"Depress na ano?, at bakit naman ako madi depress?"
"Di ba nga galit ka kay Rachel? na depress ka dahil magkasama kami kahapon?"
"Kapal ha!, hoy Noah magsama ka pa ng isang libong babae diyan sa cubicle mo, walang Nickey Angel Flores na madi depress, dahil kaya din kitang ipagpalit sa isang libong lalaki kung gugustuhin ko, maka pang husga wagas, "
"Okey, eh di magtrabaho na lang tayo," punta ka muna sa cubicle ko may pag uusapan lang tayo, "
"Tungkol saan ba yun?, "
" Pumasok ka na lang para malaman mo,"
" May nag organize daw na Union sa planta natin sa Laguna at nagbabalak daw ng welga bukas, siguro dahil sa napapabalitang dagdag sahod na ipinatupad na ng gobyerno, gusto na nilang ma avail iyon, paki usapan mo na muna sila na kung puwede, after two months na lang natin ibibigay yun sa kanila dahil hindi pa naaayos sa accounting ang mga records, at saka mag i encode pa niyan at marami pang trabahong gagawin para maayos ang lahat lahat, ikaw na muna ang bahala kung ano ang mga sasabihin mo sa kanila, Nick hindi kita masasamahan dahil, pupunta din ako ng Cebu, pagkatapos mong maayos ang problema umuwi ka na agad Nick, huwag kang magpa umaga doon, if ever na hindi mo pa matapos agad umuwi ka at bumalik ka na lang kinabukasan, naiintindihan mo ba?, "
" Oo, don't worry maaayos ko yun in a short while, promise mauuna pa akong makaka uwi sayo ,"
Pero hindi naka uwi si Nick dahil gabi na natapos ang rally, dahil nabigyan ng mahabang oras ang permit ng rally, anak kasi ng mayor ang nakuha nilang attorney, pinag hintay pa siya nito, makaka usap daw niya ang presidente ng Union pag tapos na daw ang rally, eh, natapos ang rally almost 7:00 pm na, kaya nabigyan lang siya ng kalahating oras ng presidente, pero hindi pa gaanong naplantsa ang mga hinaing nila, dahil gusto ng attorney at ng presidente, pag usapan daw nila ang lahat over the bottle of wine, hindi pa naman marunong uminom si Nick, kaya nagpaalam siyang kinabukasan na lang nila pag usapan ang lahat, at ng pauwi na siya bigla namang bumuhos ang malakas na ulan, nasabihan pa siya ng guard sa planta na kung mag commute daw siya ay mahihirapan na siyang makasakay, at kung mag biyahe daw siya ng kotse niya ay baka lumubog daw sa baha ang sasakyan niya, lagi daw kasing binabaha ang lugar na iyon, kahit nga hindi naman daw kalakasan ng ulan ay binabaha na ang kanilang lugar ,"
"Attorney mag pahinga na lang po muna kayo sa hotel, yung Marizon Hotel po ay 10 minutes drive lang mula dito, at iwas pa po ang lugar papunta doon sa baha, para din po masiguro na ninyo na makaka usap lahat ng mga empleyado na sumali sa rally bukas, "
" Okey po alis na po ako, sa Marison Hotel na lang po ako ngayon,"
Sa Cebu ay nasa isang bar si Noah nag papalipas lang siya ng oras, dahil hindi siya maka tulog, nang may lumapit sa kanyang isang maganda at sosyal na babae, ngunit hindi lang niya ito pinansin , ngunit makulit ang babae, tumindig ito at niyakap nito sa likuran si Noah habang ang lalaki ay nakaupo, pero papilit na inalis ni Noah ang kamay nito, dahil na aalibadbaran siya sa kilos nito.
"Miss puwede ba?, tantanan mo ako,"
"Bakit gay ka ba?, sa gandang lalaki mong yan? Naku kawawa ang mga lahi ni Eva na gusto kang makasama, crush pa naman kita, pagbigyan mo ako kahit isang gabi lang, huwag kang mag alalala single ako ngayon dahil nag break na kami ng boyfriend ko nung isang linggo, at malinis
ako wala akong sakit tulad ng mga makukuha mo diyan sa mga kanto kanto lang,""Hindi ako umiinom dito para humanap ng babaeng makasama ngayong gabi, at saka may girlfriend ako, at selosa yun, kaya puwede ba miss humanap ka na lang na puwedeng maging boyfriend mo ngayong gabi, sige na miss aalis na din ako,"
Walang nagawa ang babae kaya umalis na lang ito, si Noah ay pumunta na din ng kanyang hotel room nasa taas lang ito ng bar na kanyang pinang galingan, nasa kama na siya ng maisipan niyang tawagan si Nick.
"Hello Nick nasaan ka ngayon?,"
"Bakit ba?, eh nasa kama natutulog na, nambulahaw ka lang kaya nagising ako ng mag ring ang phone ko, ano bang kailangan mo?,"
"Wala lang, at bakit masama bang tawagan ka?, nag aalala lang ako sayo, girlfriend kaya kita, "
"Hoy Noah kung tumawag ka para lang mambuwisit, puwede ba tantanan mo muna ako, natutulog na ang tao, maka tawag ka parang wala kang naiistorbong gusto ng magpahinga,"
"Awat na mahal, ang taray mo naman sa boyfriend mo, na miss lang kita, kaya awat na, sige na mahal matulog ka na sweet dreams and let me appear in your dreams,"
"Naku huwag mong sasabihin yan, dahil nightmare ang mangyayari pag lumitaw ka sa panaginip ko,"
Ganyan sila lagi ni Noah kapag nag uusap laging may hidwaan parang aso't- pusa, ito kasing si Noah ay alaga ng asarin si Nick, pikon pa naman ang dalaga kaya lagi silang parang nasa giyera pag nagkakatagpo.
Maagang nagising si Nick kaya agad na naligo siya, buti na lang at nakapagdala siya ng extra blouse pants and undies, ng makapaligo ay gumayak na siya papuntang planta, pero hindi na siya umabot ng entrance gate, dahil naka puwesto na ang mga nagra rally, hindi niya ito inaasahan dahil kinausap na nga niya kagabi ang presidente at attorney ng Union, nag park na lang siya ng sasakyan sa di kalayuan, at sumiksik na sa karamihan at ng makarating sa unahan ay nagsalita siya para mapanatag na ang mga tauhan ng planta.
"Magandang umaga po sa inyong lahat, kung puwede po sa loob na lang tayo mag usap, pakikingan ko po ang lahat ng hinaing ninyo, narito po ako para maresolba na ang lahat ng gulong ito at sinisiguro ko na lahat ng kagustuhan ninyo ay matutupad, kaya kung puwede po ay pag usapan na natin ito sa mahinahong talakayan,"
Lalong nagkagulo ang lahat, at umulan na ng bato, hanggang sa bigla na lang natumba si Nick dahil tinamaan ang noo nito ng malaking bato, maraming dugo ang naiwan sa lapag ng kunin na ng ambulance si Nick at dinala na ito sa hospital, tumawag na ang tao ng planta sa main office ng Benson's company at umabot na din ito sa kaalaman ni Noah.
*****************************************
BINABASA MO ANG
❤️I love ❤️ your CEO👌
RomanceThe ranch is the reason for falling down with the charm of this CEO, at first I hate of his arrogant attitude , until I found it one day I was the one who will cry and beg for his love, he ignored me many times, by then I realized that I must stop...