" Anong kasal ang sinasabi mo? akala mo ba makakukuha ka agad ng babaeng pakakasalan? pambihira naman pala ang papa mo, maka pag udyok ng kasal wagas, sa tingin mo sino ba ang mas gustong magpa kasal ka na agad? ang papa mo ba talaga, o ikaw lang ?, ay naku kung ang papa mo lagot ka diyan makakasal ka sa anak ng kaibigan niya,"
" Kaya nga Nick tulungan mo naman ako, "
"Anong tulong ang magagawa ko?"
"Magpakasal na tayo para matigil na ang papa sa isyu na yan, wala naman kasing mapagbalingan, paano ba naman eh nag iisa lang akong anak,"
" Aba, problema mo na yan Noah, out ako diyan, bahala na kayo diyan," humanap ka na kasi ng pakakasalan para matigil na ang papa mo,"
" Bakit kailangan ko pang maghanap eh nandiyan ka na naman, at saka Nick kung hindi ikaw ang magiging bride ko walang kasalang magaganap, isinusumpa ko na ikaw lang ang magiging asawa ko, wala ng iba yan, ikaw lang talaga,"
"Paano ba yan Noah ayokong magpakasal sayo dahil linked ka pa rin kay Rachel lagi lang tayong mag aaway tungkol dyan,"
" Hindi mo ba talaga ako maintindihan ex ko na nga lang si Rachel mas mahalaga ka sa akin Nick,"
"Hindi ako magiging bahagi ng buhay mo hangga't hindi mo inaalis sa systema mo si Rachel, mag sisisi ka lang dahil sasakit ang ulo mo dahil sa mga magiging away natin tungkol sa kanya eventually we will ended up in seperation, yun ba ang gusto mo?," kaya awat na Noah, dahil kahit pa sabihing mahal kita hindi ako papayag na magpakasal sayo dahil kay Rachel,"
"Si Rachel lang ba talaga ang dahilan mo o ikaw ang may mahal na iba?,"
" Huwag mo akong babaliktarin Noah dahil alam mong ikaw lang ang mahalaga sa akin, bakit hindi mo ba talaga matatalikuran si Rachel?,"
"Bakit ba galit na galit ka sa kanya eh wala naman siyang ginagawa sayo?,"
"Ayan na nga bang sinasabi ko mas kakampihan mo talaga si Rachel kesa sa akin, o di ba ?, sa bibig mo mismo nanggaling na mas mahalaga si Rachel kesa sa akin? ewan ko sayo Noah tigilan na natin ang relasyong ito, anyway isang linggo na lang ay tapos na ang tatlong buwang pagiging magkasintahan natin, from now on wala na tayo / break na tayo, at wala na tayong pakialam sa isa't-isa,"
Dahil sa inis din ni Noah sa sobrang pagka hard headed ng dalaga ay pumayag siya na makipag hiwalay dito.
" Sige kung yan ang gusto mo payag din ako maghiwalay na nga tayo,"
Alas tres pa lang ng hapon kahit hindi pa uwian ay umalis na kaagad si Nick ng opisina, ang ginawa ni Noah ay pinasundan ito sa kanyang personal assistant.
"Ikaw ang boss ko bakit siya ang babantayan ko?"
"Ayaw mo na ba ng trabaho mo? sabihin mo lang at agad kitang papalitan, susundan mo lang siya ano bang mahirap dun?,"
" Oo na, bakit ba kasi hindi mo pa hiwalayan ang immature mong girlfriend na yan, pati tuloy ako nadadamay sa gulo nyo, ang lalabo nyo magpakasal na kaya kayo para matapos na ang gulong yan, aba boss nasa tamang gulang ka na naman para mag asawa,"
"Umalis ka na Ariel baka mawala sa mata mo si Nick, ganitong mainit ang ulo ko, hindi ka magkakaroon ng bonus at pati 13 month pay ay hindi ka rin makakatanggap,"
"Boss unfair yan ang tagal ko na sa trabahong ito ngayon lang ako mawawlan ng bonus?,"aba babalian ko ng buto ang babae mong yan boss,"
"Subukan mo lang na kahit hibla lang ng buhok ng mahal ko, na kakantihin mo?, ako mismo ang papatay sayo, Ariel huwag kang magkakamaling saktan si Nick dahil mahal na mahal ko yan, mawala man kayong lahat wala akong pakialam basta si Nick lang ang laging mahalaga sa akin, kahit biro ay huwag mong gagawin dahil pantay lang yon sa magiging kasalanan mo sa akin,"
Umuwi lang si Nick ng bahay ang mama niya ay nagulat dahil sa maagang umuwi ang anak.
"U maaga ka yata?, ganyan ba talaga ang oras ng uwi ninyo?,"
" Hindi ho ma sumakit lang ang ulo ko kaya umuwi na ako,"
"Kumain ka muna pagkatapos kumuha ka ng mefenamic acid sa medicine cabinet at matulog ka na bukas ay mawawla din yan,
Nauna ng pumasok si Nick sa opisina dahil gumawa siya ng resignation letter, mag reresign na lang siya para wala na siyang magiging problema. alam niya na papayag si Noah sa resignation letter niyang iyon dahil alam niya na siya lang ang hadlang sa relasyon ni Noah at Rachel, kung mawawala siya ay siguradong magkakabalikan na ang dalawa, nalaman kasi niya na naki pag divorce si Rachel sa asawa nito na Canadian, kaya siguradong uuwi ito ng Pilipinas para makipag balikan kay Noah, dahil sa isiping iyon ay biglang napaluha si Nick, hindi niya namalayan na nasa harapan na niya si Noah at hawak ang resignation letter niya.
"Anong ibig sabihin nito?"
Tanong nito sa kanya na nakataas ang kamay at hawak ang resignation letter niya,
"Ano sa palagay mo?, Hindi mo ba maintindihan eh di resignation letter, mag reresign na ako dito,"
" Basta lang ba ganun Nick? hindi ka maaaaring mag resign Nick, dahil may kontrata kang napirmahan na two years kang magtatrabaho dito," pinunit pa nito sa harapan niya ang papel na hawak, "
" Hindi mo ako maaaring pigilan dahil may rights ako bilang hindi na nasisiyahan sa kanyang pagtatrabaho sa isang kompanya, nakalimutan mo na ba Noah na isa akong abogada at alam ko ang batas na breach of contract may mga limitasyon din ang batas na yan at maraming ugat din na nag uugnay sa batas na yan, ang bawat ugat ay mga kadahilanan na maaaring mapawalang bisa ang batas din na iyan,"
" Huwag mo akong lecturan sa mga batas mo Nick, dahil dito sa kompanya ko, ako ang batas dito, pag sinabi kong hindi ka puwedeng umalis, hindi ka puwedeng umalis, naiintidihan mo?, at huwag mo akong gagalitin Nick baka makalimutan ko na mahal kita,"
" Ngayon pa lang ay ipinakikita mo na ang tunay mong kulay Noah, eh anu kung magalit ka at anu kung makalimutan mong mahal mo ako?, at paano naman ang galit ko? ikaw lang ba ang puwedeng magalit?" sige nga ipakita mo sa akin ang galit mo, para maipakita ko rin sayo ang galit ko."
"Alam mo Nick kahit kelan ay hindi talaga ako mananalo sayo, ayokong magalit ka sa akin pasensiya na rin sa mga nasabi kong mali sayo, sana ay mapatawad mo ako, Nck please do'nt leave, I may die if you leave me, I'm so sorry please forgive me,"
"I'm afraid for us to be parted ways Noah, but if It's our fate what can we do about it?"
"Just stay and fight Nick, stay tight and Love tight "
****************************************
BINABASA MO ANG
❤️I love ❤️ your CEO👌
RomanceThe ranch is the reason for falling down with the charm of this CEO, at first I hate of his arrogant attitude , until I found it one day I was the one who will cry and beg for his love, he ignored me many times, by then I realized that I must stop...