Lumipas na ang limang oras na hindi pa nagigising si Nick, kaya tinawagan na ni Rannie si Doktora Reyes, balisang balisa si Rannie sa nakikitang kalagayan ni Nick maputla na ang pisngi ng dalaga, awang awa siya sa kalagayan nito, kaya yung tauhan niya na nanakit kay Nick ay sinesante na niya,
"Huwag ka ng magpapakita sa akin, dahil sa susunod na magtagpo pa tayo sinisiguro ko sayo na gigilitan kita ng buhay naiintindihan mo?, Sige na alis na kunin mo na lang sa accounting sa opisina ang huli mong sahod ,"
Bumalik sya ng guest room nakita niyang medyo umayos na ang lagay ni Nick ng makabitan ito ng dextrose. Hindi na niya ito iniwan hangang sa pumasok na ang kanyang asawa.
"Ba't balisang balisa ka sa kanya? ano mo ba siya?,"
"Hoy Lorie ako'y tigil tigilan mo gan'tong masama pa ang lagay ni Nick, baka hindi kita matant'ya tatamaan ka sa akin, kaya para hindi ka masaktan asikasuhin mo siya ng mabuti,at huwag mo akong aabalahin sa pag babantay sa kanya, sige alis na, padalhan mo na lang ako dito ng makakain,"
"Mas mahalaga pa ba sa amin ng anak mo yang babaeng yan?"
"Aba siyempre naman siya ang matagal ko nang binabantayan, hindi mo ba siya nakikilala? siya yung nasa picture na nasa ulohan ng kama ko,"
"Huwag mong sabihing tinangay mo siya papunta dito?,"
"Oo tinangay ko siya, dahil hindi naman niya ako pinapansin, ikukulong ko siya dito sa bahay, hanggang pansinin na niya ako,"
" Nag kidnap ka ng isang abogada?, makakasuhan ka niyan,"
"Makasuhan kung makasuhan ako ng bahala dun, at ikaw wala kang pakialam sa ginagawa ko labas ka dito, kaya puwede ba umalis ka sa harapan ko, baka tamaan ka sa akin,
"Ganyan ka naman lagi, konting hindi mo lang nagustuhan nananakit ka kaagad,"
"Eh, kasi ayaw ko pa sanang mag asawa, namikot ka na, yan ang consequences mo, magtiis ka kung kaya mo, kung hindi naman umalis ka na lang,"
"Hindi ako aalis hanggang sa ako ay mamatay pepestehin kita araw araw, at bantayan mo ang babae mong yan dahil kapag naka lingat ka sasabuyan ko ng asido ang mukha niyan tingnan ko na lang kung magugustuhan mo pa siya kung pumangit na siya,"
Nagdilim ang paningin ni Rannie sa narinig, kaya tumayo ito at biglang sinampal ang asawa, natumba ito, at biglang sumigaw, dahil sa sigaw nito ay biglang nagising si Nick, kitang kita niya ng sipain ni Rannie ang asawa, namilipit ito sa sakit, hindi niya naiintindihan ang nangyayari, pero umiral sa kanya ang pagka awa sa babaeng sinasaktan ng asawa sa harapan pa niya, kaya bigla siyang tumayo at sinaklolohan ang babae, yung huling sipa ni Rannie sa asawa ay si Nick ang tinamaan nito dahil hinarangan nito ang katawan ng babae, kaya siya ang biglang natumba sa sipa ni Rannie na tumama sa tagiliran niya, dahil sa galit ay tumayo siya at biglang hinarap ang lalaki kahit naka ngiwi siya dahil sa kirot ng tagiliran. natulala si Rannie dahil sa akala niya ay may masama na namang mangyayari sa babaeng minamabal,
"Bakit nananakit ka ng babae?, hindi mo ba alam na bawal yan?, ako kaya ang harapin mo ng makita mo ang hinahanap mo,"
Hindi pa rin tumitinag ang lalaki, kaya bigla niya itong sinigawan.
"Hoy! naririnig mo ba ang sinasabi ko?,
"Nick sorry ikaw ang tinamaan ko, ano may masakit ba sayo?, masakit ba ang nasipa ko? ipatatawag ko ba si Doktora?, Ano pang hinihintay mo diyan Lorie tawagan mo na si Doktora Reyes, bilisan mo na,"
" Huwag na ayos lang ako,"
"Hindi Nick, dapat na matingnan ni Doktora ang tama sa tagiliran mo, ayan o naka ngiwi ka pa nga,"
"Bakit hindi ang asawa mo ang ipagamot mo, dahil grabeng sakit ang nadarama niya kesa sa akin, asawa mo nga ba siya? at bakit dinala mo ako dito?, may atraso ba ako sayo?, ano bang atraso ko sayo?, sabihin mo para maintindihan ko, hindi mo ba alam na illegal detention ang ginagawa mo sa akin?"
"Ang atraso mo sa akin ay ninakaw mo ang puso ko, nang makita kita sa courtroom habang binabasahan ng hatol ang kapatid ko you're wearing a colored yellow blouse and a fit jeans, I think I saw an angel coming from heaven para kang isang anghel na umakit sa akin, that very moment ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, I consider it as love at first sight, at nung makita kita uli sa La Salle Firm, doon ko nakumpirma na ikaw pala ang lagi kong inaasam na makita, Nick you snatched my heart, and I will never let you leave me, hinanap kita Nick, at ng makita kita na papalabas sa Lee Corporation ay hindi kita malapitan dahil kasama mo lagi si Charlie, inaabangan kita araw-araw hindi ako makakuha ng tiyempo para lapitan ka, dahil lagi kang nababakuran ng dalawang matitikas at mayayaman na lalaki na sina Noah Benson at Charlie Lee, kaya lang hindi ko talaga maibaling sa asawa ko ang pag ibig na nararamdaman ko sayo, I tried very hard to forget you but I can't, habang dumaraan ang mga araw, palalim ng palalim ang pag ibig na nararamdaman ko sayo, please help me try to forget you, because I know that it's not proper for me to love another woman, since I am already married to my wife, but what's happening to me now is, I'm experiencing so much hurt feelings, because of that fixed marriage rendered to me by my parents, they don't know how much I suffered all the time being with that woman, I don't want to stay with her, all I want is to stay beside you always, will you let me Nickey?,
" Ang mabuti mong gawin ay kalimutan mo ako dahil unfair yun sa parte ng asawa mo, kawawa rin ang anak mo, at tama ka sa sinabi mong it's not proper to love me, because you already had a wife, mahalin mo na lang ang asawa mo, dahil iyon ang tama,"
Nang matapos magsalita ni Nick ay bigla na naman itong hinimatay, mabuti na lang ay nasaklolohan kaagad ito ni Rannie dahil muntik ng mabagok ang ulo nito sa makintab na tiles ng bahay na yun.
*****************************************
BINABASA MO ANG
❤️I love ❤️ your CEO👌
RomanceThe ranch is the reason for falling down with the charm of this CEO, at first I hate of his arrogant attitude , until I found it one day I was the one who will cry and beg for his love, he ignored me many times, by then I realized that I must stop...