🌟Chapter 25✨

4 0 0
                                    

"Ano? magpapakasal kayo? , Nag-iisp ka ba Nick? tayo ang magkasintahan tapos sa iba ka mag papa kasal? anong katarantaduhan yan?"

"Hoy! Noah magtigil ka nga, di ba may girlfriend ka na? Rachel ang pangalan niya di ba? so paanong masasabi mong magkasintahan tayo? lutang ka ba?"

"Umalis ka na nga, ang labo mong kausap,"

"Okay aalis na muna ako Nick, pero hindi ako titigil, hanga't hindi mo pa ako pinatatawad, dahil mahal na mahal kita,"

"Makapag salita ito ng mahal labas lang naman ng ilong, maniwala ako sayo?"

Hindi natuloy ang pag out of town nina Charlie, dahil ng pababa na sila ng parking lot ay may aabot sampung lalaki ang sapilitang isinakay sa isang fortuner si Nick, hindi maka porma si Charlie, dahil bukod sa marami ang mga ito ay may mga baril pang itinutok sa kanya, hangang sa pina pasok siya ng mga lalaki sa loob ng kanyang sasakyan, kaya ng umalis na ang mga lalaki ay tangay ng mga ito si Nick, na tulog na tulog dahil sa pina amoy sa kanyang amonia, nang magising si Nick ay nag palinga linga siya, sa  isang kama siya naka tulog, na nasa isang tabi,  na ang hula niya ay isang arena dahil abot ng kayang tingin ang isang boxing ring sa gitna, at sa medyo mataas  na bahagi na parang stage ay may isang lalaki ang nakaupo sa gitna niyon, sa likuran nito  ay nagulat siya bigla, dahil picture din niya na napaka laki, ang nakasabit doon, at ng ilibot niya ang kanyang tingin, ay napagtanto niya na lahat ng bahagi ng arenang iyon ay pictures niya ang naka dikit,  na nasa iba't-ibang angulo ang kuha,  naalala niya sa isang angulo, ang picture ay nung nasa PAO Division pa siya, pababa siya ng bulwagan ng katarungan, sa kuhang iyon, nagmistulang palamuti ang mga pictures niya sa paligid ng arena, parang mga commercial or ads, na makikita mo talaga sa iba't-ibang panig ng arenang iyon. Bigla siyang tumayo at binalak na tanggalin ang isang picture na nasa tabi niya, pero bago niya nagawa yun ay bigla siyang napigilan ng isang lalaki na nasa medyo malapit sa kanya, kaya biglang nag init ang ulo niya, at na flying kick niya ito na tumilapon sa malayo at pagbagsak ay tulog, ng makita ito ng mga kasamahan ay hinarap ng mga ito si Nick, naki pagsabayan si Nick, palibhasa may konti siyang knowledge sa martial arts kaya madali lang niyang napatumba ang apat na lalaki na lumaban sa kanya,  may natitira pang pito kasabay ang nasa upuan na nasa stage, bumuwelo si Nick at nakipagsabayan sa apat uling humarap sa kanya, master niya ang flying and back kick
kaya ang tatlo sa apat na nakaharap niya ay napa tikim niya agad ng flying kick at ng back kick,  at tumilapon ang mga ito ng malayo at pag bagsak ay tulog, ang natitirang isa sa apat ay nasuntok siya sa tiyan,  napahawak siya sa parteng tinamaang tiyan at ininda niya ang sakit, kaya naka ngiwi siyang umatras ng konti, pero ng anyong susugurin uli siya nito ay bumuwelo uli siya at lumipad uli ang paa niyang may suot ng high heels na tatlong pulgada ang taas, ang dulo ng high heels niya ay lumanding sa mukha ng kalaban kaya pumutok ang labi nito, at maraming dugo ang lumabas sa bibig ng kawawang lalaki, napa upo ito sa kanto ng boxing ring, at itinaas ang kamay sabay sigaw ng,

" suko na ako, tama na please,"

Pumalakpak ang naka upong lalaki sa stage, at binulungan nito ang dalawa pang lalaking natira.

" Hinay hinay lang pag nasaktan si Nick papatayin ko kayo promise,"

Pero hindi pa naka atake ang dalawa ay bigla na lang na natumba si Nick, malamang na hinimatay ito sa sobrang pagod,.

Tarantang napatayo ang naka upong lalaki at bigla nitong binuhat si Nick at ipinasok nito sa isang sasakyan  na nasa labas ng arena,

"Boss sa ospital po ba tayo?" tanong ng driver sa amo.

"Tanga ka ba?,  bakit sa Hospital gusto mo bang matunton si Nick ng dalawang asungot na  manliligaw niya?, sa bahay tayo tawagan na din ninyo si doktora  Reyes, at padiretsuhin  na lang sa bahay,"

"Sir paano kung magalit ang asawa ninyo?"

"Hayaan mo lang siyang magalit at wala din akong   pakialam. sa kanya,"

Sumapit na sila ng  bahay at karga karga si Nick ng lalaki papasok, sinalubong sila ng asawa ng lalaki.

"Rannie sino yan?,"

"Ayusin mo muna ang guest room bago ka mag tanong diyan,"

Dumating na din ang doktor na ipinatawag ni Rannie,

"Tingin ko maayos naman siya,  ano ba ang nangyari Mr. Salas?,"

"Nasuntok sa tiyan ng bodyguard ko ng hindi sinasadya,"

"Kaya naman pala, malamang na may monthly period siya ngayon,  ingatan kasi ang tiyan ng mga babae once na may monthly period siya, malamang na hindi na siya  mag  conceive dahil sa  tamanag iyon sa kanyang tiyan, sana nga lang ay hindi malakas ang pagkaka suntok sa kanya, Ang mga babae naman kasi ay maselan pagdating ng kanilang buwanang dalaw, karamihan ko ngang pasyente ay yung mga nahihimatay tuwing may buwanang dalaw sila,  lalong lalo na yung mga dalaga pa, nahihimatay sila dahil sa tindi ng sakit ng kanilang tiyan,. don't worry Mr. Salas she will be fine after she got rested, heto ang bibilhin ninyong gamot, ipa inom sa kanya every four hours pag nag patuloy ang sakit ng kanyang tiyan, and after five hours na hindi pa siya magising, tawagan po ninyo ako kakabitan na natin siya ng dextrose, meanwhile hintayin na muna natin ang kanyang progress pag gising niya,  sige po aalis na po muna ako, teka nga  pala sino ba siya? ang gandang dalaga nito puwedeng maging Miss Universe,

"Sige po Doc , ah? kaibigan ko po siya doktora isa po siyang abogada.

Nang maka alis ang doktora ay hinrap nito ang kayang bodyguard.

"Santos sino yung naka suntok sa mam Nick ninyo?,  papuntahin mo nga dito ng maturuan ng leksyon, hintayin ninyo ako sa opisina ko mamaya, 

Naupo lang si Rannie malapit sa kama ni Nick, pinagsawa niya ang sarili sa pagtingin dito

"Ang ganda ganda mo mahal ko, kaya nga mahal na mahal kita dahil sa taglay mong ganda,"  sinasabi niya iyon kahit alam niyang hindi naman siya nito maririnig dahil tulog na tulog ito,"

*****************************************

❤️I love ❤️ your CEO👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon