🔵Chapter 35🇸🇿

2 0 0
                                    

"Ano ba ang nangyari?,"tanong ni Noah  sa isang empleyadang babae na nakilala niya na nagtatrabaho sa planta,  marahil kasama ito sa nagdala kay Nick dito sa hospital.

"Nag wala po ang mga tao sir sa rally kaya pina ulanan ng bato ang planta, nagkataong nasa malapit sa planta si attorney  kaya siya nahagip ng malaking bato sa noo. maraming dugo ang nawala kay attorney sir, kaya nawalan siya ng malay, may tumawag na din ng ambulansiya, kaya naidala na kaagad namin siya dito sa hospital,"

Kaya sa hospital na inabutan ni Noah si  Nick at  hindi na naman maipinta ang mukha nito dahil sa pag aalala sa dalaga, may isang lumapit sa binata yung security guard ng planta.

"Sir ako po  at dalawa pong staff sa planta ang nagdala kay attorney dito sa hospital security po ako ng planta dito sa Laguna,"

"Bakit hinayaan ninyo na malagay sa peligro si attorney? At ipaabot po ninyo sa mga kasama sa pagbabato ng planta lahat sila ay ipatatangal ko sa trabaho , kesehodang magsara pa ng planta walang kasing halaga ang buhay ni attorney kanino man sa kanila, at wala silang matatanggap na back pay at kung ang majority ng mga workers ay kasali sa Union na naging dahilan ng kapahamakan ni attorney, damay damay na sila na mawawalan ng trabaho, at sa loob ng isang buwan ipasasara ko na ang planta, magalit na sila kung magalit sa court room na lang kami mag kita kita, pero kayo po ay retain kayo sa post ninyo, at salamat po sa pagdadala ninyo dito sa hospital kay attorney, tatanawin ko pong malaking utang na loob iyan sa inyo, sige na po  puwede na po kayong umuwi ako na lang po ang bahala dito, "

"Nasa emergency room pa po si attorney,  pag nai transfer na po sa hospital room si attorney ay saka na lang po kami aalis,"

At last na ilipat na si Nick sa private room ng hospital, kaya nag paalam na ang mga empleyado ng planta, si Noah na lang ang naiwan para magbantay kay Nick, hindi pa rin  nagkakamalay ang dalaga,kaya napag masdan niya ng mabuti ang maputlang mukha nito.

"Seeing you in pain is much worse than death to me, why did it happen to you?  of all people bakit ikaw pa?," iyon ang naiisip ng binata habang minamasdan ng mabuti ang maamong mukha ng dalaga.

Ngunit kampante naman si Noah tungkol sa kalagayan nito ,  dahil sinabi ng doktor na maayos na ang lagay ng dalaga,  kaya tulog pa ito dahil sa anesthesia na na inject sa  kanya kanina during the treatment. Walang nagawa si Noah kaya nag surf na lang sa kanyang cellphone,  bigla niyang naalala ang mama ni Nick, na malamang na hindi pa nito alam ang nangyari sa kanyang anak, kaya agad niya itong tinawagan.

"Hello po mam,  si  Noah po ito,  huwag po kayong mabibigla,  narito po ngayon si Nick sa St.  Joseph Hospital ng Laguna, at  maayos na po ang lagay niya, kaya huwag na po kayong mag alala,  aksidente lang po ang nangyari, nasa unahan kasi siya ng mga nag ra rally dito sa planta namin sa Laguna ng umulan ng bato ay nahagip sa noo si Nick at maraming dugo ang nawala sa kanya kaya hanggang ngayon ay tulog pa rin siya,  but she's out of danger now. "

" Kasama mo ba kagabi si Nick?, hindi kasi siya umuwi kagabi,

" Hindi ko po siya kasama, nasa Cebu po ako kagabi dahil may inasikaso po ako sa isa pang opisina namin doon, "

"Pinapunta ko po siya dito sa Laguna kahapon dahil pina asikaso ko nga po ang ilang gusot dito sa planta, pero inadvice ko   naman po siya na umuwi matapos o hindi man ang gusot,  at bumalik na lang siya kinabukasan,  pero hindi pala siya umuwi?  Magtatanong po ako ng mga detalye sa mga tao namin dito sa planta,  kung bakit hindi siya naka uwi kagabi, mamaya po pag nagising na siya patatawagin ko po siya sa inyo para mawala na po ang worry ninyo sa kanya,"

"Salamat sayo Noah,  naku ang batang iyan talaga,  nagdedesisyon na lang kahit alam namang maraming nag aalala sa kanya,  ganyang na aksidente pa siya naku mapepengot ko talaga siya,  sige na  Noah salamat uli sa pag aalaga kay Nick, "

Nagising si Nick at nagpa linga linga siya.  hanggang sa dumako ang kanyang mata sa  kanang bahagi ng kinalalagyan niyang kuwarto,  nasa sofa si Noah at kampanting  natutulog. ng biglang napa hawak siya sa kanyang ulo, at naramdaman niyang nabebendahan ito ng hospital gauze bandage, saka lang niya naalala ang mga nangyari,  nabato nga pala siya, ngunit ang lalo niyang inaalala ay ang problema ng planta na hindi pa niya nareresolba, tatayo sana siya ng biglang sumakit ang ulo niya, napa sigaw siya sa sobrang sakit,  kaya nagising na si Noah, kabado itong napatayo,.

"Nick bakit?  anong nangyari? hinahaplos nito sa likod si Nick, "

"Noah masakit ang ulo ko,  sobrang sakit,  hindi ko na kaya,  mamatay na lang sana ako para hindi ko maramdaman ang sakit na ito, tulungan mo ako please," 

Hanggang  sa bigla itong hinimatay, natakot si Noah sa naging epekto ng tama ni Nick sa ulo,  biglang bumangon ang sobrang galit niya sa taong nakatama ng bato dito,  mahigpit ang pagkakayap ni Nick sa binata hindi niya makalas,  gusto kasi niyang puntahan ang doktor kasi nais niyang malaman ang tungkol sa sobrang sakit ng ulo ni Nick, hanggang sa may pumasok na nurse,

"Sir paki paayos po ng pagkakahiga si mam may injection po kasing dapat itusok sa kanya," pakiusap sa kanya ng nurse.

"Pakitulongan mo ako para maihiga natin ang pasyente,"

Pero hindi nila  makalas ang pagkakahawak sa kanya ng dalaga,

"Sige po sir, pakihawak na lang po ng mabuti sa kanya,  baka po kasi matabig niya ang kamay ko na  may hawak ng syringe, at baka sa kung saang parte pa ng kanyang katawan, maitusok ko ang syringe needle,"

Ng sa wakas ay naitusok na ng nurse ang  vial kay Nick ay saka na lang siya kumalas sa  pagkakayakap kay Noah, kaya napa unat ng dalawang kamay ang binata, nangalay siguro ng husto,  at dahan dahan ng inayos  ng  binata ang pag kakahiga nito, ng anyong kokomutan na niya ang dalaga ay napahawak uli ito sa kamay niya at hindi na naman ito binitiwan , inabot ng labing limang minuto ang pakaka hawak ng tulog pang dalaga ang kamay ni Noah, at bigla na naman itong natulog ng mahimbing , kaya naayos na uli ng binata ang pagkaka higa nito,.

❤️I love ❤️ your CEO👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon