🌺Chapter 30⛅

2 0 0
                                    

"Rannie kay Noah na ako sasabay ngayon,"

"Hindi Kami na muna ang maghahatid sayo, pasamahin mo na lang siya papunta sa inyo, gusto ko ring makausap ang mama mo para humingi na rin ng pasensya dahil natagalan ka pauwi, pagkatapos ay aalis na rin lang kami,"

"Okey sige, kahit galit na galit na siya dito ay nagawa pa rin niyang makapag timpi,"

Sa sasakyan ay kasama nila si Lorie at Mathew, ang mga bodyguard ni Rannie ay hindi na sumabay sa kanila, si Noah ay sa taxi na lang sumakay at sumabay na lang sa kanila, Gusto na rin niyang maka usap ang mama ni Nick, ipagpapaalam na niya ang dalaga para pumasok na sa kanyang opisina, pagdating nila ng bahay ay nagulat si Nick sa dami ng pasalubong na halos mapuno na ang kanilang maliit na sala sa dami nito.

"Sino ang nagdala ng mga ito dito ma?,"

"Apat na lalaki si Rannie daw ang nag utos sa kanila para dalhin ang mga ito dito, sino ba si Rannie anak?,"

"Siya po ang kaklase ko na kasama ko po sa Shanghai, nariyan sila sa labas ma kasama na din namin si Noah, labasin mo na sila ma para maka alis na din sila, "

"Bakit hindi mo papasukin dito ng makainom man lang kahit konting tubig o kaya juice man lang din,"

" Nagmamadali na kasi sila hindi na nga lumabas ng sasakyan,".

Nasa labas na ng sasakyan si Rannie at Lorie si Mathew ay nasa backseat dahil tulog na ito.

"Rannie siya ang mama ko, ma si Rannie at ang asawa niya po si Lorie,"

"Inihatid lang po namin si Nick, hindi na po kami magtatagal dahil tulog na po yung makulit namin, sige po mam dadalaw na lang po kami pag may oras po,"

"Sige kayo ang bahala, salamat nga pala sa pag alaga sa anak ko Lorie," ito kasi ang tumawag sa kanya noon.

Si Noah ay pumasok na din sa loob ng bahay nina Nick, may pasalubong din itong dala para sa mama niya at sa dalawang kapatid din niya.

"Nick papasok ka na ba bukas?,"

"Oo, kasi gusto ko ng maka pag trabaho ng mapayapa, andami na kasing nangyari nitong nakaraan na mga araw, gusto ko na munang manahimik, nakaka pagod ang mga nagdaang araw, parang kinukulang ang oxygen sa katawan ko nakakasakal parang hindi na ako maka hinga ,takang taka si Noah at ang mama niya, sa mga pinagsasabi niya.

"Nick ano bang nangyayari sayo? saan ka nasasakal?" tanong ng mama niya,

Bigla namang natauhan ang dalaga.

" Wala kasi akong ginagawa habang nasa bakasyon kami, out of place ako kasi buong pamilya nga sila, kaya ang nangyari ako ang laging inaasikaso ni Rannie nahalata niya siguro na nahihirapan ako sa sitwasyon kasi siya nga ang nangimbita sa akin, tingin ko sa asawa niya ay galit sa akin, yun ang ikinababahala ko, pero okey lang ako, at least nandito na ako sa pamilya ko, feeling ko I'm free as a bird now,"

"Huwag ka ng mag alala anak, dahil nandito lang kami ng mga kapatid mo, susuportahan ka namin saan man tayo makarating, o siya tutal nandito ka na rin lang Noah sumabay ka ng kumain sa amin, naka pag luto na ako bago kayo dumating"

Nang maka alis ang mama ni Nick ay nagkaroon ng pagkakataon si Noah na kausapin siya,

"Nick mag pa kasal na tayo para ako na rin ang magtatangol sayo,"

"Ang aga naman yata?, at saka may kasalanan ka sa akin, di ba may girlfriend ka na?

"May girlfriend nga ako di ba ikaw yun?" Tatlong buwan na kitang girlfriend nakalimutan mo na ba?" at sabi ko nga sayo isang buwan lang kitang girlfriend at ikaw ay pakakasalan ko na?,"

" Hoy Noah ako nga'y tigil tigilan mo at baka hindi kita ma tantya, tatamaan ka sa akin,"

" Bakit ba ang sama mo sa akin puwede bang be nicer to me pa minsan minsan ?," nakikinita ko na ang kapalaran ko sayo ay maging isang andres de saya, pero okey lang basta ba ay bibigyan mo ako ng maraming anak, napakasaya ko na doon,"

"Hindi ka ba talaga titigil? , puwede ba umuwi ka na, sinasabi ko sayo tatamaan ka talaga sa akin,"

" Oo na oo na kapag ikaw talaga, naku kahit si superman ay mawewendang sayo ,"

"Hoy Noah linya ko yan huwag mong i pirata,"

"Pati ba pa nanalita may na mimirata na?"
natatawang sabi ni Noah sa dalaga.

"Hoy lalaki ako nga'y tigil tigilan mo na, aba'y nakakapikon kana ah!, "

Ang pakiramdam ni Nick parang gumaan ng libong beses , na miss pala niya itong kulitan nilang ito, lalong lalo na ang mga munting ngiti ng lalaking ito, inamin na niya sa kanyang sarili na mahal na nga niya ang binata , kahit alam niya na mali na mahalin ito, dahil tingin niya parang nakikipaglokohan lang ito sa kanya, kaya nga kahit mahal na niya ito ay may agam agam pa rin siya sa pakikitungo sa binata pakiramdam tuloy niya ay maloloko na naman siya sa isang lalaki, pag nagkataon malamang na pulotin na siya nito sa kangkongan ,

"O sige Nick uwi na muna ako, but I expect you at the office on Monday tutal Saturday pa lang ngayon makakapagpahinga ka until Sunday, bye na muna for now,"

"Ay!! ang daya niya ha! gusto ko pa siyang makasama ng kahit konting oras pa, aalis agad, kains naman," sa isip niya,"

" Ma alis na po daw si Noah,"

" O sige Noah salamat sa pasalubong,"

"Okay lang po mam, konting bagay lang po yan, sige po mam alis na po ako."

"Okay bye Noah," sagot ng mama niya dito,"

"Ma ihahatid ko lang po muna si Noah sa labas para maisara ko na din ang pinto at ang gate,"

"Nang papasok na siya ng kuwarto ay tinawag siya ng kanyang mama,"

"Halika muna dito anak tulungan mo muna ako sa pagbubukas ng mga pasalubong ninyo, bakit ba ang dami naman nito sino ba ang mga namili nito?,

"Si Lorie at Rannie po, hindi ko nga alam kung kelan nila binili yan dahil lagi naman kaming magkasama pag lumalabas papunta ng mall pero hindi ko po napapansin kung namimili na sila ng mga yan, " anyway salamat naman at alam pala nila ang mga sukat ninyo, sige po ma papasok na po ako na miss ko na kasi ang kuwarto ko,"

" Dalhin mo na itong mga damit mo, yung galing kay Noah ay yung galing sa Raffles Square Mall at itong mga galing kina Lorie ay sa Century Link Mall din,"
**********************************"*****

❤️I love ❤️ your CEO👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon