❤️Chapter 29🌟

1 0 0
                                    

Walang nagawa si Nick kundi nahiga na lang kahit hindi pa nakapag palit ng damit, si Rannie naman ay inayos na ang sofa dahil doon siya matutulog.

" Komportable ka ba diyan Rannie?, Ano ka ba naman kasi?,may ari ka ng maraming hotel pero heto ka ngayon nakiki share na lang ng room,"

"Matutulog na ako, kaya huwag ka nang maingay, masakit ang ulo ko dahil sa jetlog at saka tingnan mo nga ang oras alas dos na ng madaling araw halos limang oras na lang ang itutulog natin dahil dapat seven o clock ay gumising na tayo dahil marami tayong pupuntahan."

"Hoy Rannie hindi mo ako utusan, may right naman siguro ako na matulog kahit kelan ko gusto ano?, at saka kung gusto mong makatulog ng walang maingay lumabas ka dito at sa ibang kuwarto ka matulog, mahirap ba yun at isa pa huwag mo akong gigisingin bukas kung may pupuntahan kayo, eh di kayo na lang huwag nyo na akong abalahin,"

"Nick okey sorry na, kung ayaw mo pang matulog okey lang, at kung gusto mo pang mag ingay okey na lang din basta huwag ka lang magagalit sa akin, pagka sayo talaga Nick wala akong hindi ibibigay,"

"Ah ewan ko sayo bahala ka na nga diyan, okey na matutulog na din ako,"

Kinabukasan ng magising si Nick ang namulatan niya ay si Rannie nakatunghay sa kanya habang naka upo sa ibabaw ng kanyang kama, napabalikwas si Nick.

"Bakit nandiyan ka?,"

"Hinihintay kang magising,"

"Akala ko ba aalis kayo?"

"Aalis tayo, dahil hindi ako aalis ng hindi ka kasama,"

"Anong oras na ba?,

"Past one na, bumangon ka na hayan na ang pagkain sa mesa, maligo ka muna bago kumain,"

"Lumabas ka na Rannie paano akong maliligo kung nariyan ka?,"

"Pumasok ka ng banyo, dito lang ako sa labas hintayin kitang makapaligo at sabay na tayong kumain."

"Mga plano mo na bang lahat ang mga ito? nakaka inis na, parang wala na akong freedom, ganyan ka ba kay Lorie Rannie?"

"Hindi ko pinakikialaman si Lorie, bahala nga siya sa buhay niya, ikaw lang ang inaasikaso ko ng ganito, kasi guest ka namin,"

"Buti naman, akala ko kung ano na naman ang sasabihin mo."

"Ano ba ang gusto mong sabihin ko?,"

"Ah wag na kalimutan mo na lang,"

Kumakain na sila ng pumasok si Mathew, ang anak ni Rannie .

"Daddy tawag ka po ni mommy,"

"Kumakain pa ako siya na lang ang papuntahin mo dito."

"Hoy Rannie ikaw na ang pumunta doon, baka importante, lagi ka bang ganyan sa asawa mo? at kung ganyan ka huwag naman sanang lantaran nandito pa naman ako, nakakahiya para sa kanya,"

"Huwag mo ng problemahin yan ako ng bahala sa kanya, o sige na dalian mo ng kumain para maka alis na tayo ,"

Sa sasakyan ay sila lang dalawa ni Rannie ang nakasakay dahil meron namang driver si Rannie, at halos apat na sasakyan pa ang nag convoy sa kanila, mga bodyguards ni Rannie ang nasa dalawa pang sasakyan, una nilang pinuntahan ay ang the Bud, the best know by it's Anglo-Indian name of Bud,pagkatapos ay sa Yu Garden and also known as the garden of happiness ang Shanghai Museum ang huli nilang napuntahan hangang sa makapunta sila ng mall, at ng palabas na sila ay nasalubong nila si Noah nagulat siya sa biglang paghawak sa kamay niya nito, iniwas niya ang kanyang kamay ngunit mahigpit ang pag ka ka hawak ni Noah,

"Nick umuwi na tayo alalang alala na sayo ang mama mo,"

"Ano  bang ginagawa mo dito?,"

"Hinahanap kita,  tara na uwi na tayo,"

Biglang lumapit si Rannie na hila sa kamay ang asawa at anak.

"May problema ba Nick?,"

"Wala ayos lang ako, siyanga pala Rannie this is Noah my boyfriend and Noah this is Rannie and his wife Lorie and together with us is their cute son Mathew,"

"Actually pare si Nick lang naman ang ipinunta ko dito kaya kung puwede isasama ko na siya pauwi ngayon." pakiusap niya kay Rannie,.

"Pare bukas uuwi na kami kung gusto mo sabay sabay na lang tayo, by the way saan ka nga pala naka book na hotel ngayon?,"

"Sa #RS 23 hotel near Pudong Airport and Catholic Church,"

Magkita tayo mamaya marami pa kasi kaming bibilhin, doon din kami tumutuloy ngayon, sa # RS 23 hotel, sa Resto tayo ng # RS 23 hotel in second  floor of the building tayo magkita, hintayin mo ako around 8:00 pm, si Nick kasi sa amin pa rin sasama, and bukas sama sama na tayo pauwi, and she's all yours,"

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Noah kay Rannie .

"Wala lang ibig ko lang linawin sayo na makakauwi na siya, kaya siguro  makakasama mo na siya araw araw, pero pare iingatan mo siya dahil maraming gustong makasama siya sa habang buhay ,"

"Isa ka ba dun?"

"Absolutely yes, but you're the one in her heart,  and still I already had a wife, it's my disadvantage, that's what I mean of she's all yours,"

"Sino ka ba talaga?"

"A good friend of Nick, and care for her much,"but don't worry I will not interrupt your relationship with her, I'm just always by her side ,"

"O tama na yan, sige na Noah magkita na lang tayo bukas sa Airport,"

"Nick puwede bang sa akin ka na lang sumama?, Miss na kita Nick, please be with me now ,'

" Noah please lang just stick to the plan," makakasama mo na ako bukas, and don't worry sa kompanya mo na ako papasok para magkasama na tayo araw araw,"

"Okey I'll listen to your promise, and looking forward to you fulfilling it,"

"Nick tara na naghihintay na sina Lorie at Mathew, at marami pa tayong bibilhin, at kapos na tayo sa oras,"

"Oo na, Noah hintayin mo kami sa airport bukas," don't worry konting oras na lang at makakasama mo na ako,"

Hinawakan na ni Rannie sa kamay si Nick, sobra na siyang nagseselos sa usapan ng dalawa.

"Tayo na sabi, Nick, ano ka ba? bakit hindi ka makapag hintay?, kami muna ang kasama mo ngayon you hear me?,"
*****************************************

❤️I love ❤️ your CEO👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon