwi sa bahay na lang ako kakain,"

" Hindi ka pa puwedeng umuwi, subukan mo lang, papatayin ko ang asawa't anak ko at tatangayin kita papuntang ibang bansa, ano yun ba ang gusto mo?, alam mo Nick desperado na akong masyado na makasama ka kahit sandali lang tapos ipagkakait mo pa sa akin?,"

"Nang makuha naman kita ay palagi kang tulog diyan sa kama, huwag kang mag alala iuuwi din kita, ayoko kasing nalulungkot ka, meanwhile punta muna tayo ng kusina para kumain,"

" Hindi ako kakain hangga't hindi mo ako pina uuwi, "

"Okey I promise mga tatlong araw lang makaka uwi ka na, but for some conditions, first is you will meet with me once a week, next is you will come to this house once a month, and last thing magtatrabaho ka sa opisina ko, and that's final,"

"No I refuse, at bakit ko kailangan ang mga conditions na yan? wala akong kinalaman sayo, at bakit kailangan kong makipagkita sayo ano mo ba ako?, at hindi ako papasok sa opisina mo dahil may trabaho na ako, "

"Tinatanong mo kung ano ako sayo? kung puwede nga lang na sabihin kong asawa kita gagawin ko yun, kaso alam kong mahal mo si Noah kaya hindi na ako makikipag compete sa kanya, konting oras mo lang ang hinihingi ko, hanggang sa maka move on na ako,"

"Alam mo kung sino ka man, I never mind in others businesses, at lalong wala akong pakialam sa pag move on mo,"

"It's Rannie, Rannie Salas a business man and the owner of #RS 23 tower in Makati Central and have some branches around the globe," I'm your stalker and I chase you everywhere you go, kaya nang makakita ako ng tiyempo sa parking lot yun nakuha nga kita ,"

"Anong kailangan mo sa akin? bakit kailangan mo akong sundan?,"

"Kailangan kita, dahil mahal kita, but that unfair circumstances hits my side, kaya nga hangang ligaw tingin lang ako sayo, so I have to take a risk just to stare your face and ask myself why am I that crazy for you, now that question answer's me, it's because you're so beautiful your beauty looks like an Angel and same as a fairy, masisisi mo ba ako? na ang tanging kasalanan ko ay magmahal lang ng tapat sayo? at ang pag ibig ay hindi nauutusan, kusang dumarating yun, sa ayaw at sa gusto mo," kaya lang dumating yun sa akin sa maling pagkakataon, at sa maling panahon, but in my next life sinisiguro ko sayo na ako na ang unang mamahalin mo,"

"Ang asawa mo ang mahalin mo, dahil siya na ang para sayo,"

"Kasasabi ko nga lang na hindi nauutusan ang puso." cut this conversation and let's go to dining and eat, I will discuss some matters to you over dinner,"

Napakain din si Nick ni Rannie. Pumayag din si Nick dahil gusto niyang maki usap dito na pauwiin na siya.
********************************************

❤️I love ❤️ your CEO👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon