"Hindi ako si Rannie, si Noah ito iniistorbo ka ba ni Rannie Nick?,"
"Hoy!! magaling na lalaki bakit iniwan mo na lang ako sa hospital? tinawagan ka ba ni Rachel? at hindi mo na lang inisip ang kaligtasan ko, hanggang umagang wala akong kasama paano na lang kung may masamang nangyari sa akin?"
"Ikaw ang nang iiwan binalikan kaya kita ng hospital pero lumabas ka na pala?, sino sa atin ang nang iwan ngayon?, ano okey na ba ang pakiramdam mo? may masakit pa ba sayo?, hindi ka pa raw puwedeng lumabas ng hospital, bakit ba lumabas ka na agad?, napaka tigas talaga ng ulo mo, puwede ba Nick paminsan minsan makinig ka naman sa akin,"
"Sino ka ba para pakingan kita?, "
"Nick ayan ka na naman mataray ka na naman, tumawag ba si Rannie?, bakit daw ba?, "
"Noah ibaba mo na nga ang phone mo, kumakain ako, huwag kang istorbo, "
Pero hindi pa naibababa ni Nick ang kanyang cellphone ng magsigawan ang kanyang mga kapatid may nakapasok na pala sa loob ng kanilang bahay, siguro sa likod ito dumaan, kaya hindi nahalata nina Rannie, dinig ni Noah sa kabilang linya ang sigawan sa bahay nina Nick, kaya agad siyang lumabas ng bahay at sumakay sa kanyang kotse, pupuntahan niya sina Nick baka kung ano nang nangyari sa kanila, sa isip niya.
Hawak ng isang lalaki si Arjay habang si Arlan ay tulalang nakatitig lang sa dalawa, iyon ang tagpong inabutan ni Nick, nasipa niya ang lalaki habang nahawakan na niya ang kamay ng kanyang kapatid, kaya ng matumba ang lalaki ay hindi nakasama sa kanya si Arjay, pinalayo niya ito ng konti at hinarap na niya ang kalaban, ang isa ay na flying kick na rin niya at yung isang natumba ay hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong maka tayo pa, hinablot niya ang kanyang nalingunang malaking nylon na lubid saka iginapos ang naunang lalaki, nakatayo pa ang isang na flying kick niya kaya ang hawak niyang lubid ay itinapon niya sa tatakas na sanang lalaki at napuluputan na ng lubid ang paa nito saka niya hinila at isinabay na niya ito sa gapos ng sa naunang lalaki, saka siya bumukas ng gate dahil hihingi na sana siya ng tulong sa mga kapit bahay nila, ngunit ang nabungaran niya ay ang bakbakan na ng mga tao ni Rannie at ang mga hindi niya kilalang mga kalaban, nakita niyang magagapi na ng mga tao ni Rannie ang mga kalaban kaya kampante na siyang nanood na lang ng labanan, hindi na siya sumali sa bakbakan dahil kayang kaya na ng mga tao ni Rannie ang mga ito, hanggang isa isa ng natumba ang walong kalaban,.
"Ipasok ninyo ang mga iyan dito sa loob para pagsabay sabayin na natin sila dito sa tali, " utos niya sa mga tao ni Rannie,.
Agad namang sumunod ang mga ito sa kanyang utos, kaya ipinasok na nila ang nawalan na ng malay na mga kalaban, at itinali na rin ang mga ito kasabay ng dalawang nagapi na niyang kalaban.
"Nick tumawag ka na ng pulis para makasuhan na natin ang mga iyan, pero kung ako sana ang masusunod isasalvage ko na lang sila, para mabawasan na ang mga walang magawang tama dito sa mundo, wala na silang puwang dito sa mundong ibabaw mga anay na sila ng lipunan, ano Nick mag desisyon ka na, ikaw ang target ng mga ito kung hindi mo kakasuhan ang mga iyan, uulit pa yan,
"Kakasuhan ko na sila para malaman na din natin kung sino ang kanilang master mind, teka nga pala Rannie ibig bang sabihin hindi ka na umuwi pagka hatid mo sa akin kanina?,"
"Oo, hindi ko lang sinabi sayo kanina para hindi ka maalarma, ka aalis lang natin kanina ng opisina ay nakasunod na sila sa atin, kaya tinawagan ko na ang mga tao ko, para naman kahit papaano ay may katulong ako sa labanan, sampung katao pa naman ang kalaban,"
"Aldo umuwi na kayo, kami na lang ang bahala dito, salamat nga pala" kausap nito sa pinagkaka tiwalaang kaibigan at tauhan.
"Ayos lang boss, kayo pa?, "
Dumating ang mga pulis na tinawagan ni Nick, siya namang pagdating ni Noah, nagtaka siya dahil maraming tao ang mga nag uusyoso sa bahay nina Nick,
"Bakit kaya?, sa isip niya,"
Kaya agad-agad siyang pumasok saka lang niya nalaman na pinagtangkaan pala ang buhay ni Nick at ng buong pamilya nito .
"Nick ano bang nangyari?, "
Hindi siya sinagot ni Nick, tiningnan lang siya nito ng masama at ibinaling na ulit ang tingin nito sa nagtatanong na pulis kanina, kaya si Rannie na lang ang tinanong ni Noah.
"Pare ano bang nangyari?, "
Hindi sumagot ang tinanong na lalaki, bagkus ay pinagsabihan siya nito ng,,..
"Sa susunod na pinabayaan mo ulit si Nick sasamain ka na talaga sa akin Noah, bakit ba kasi itong si Nick ay ikaw pa ang pinag katiwalaan, pasalamat ka dahil may asawa na ako, kundi ay wala ka na sanang nobya ngayon, dahil aagawin ko talaga siya sayo,"
"Ano ba kasi ang nangyari?, "
"Tanungin mo na lang si Nick o kung hindi ang mga pulis na ang tanungin mo, "
"Sige ikaw na ang bahala dito, teka? mapag kakatiwalaan ba kita?,"
"Oo naman, at salamat pare sa pag aalaga kay Nick at sa pamilya din niya,"
"I love her that much kaya I promise to protect her always and so as her loved ones especially her family as well,"
"Alam ko na mahal mo nga ang nobya ko, still I gave you my complete trust of taking care of her,"
"Noah hindi mo na kailangang sabihin yan dahil I know my limits, alam mo kung gaano ko iginagalang ang girlfriend mo, and I treated her as fragile as a whiskey glass, she's a complete treasure to me, so I have to keep her protected and safe, ikaw Noah ano ang puwede mong ibigay sa kanya?, "
"Everything, I can give her everything that I owned, " Noah answered with grinding teeth to Rannie, "
"And so do I, I will give her my everything, with no limits, says by Rannie with full of tolerance ,"
Naisakay na ng mga pulis ang sampung kriminal, at sinabihan na ng mga ito si Nick na sumunod na lang sa headquarters para mag testify tungkol sa nangyari,.
*****************************************
BINABASA MO ANG
❤️I love ❤️ your CEO👌
RomanceThe ranch is the reason for falling down with the charm of this CEO, at first I hate of his arrogant attitude , until I found it one day I was the one who will cry and beg for his love, he ignored me many times, by then I realized that I must stop...