❤Chapter 2🧚‍♂

9 1 0
                                    

Nakarating na si Nickey ng Bulacan pero hilam pa rin sa luha ang kanyang mga mata, kaya nga hindi pa siya lumalabas ng kotse dahil Iniiwasan niya na makita siya ng kaibigan niyang si Annie sa ganitong kalagayan, baka batukan pa siya nito, matagal na kasi siyang sinasabihan nito na maki pag hiwalay na kay Rico dahil nakita na ito ni Annie minsan na may kasama itong babae at sweet na sweet pa ang dalawang hudyo, pero siya ito si tanga na naniwala na naman sa mga tinatahing kasinungalingan ng kanyang kasintahan, hindi naman siya puwedeng umuwi sa kanila dahil tatlo ang mambabatok sa kanya doon ang dalawa niyang little brother at ang mama niya kaya dito niya naisipan na pumunta, ng makarating na siya sa garahe ng Rancho ay nagsimula na naman siyang umiyak, maya maya lang ay may kumatok sa window ng kotse niya.

"Nick anong nangyayari sayo, kanina ka pa diyan, bakit hindi ka pa lumalabas?, "

Ibinaba niya ng kalahati ang auto glass niya, at kinausap niya si Noah sa kalahati na nakabukas na iyon.

"Bakit? wala ka na naman bang pepestehin kaya namemerwisyo ka diyan sa labas, at ano bang ginagawa mo dito?"

"Na miss kita kaya nandito ako,"

"Paano mo nalaman na pupunta ako dito? at saka hindi mo ako masyadong maaabutan dito kasi hindi naman ako tagarito at puwede ba Noah tantanan mo ako ngayon, kahit ngayon lang puwede?,"

"Bakit ka umiiyak sinong nagpa iyak sayo sabihin mo at susuntukin ko,"

Walang ano ano ay lumabas ito ng kotse at pabalibag niya itong isinara. At dali dali siyang nag martsa patungo sa kanyang kuwarto, pero bago siya makapasok ay napigilan ni Noah ang kamay niya. pilit niyang kinakalas ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito pero sadyang malakas talaga ang mga lalaki kaya wala na siyang nagawa hinarap na lang niya ito ."

"Ano ba talaga ang problema mo at ako ang penepeste mo,"

"Wala akong problema ikaw dito ang may problema, spit it out baka matulungan pa kita , try to elaborate it now, maybe I can be of help.

"Wala akong problema ikaw ang problema Noah, humihikbing turan niya dito ."

"Bakit ako? wala akong ginagawang masama sayo Nick, at saka tumigil ka na nga sa kaiiyak ang pangit pangit mo pag umiiyak at nag aalala nga ako sayo, nakita mo na ba sa salamin ang itsura mo mukha ka nang ewan , hindi mo na halos maidilat ang mata mo sa kaiiyak , ang buhok mo dalawang araw na yatang hindi nadadaanan ng suklay,"

Hindi na maka pag argumento si Nick dahil hinang hina na kinakaposan na nga siya ng hininga dahil sa kaiiyak, wala na siyang ibang masabi,"

"Help me please," yun lang tapos bigla na lang siyang hinimatay.

Dali dali siyang kinarga ni Noah at agarang ipinasok sa loob, pero sa coach lang ito inihiga dahil naka lock ang kuwarto nito. Halos dalawang oras niya itong binantayan hangang sa gumising na ito, tumayo at agarang lumabas ng pinto, buti na lang at sinundan ito ni Noah dahil muntik na naman itong matumba at biglang nasalo na naman ito ng binata,pero nag pumiglas ito kaya nabitiwan na naman niya, hayun nakatakbo papuntang garahe nagpilit na maka pasok sa kanyang kotse kaya lang hindi niya ito mabuksan dahil naiwan sa loob ng kotse ang remote nito. sa pagka dismaya ay bigla itong naupo sa semento sa loob ng garage at umiyak ng umiyak.

"Nick anuba?tumigil ka na nga,"

"Bakit? parang lasing ito na sumigaw, alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon?"

"Anong nararamdaman sige nga sabihin mo baka maintindihan pa kita,"

"Nararamdaman ko? (sandali itong tumigil) na lock pala ang kotse ko naiwan ko yata sa loob ang remote dahil sayo,"

Nagulat si Noah sa lakas ng sigaw nito, Hindi ito maka pagsalita.

"Gusto ko ng umuwi may dala ka bang kotse Noah?,"

" Meron Bakit?,"

"Pahiram ng kotse mo akinang remote ng kotse mo at ng maka alis na ako bilisan mo na!"

Hindi maka imik si Noah kaya niyogyog na siya nito.

"Noah anuba pahiram nga ng kotse mo,"

"Hindi puwede Nick pero kung may pupuntahan ka ipag da drive kita"

"Huwag na Noah, pahiram na lang ng kotse mo,"

"Hindi kita mapapayagang mag drive na mag isa, sasamahan kita tuliro ka pa kasi, bakit ba?"

Hindi na ito sinagot ni Nick , pumasok na lang ito ng kotse at kampanteng naupo. Naka rating sila ng poject 4 Quezon City ay alas onse na ng gabi. bumaba si Nick at nag buzzer sa pinto si Noah ay nag hintay lang sa loob ng kotse ang akala niya ay ito na ang bahay nina Nick at aalis na lang siya pag naka pasok na ito sa loob, pero nagkamali siya,"

"Rico buksan mo ang pinto at kausapin mo ako iintindihin ko ang panloloko mo kausapin mo lang ako please maawa ka sa akin mahal na mahal kita Ric, please lang pag usapan natin ito alam kong mas mahal mo ako kesa sa kanya kaya pinatatawad na kita magsama tayo ng parang wala lang na nangyari, mamatay ako pag iniwan mo ako Ric please,"

Naupo na ito sa semento at umiyak ng umiyak. Awang awa si Noah kay Nick kaya lumabas na siya ng kotse at pinipilit itong ipasok sa loob. ngunit nag pumiglas ito at pinakalampag pa ang bakal na bakod ng bahay ni Rico. kaya lumabas na ito kasama pa ang babae nito pareho lang na naka roba ang dalawa ng lumabas ,

"Nickey ano ka ba? Hindi ka ba maka intindi naturingan ka pa namang matalino pero heto ka ngayon ipinagpipilitan ang sarili sa taong ayaw na sayo?, hindi mo ba ako naiintindihan? matalino ka ba o nagtatali talinuhan lang, tangapin mo na sa sarili mo na ayaw ko na sayo,"

"Ganun lang ba yun? apat na taong magkasama tayo Ric, minahal mo ako alam ko, pero ba't ang dali mo akong kinalimutan?,"

Sinasabi niya iyon ay nanlalabo na ang kanyang mga mata sa luha at ipinasok pa ang kamay sa rehas ng bakod at pinipilit na mahawakan si Ric pero hinahampas na ng babae ang kanyang kamay dahil naabot niya ang damit ni Ric at hindi ito nito binibitiwan.

"Pare sino ka ba?," si Noah na ang hinarap ni Rico, puwede ba paalisin mo na dito ang babaeng yan,?"

Gusto ng suntukin ni Noah ang lalaki pero nagpigil lang siya, sa pagka awa ni Noah kay Nick ay buong lakas na niyang kinalas ang pagkakahawak nito sa damit ni Rico at agad itong kinarga para maipasok sa kotse , awang awa siya kay Nick kaya lang hindi niya ito naipagtangol at hindi siya sumabat sa usapan ng dalawa dahil sa kanilang dalawa lang ang usapang iyon.

❤️I love ❤️ your CEO👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon