"Nick nasaan ka?,"
"Nasa bahay bakit?,"
"Mag lunch tayo?,"
"Hindi tinatamad ako,"
"Sunduin na lang kita,"
"Huwag na nga kasi tinatamad nga ako."
"O di sige sa inyo na lang ako makikikain,"
"Noah umagang umaga namemeste ka, tigilan mo ako, at may trabaho ka yun ang asikasuhin mo wag ako,"
"Puwede ba naman yun ? na hindi kita asikasuhin?, girlfriend kaya kita," kaya tama lang na asikasuhin kita,"
"Kailan mo ako naging girlfriend?," ikaw namumuro ka na sa akin, baka hindi ako maka pag pigil, baka maupakan kita diyan,"
" Tatlong araw na tayong officially girlfriend and boyfriend, pero sorry na, gusto ko lang kasi na makasalo ka sa pagkain,"
"Yung ka date mo nung isang araw siya ang imbitahan mong kumain, magsama kayo I really don't care,"
"Nick ikaw ang gusto ko , hindi ang kung sino,"
"Tigilan mo nga ako Noah parang awa mo na, gusto ko pang matulog at nangangalay na ako sa kahahawak nitong phone ko ,"
"Okey pero bukas ng gabi sa bahay tayo mag dinner susunduin kita diyan sa inyo ng 7:30 pm, and that's final and no but's,"
"Hoy Noah tigilan mo ako, maka asta ka parang utusan mo ako ah!, magkano ba ang sahod ko at inuutusan mo ako ng ganito?,"
"Ikaw magkano ba ang gusto mong isahod ko sayo?,"
Biglang nag busy sa kabilang linya, siguro pinatayan siya ng phone ni Nick. napasambit na lang siya ng.
"Whatever,"
Bumalikwas na lang si Nick at nag ayos.
"Nakaka bad trip ang tarantadong Noah na yon, aalis na nga lang ako para mag job hunting,"
Paalis na siya ng madaanan niya sa sala ang mama niya.
"O, anak akala ko ba hindi ka aalis ngayon?, kumain ka muna bago umalis hindi ka pa nag almusal alas diyes na ng umaga hindi ka pa ba nagugutom?, "
"Ayos lang ako ma, na bad trip lang ako sa caller kanina, nakaka walang gana, iniwanan ko ang phone sa kuwarto ko kung mag ring hayaan nyo lang po ma, "
"Mag job hunting lang po ako ma, nababagot ako sa katatambay ko dito may tumatawag pa na nakaka bad trip,"
"Bahala ka na nga, tutal buhay mo naman yan, ano dito ka ba mananaghalian?, "
"Hindi na po siguro ma, kung magutom ako kakain na lang ako sa labas, mga 8:00 na po siguro ako makauuwi, pag may pumunta po dito, sabihin nyo po na nag out of town ako, at dadalhin ko na po ang sasakyan kasi baka nga gabihin na ako mahirap ng maka sakay pauwi,
"Okey sige na at ako nama'y magluluto na,"
"Bye ma?,"
"Sige ingat ka anak,"
Pumunta siya ng PAO division,
"Buti at narito ka Nick," bati sa kanya ng kaibigan niyang si Bea.
"Bakit may nangyari ba?,"
"May pumunta kasi dito kanina ikaw ang hinahanap tinanong namin kung may kailangan ng tulong, ang sabi ay ikaw daw ang ni recommend ng kaibigan niya, heto may iniwan siyang number tawagan mo daw siya,"
Tinawagan ni Nick ang may ari ng number nang nasa isang kainan na siya, naki tawag siya sa telepono doon,.
"Hello good morning po si Attorney Flores po ba ito?, gusto daw po ninyong kausapin ako, sino po sila?, "
BINABASA MO ANG
❤️I love ❤️ your CEO👌
RomanceThe ranch is the reason for falling down with the charm of this CEO, at first I hate of his arrogant attitude , until I found it one day I was the one who will cry and beg for his love, he ignored me many times, by then I realized that I must stop...