🍉Chapter 42🍇

3 0 0
                                    

"Okey gusto ko nang magsimula ng training ,"

"Habang wala pa yung trainor, si Aldo muna ang magtuturo sayo Nick, ang Hand to Hand Combat muna, dahil diyan din siya magaling,"

"Nick sa Hand to Hand Combat ang unang kailangan diyan ay focus, pangalawa ay master your "breathing," you are bound to get beaten up, but if you learn to control your breathing and keep your cool, you can trump any fighter, third is "discipline", you cannot have your fighting skills until and unless you follow strict discipline, so incorporate a strenous exercise regime to build body and strenght, discipline involves maintaining a strong focus on your goal too. Last and the much important is, "Practice,"alam nating lahat na sa anumang larangan pag hasa ka sa practice ay gagaling ka saan mang laban," unang turo nito sa kanya ni Aldo habang naglalaban na sila,

Wala pang alam sa Hand to Hand Combat si Nick dahil ang napag aralan niya noon sa Boston ay Taekwondo, sa Taekwondo naman kasi ay mas angat ang kicking kesa sa boxing kahit medyo may distansiya ay maaabot pa rin ng sipa mo ang kalaban, sa H2HC ay malapitan ang laban.

"Kumain muna tayo Nick," tawag ni Rannie sa dalaga,"

Sobrang supportive ni Rannie kay Nick, at thoughtful pa ito sa kanya, gaya na lang ngayon habang kumakain sila ay tumayo pa ito para lang pahiran ng pawis ang dalaga at nilagyan pa ng towel sa likod ang minamahal na dalaga.

"Rannie puwede bang kumain ka muna, ako ang naa awkward sayo, huwag ako ang lagi mong inaasikaso kaya ko na ang sarili ko,"

"Nick paminsan minsan ko lang nagagawa sayo 'to kaya huwag mo na akong pagbabawalan, at masaya ako na pinag sisilbihan ka, alam mo Nick pina imbistigahan kong mabuti ang pagkamatay ng papa mo, kasi base nga sa kuwento mo sa akin na wala namang dinaramdam ang papa mo bago siya namatay, mabuti na lang at CCTV protected ang opisina ng papa mo, at alam mo ba kung ano ang natuklasan ko, heto panoorin mo dito sa laptop ko, di ba si Rachel ang babae na nacapture ng camera?."

"Oo si Rachel nga yan, siya ba ang babae na sinsabi mo na kasama ng dalawa pang lalaki na galing sa loob ng opisina ni papa?,"

Tumutulo na ang masaganang luha sa dalawang mata ni Nick habang pinanonood niya ang CCTV footages na kuha sa loob at sa labas ng opisina ng kanyang papa. hindi niya mapigil ang pag iyak ng mahina, at napa upo siya sa sementadong sahig ng gym ni Rannie, yakap ang dalawang tuhod at nakababa ang ulo sa dalawa niyang kamay at doon s na siya umiyak ng umiyak,

Dama ni Rannie ang sakit ng loob ni Nick, awang awa siya sa dalaga, paano na lang Nick kung hindi pa ako dumating sa buhay mo?, "sa isip ng binata, "

"Ikukuha ko na ng ticket ang mama mo pati na rin ang dalawa mong kapatid, pagbakasyunin mo sila ng Shanghai, sagot ko ang lahat ng gagastusin nila, sa # RS 23
Hotel sila tutuloy, basta ako ng bahala sa lahat, "

"Hindi ko sila pagba bakasyunin, dahil paano ako kakain si mama ang nagluluto ng pagkain namin, at mag-isa lang pala ako sa bahay? lalong delikado yun para sa akin, "

"Makituloy ka muna kay Noah,"

"Ayoko nga mamaya n'yan pumunta pa doon si Rachel, naku! baka doon na niya ako patayin,"

" Kung ayaw mo kina Noah sa bahay ko na lang sa Green Hills, o sa #RS 23 five star Hotel sa Makati?, saan ang gusto mo Nick?,

"Rannie andami mo ng ginagawa huwag mo na kaming idagdag sa load ng trabaho mo, nakaka hiya na, at saka magkaibigan lang tayo para pagkaabalahan mo ng ganito?,"

"Hindi ordinaryo lang na kaibigan ang turing ko sayo Nick, espesyal ka sa akin hindi mo ba alam yon?, "

"Ngunit nagpapaka hirap ka ng wala ka man lang na mapapala,"

"Nick hayaan mo na lang ako, basta masaya ako sa ginagawa ko, iyon ang pinaka mahalaga du'n,"

"Ano ba ang nangyayari sa pinatatrabaho ko sa inyo?," si Mr. Velasco na tito ni Rachel, "

"Sir may isa ring grupo na nais din siyang patayin, at naka iwas nga kami bago pa kami mahuli, "

" Sino ba ang grupong iyan at ano ang motibo nila para gawin yun?,"

"May isa pong dayuhan mataas at maputing lalaki, pero nakapagtatakang napatumba ito ng babaeng target natin, at may mga bodyguard din siya, halos isang dosena katao ang kanyang bodyguard, magagaling pa man din ang mga ito sa martial arts, kaya napa tumba ng mga iyon ang mga kalaban, ngayon ay nasa kulungan na ang mga nahuling kalaban, at malamang na mabubulok na ang mga iyon sa kulungan, abugada pa ang target natin kaya wala na silang kawala,"

"Saan naman kaya kumuha ng mga bodyguard ang babaeng iyon?, "

"Dinig ko sir ay may nag fi finance sa mga bodyguard na yon, dahil hindi naman niya kakayanin ang mag bayad sa mga iyon dahil hindi naman kataasan ang sahod niya sa Benson's Corporation,"

"Hindi kaya ang kanyang amo ang nagbigay sa kanya ng mga bodyguard? dinig ko ay kasintahan niya ang Nickey Flores na 'yan,"

"Malamang na hindi sir dahil hindi na lang sana niya pagta trabahuhin ang babaeng yun, kung natatakot siya sa kaligtasan nito,"

"Pero paano niya na afford ang magkaroon ng isang dosenang bodyguard?,"

" Kaya nga sir meron siyang financer,"

"Sa ngayon ay huwag muna kayong gumalaw, magpahinga muna kayo, tatawagan ko na lang kayo kung kailangan ko na ulit ang serbisyo ninyo, "

" Hello Rachel ang tito mo ito, kumusta nga pala yung mga tauhan mo!?,"

"Baka bukas mailalabas ko na sila, mahirap na kung tatagal sila sa loob baka kung kumanta na ang mga iyon sa mga pulis, lagot na ako dito, "

" Sabi ko na nga ba na mga tao mo ang may isang dayuhang kasama ng mga nagtatangka rin sa buhay ng babaeng yun,  Ikaw Rachel, mag hinay hinay ka ng galaw, baka makoryente ka, ano na ang mangyayari sa atin pag nangyari yun,"

"Huwag mo akong alalahanin tito dahil alam ko ang ginagawa ko, "

"Ginagawa mong lahat? palpak naman, ako nga ay huwag mong pangunahan Rachel, tigilan mo na muna ang mga ginagawa mong iyan dahil baka ikanta ka ng mga tao mo, at malaki ng pera ang nalulustay mo sa pag babayad  sa mga tauhan mong iyan, "
*****************************************

❤️I love ❤️ your CEO👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon