🦃Chapter 24❤️

2 0 0
                                    

"Anong kumbentong sinasabi mo? hindi ka fit para doon Nick, mas makapag sisilbi ka sa Diyos kung mag aasawa ka at makapag produce ng mga anak, dahil di ba nga ang sabi sa biblia na magparami kayo, at kung ang mga bata ay manggagaling sayo sigurado ako na magagandang lahi ang mag eexist dito sa mundo,"

"At sino ka para pangaralan ako? Isa ka pa nga sa sakit ng ulo ko, at tapusin na natin ang argumentong ito, gusto ko ng magpahinga umuwi ka na baka hinahanap ka na ni Rachel, pagalitan ka pa nun,"

"Wala na dito sa Manila si Rachel nasa Cebu na siya ngayon,"

"O, di ba? alam na alam mo nga ang whereabouts niya , ibig sabihin may communication pa nga kayo,"

"Sinabi niya yun sa akin nung nasa party pa kami, Nick anuba ba't ka ba ganyan?,"

"Ako pa talaga ang ganyan? puwede ba Noah umuwi ka na, naaalibadbaran ako sayo,"

"Uuwi ako pero siguruhin mo lang na pumasok ka na sa Bensons Company, dahil pinangakuan mo na kami na papasok ka doon after ng trabaho mo sa Lee Corporation, at alam ko na may palabra de honor ka, I expect you there after two days,"

"Ah wala akong pakialam sa palabra de honor na yan, walang Nickey Angel Flores na sisipot sa opisina mo after two days, dahil pupunta ako ng Boston doon ako magtatrabaho, at ano bang pakialam ko sa opisina mo, kasosyo ba ako dun?"

"Future ng mga magiging anak natin ang isipin mo Nick sa kompanyang yun mang gagaling ang mga pangangailangan nila,"

"Humanap ka na ng babaeng puwede mong anakan dahil hindi ako yun, kaya wala akong pakialam sa kompanyang pag aari mo
at Hindi ka ba talaga titigil Noah, bakit ako ang lagi mong iniistorbo?, Di ba may Rachel ka na?, siya na lang ang kulitin mo, sige na uwi na dahil nakaka istorbo ka na,"

"Ma, alis na daw po si Noah,"pasigaw na paalam niya sa kanyang mama.

"Kain ka muna Noah tutal nakahain na naman ako halina kayo, Nick saluhan mo na si Noah at ako'y mamaya na yung mga kapatid mo na lang ang sasaluhan ko tinatapos daw muna ang mga assignments nila,"

"Hindi na Ma kasi uuwi na naman talaga si Noah,"

"Nick ba't ka ba ganyan?" nasaan na ang hospitality mo? hindi kita pinalaki na ganyan ka bastos, magtigil ka sa ganyang pag uugali masama yan,"

Natatawa si Noah sa reaksiyon ni Nick habang sinesermunan ng ina, naka busangot ito at nakamamatay ang tingin nito sa kanya,"

"Eh kasi naman po, pasaway po ang lalaking iyan ,"

"Kahit na, masama pa rin ang ginagawa mo, ako nga kahit alam kong pasaway si Rico noon, pero hindi ko siya pinapakitaan ng masama, pinagalitan ko lang siya nung umiyak ka na dahil sa kagagawan niya,"

"Ma iba si Rico at iba din si Noah,"

"Anong kaibahan nun? pareho silang pumasok sa bahay natin, so I consider it the same,"

"Sige na nga, halika na Noah,"

"O ganyan nga, puwede naman palang maging hospitable bakit hindi pa ginagawa,natatawang sabi ng mama ni Nick"

Sa hapag na lang pinagsabihan ni Nick si Noah.

"Ikaw na lalaki ka huwag na huwag ka ng pupunta dito ha!,"

"At bakit?"

Dahil ayoko,"

"Ba't ayaw mo?,"

"Hind ka ba talaga titigil?, gigilitan na kita ng leeg,. makita mo,"

"Nick ganyan ka ba talaga ka brutal?,"

"Oo, ganyan ako ka brutal, o ano turn off ka na?, at alam mo ba nagiging halimaw ako, kapag ako ay niloloko, lagot ka, kaya kung ako sayo, umiwas ka na sa akin, habang hindi pa nangyayari yun,"

" Kahit ano pa ang sabihin mo sa akin, hindi pa rin kita i gigive - up,"

"Yah, Sure , sige tingnan na lang natin kung sino ang susuko,"

"Nickey hindi ko kilala ang salitang suko, kaya sigurado ako na hindi ako yun, okey na uwi na talaga ako, salamat sa pagkain nabusog talaga ako,"

Tamang tama naman papasok na sa dining ang mama ni Nick kaya nagpasalamat at nag paalam na din siya dito, pero si Nick ay yamot na yamot pa rin sa binata.

"Noah sobrang pang iinsulto ang ginawa mo sa akin, hindi mo ba alam ang sakit na idinulot nun sa akin? magpakilala ba naman ng girlfriend sa harapan ko, parang umaatikabong suntok at sipa yun para sa akin, iyon ang iniisip ni Nick habang nakahiga na sa kanyang kama.

Maagang maaga pa lang ay nasa bahay na nina Nick si Noah, iyon na ang pangalawang araw na palugit niya kay Nick, susunduin niya ito para hindi na ito maka iwas pa, ngunit huli na siya dahil mas maaga itong umalis.

"Magandang araw po mam,susunduin ko po si Nick para pumasok na sa Benson's Company,"

"Kanina pa siya umalis, sinundo ni Charlie, mag out of town daw, business trip yata?,"

Sobrang galit ang naramdaman ni Noah ng mga sandaling yon,.

"Napakatigas talaga ng ulo mo Nick, mahal lang talaga kita kaya, I can tolerate you for all the consequences na ipinapataw mo sa akin ngayon,"

Pumunta siya sa opisina ni Charlie at aalamin niya sana kung saan ang business trip nito , ngunit bigla siyang parang sinigaan ng napaka raming apoy sa sobrang galit, dahil pagbungad niya sa loob ng opisina ni Charlie ay nakita niya ang dalawa na masayang nag uusap, isa pa ay bumungad sa kanya ang napakalaking picture ni Nick na naka sabit sa ding ding ng opisinang iyon, magandang maganda si Nick sa picture na iyon,.

"Nick ngayon na ang araw na ibinigay ko sayo para pumasok sa opisina ko, bakit ka ba naririto?, At bakit may picture ka dito?, Puwede ba alisin mo yan, dahil ako lang ang dapat na magtago ng mga pictures mo,"

"Noah pare hindi na mag ta trabaho si Nick sa kompanya mo, dahil sa akin na lang siya magtatrabaho, at ang picture na iyan, ako ang may ari niyan, sa Boston ko pa kinunan iyan, at walang sinuman ang puwedeng magtangal niyan diyan,"

"Hindi maaari yan , si Nick yan at dahil ako ang boyfriend niya ako lang ang dapat na mag may ari niyan , at ako ang pinangakuan niya ng serbisyo niya ngayon, kaya ngayon Nick, sa Bensons Company ka na papasok, tara na sabay na tayong pumasok,"

"Sorry Noah dahil sinaktan mo ako, so hindi ko na kayang makisama pa sayo, kaya please lang tantanan mo na ako, at hindi na ako papasok doon, dahil pag uwi namin galing sa business trip namin ay mag papakasal na kami ni Charlie kaya sa Lee Corporation na ako papasok,"

*****************************************

❤️I love ❤️ your CEO👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon