Umaga kadarating lang ni Nick sa opisina, hindi muna siya pumasok dahil may naulinigan siyang nagtatawanang parang isang lalaki at babae, boses ni Noah ang lalaki, nilapitan niya ang sekretarya nito na nasa isang mesa lang sa labas.
"May bisita ba si sir?" tanong niya dito.
"Si mam Rachel Attorney ang aga nga nila na dumating dito kanina, "
"Ganun ba? anong oras na nga pala Sheila?,"
"Quarter to nine na po Attorney,"
"May fifteen minutes pa pala ako para mag almusal, Sheila punta muna ako ng canteen, nagkape lang kasi ako bago pumasok kaya naka ramdam ako ng gutom ngayon, pagka tapos kong kumain ay babalik kaagad ako,"
"Sige po Attorney take your time po, anyway may bisita naman si sir hindi na makakahalata ng oras yan, "
Eksaktong alas nuebe ang lumabas si Noah at tinanong ang sekretarya kung dumating na si Nick.
"Sheila wala pa ba si attorney?"
"Narito na po siya kanina kaya lang ay nagutom daw, kakain daw muna siya sandali sa canteen, baka maya maya lang ay nandito na yun sir, "
Maya maya nga ay dumating na si Nick, parang wala lang siyang nakita na umupo sa loob ng kanyang cubicle, pero si Noah kahit ka papasok lang niya ay hindi na nito inaalis ang tingin sa kanya.
"Ba't ngayon ka lang? late ka ng ten minutes, "
Nagulat siya sa biglaang pagpasok nito sa cubicle niya, hindi lang niya ito sinagot kaya umalis na lang ito at bumalik sa kanyang opisina, gusto na niyang takpan ng kurtina ang cubicle niya dahil tanaw nga niya ang opisina nito, naasar siya sa maghapong paglalambingan ng dalawa, kahit sa oras ng tanghalian ay nagpadeliver na lang ang mga ito ng pagkain, parang ayaw nang maghiwalay at parang mga bagong kasal, kaya eksaktong ika apat ng hapon ay lumabas na siya pero hindi muna siya umuwi, naglakad lakad lang siya ng mall, at ng papadilim na ay lumabas na siya ng mall at naghanap ng makakainan, at pagkatapos kumain ay naglakad lakad uli siya at umabot siya sa kumpulan ng mga kotse iyon pala ay magdaraos ng midnight car racing dahil eight pa lang ng gabi kaya nag aabutan muna ng pera para sa pustahan,
"Tatlong sports car ang maglalaban ngayong gabi sigaw ng humahawak ng pusta, 1 2 3 lang po ang tatayaan ninyo,"
Naupo lang siya sa isang upuan na dala yata ng mga mag kakarera, habang ang iba ay nag sisipag inuman ng mga beer na nasa in can lang, hanggang sa sumapit na ang ika labing isa ng gabi,.
"Ang mga driver po ay magsipaghanda na kayo, at i condition na po ang mga car ninyo, para po sa safety na din ninyo," anunsyo uli ng lalaking humahawak ng pera."
"Time check , it's eleven thirty in the evening, meaning that you will let your car out and put it here in the middle," sigaw uli ng emcee ng gabing iyon.
Biglang nagkagulo ng malaman na hindi makakarating ang isang lalaban sa raising, nag volunteer si Nick.
"Ako ang lalaban, makakas na sigaw ng dalaga, "
Biglang napalabas sa kanyang pinagtataguan si Ariel na nautusan nga ni Noah na sundan ang dalaga.
" Paano ka lalaban may race car ka ba? at tingnan mo nga ang suot mo? mukha kang papasok sa opisina na pang gabing duty, " tanong sa kanya ng namamahala sa event ng gabing iyon,"
"Please give me an hour or less than an hour, I should be ready by that,"
Tinawagan niya si Rannie para humingi ng tulong dito.
"Pahiram naman ng race car mo, gagamitin kong pangarera, sasali ako sa underground racing,"at mga accessories din pantalon ko din at T-shirt,"
"Bakit? may problema ba?" Nick may race car ako kaya lang pasensiya na, hindi ko kayang ilagay ka sa peligro, hindi mo ba alam?, masyadong delikado ang race na yan?,"
"O eh di sige basta ba huwag mo na akong kakausapin kahit kelan,"
"Ang dali mo namang mapikon okey nasaan ka ba?, ipapadala ko sa mga tao ko,
"Thanks Rann I know that you won't disappoint me, malakas yata ako sayo,"
"Uy lakas ng confidence, anyway its the truth naman, and you're always welcome Nick, "
Umabot pa sa tamang oras si Nick, kaya nakasabay na siya sa unang lap ng race, siya ang nanalo sa unang lap, at siya pa rin ang nanalo hangang sa huling lap ng race, kaya siya ang tinanghal na champion ng gabi.
Past nine na ng dumating siya, naroon na si Noah, ngunit hindi nito kasama sa cubicle si Rachel, kaya kampante lang siyang naupo at nagbuklat ng mga papeles na nasa ibabaw na ng kanyang mesa, ng may biglang tumubtub ng mesa ni Nick, napa sigaw at napatayo pa siya sa sobrang gulat.
"Ano ba bakit ka ba nang gugulat," sigaw tanong niya kay Noah,"
" Nagulat ka ba talaga?"
"Malamang, eh sa nanggugulat ka!!, "
"Bakit ba kagabi hindi ka man lang nagulat ng nasa karera ka?, makapag patakbo ka nga parang pag aari mo na ang kalsada,"
"Pakialam mo ba! sumali ka rin para malaman mo, kung magugulat ka ba o hindi ?, huz! makapang galit wagas, di ba wala na tayong pakialam sa isa't-isa?"
"Nag aalala lang ako sayo, paano na lang kung nadisgrasya ka? sagutin ka pa ng opisina,"
" Sabi ko nga ay wala na tayong pakialam sa isa't isa? " at hindi mo ako sagutin dahil may sarili akong medicard, at may insurance ang mga racers doon, bakit nga pala alam mo na nag racer ako kagabi?, sinusundan mo ba ako?,"
"Bakit naman kita susundan? nagkataon lang na dumaan si Ariel doon at nakita niya na pasakay ka na ng race car mo doon,"huwag na huwag ka ng sasali ulit sa racing na yan Nick, nagpapakamatay ka ba?, "
"Hoy Mr. Noah Benson huwag ako ang pakialaman mo, dahil hindi mo ako pag aari empleyada mo lang ako at employer lang kita, maka asta ka parang nanay ko sa panenermon, si Rachel lang ang pakialaman mo dahil siya ang girlfriend mo hindi ako, at naglilibang lang ako, ano bang masama dun?, "
"Paglilibang ba ang tawag mo doon? pagpapakamatay yun, Nick be mature enough, depress ka ba kaya ka ganyan? "
*****************************************
BINABASA MO ANG
❤️I love ❤️ your CEO👌
RomanceThe ranch is the reason for falling down with the charm of this CEO, at first I hate of his arrogant attitude , until I found it one day I was the one who will cry and beg for his love, he ignored me many times, by then I realized that I must stop...