Dahan: 3

197 13 0
                                    

KABANATA 3

    Parang sa isang iglap lang, tapos na ang aming bakasiyon. Pasukan na, ngunit ang utak ko naiwan pa rin yata sa bakasiyon. Nakatatamad! Gusto ko na lang ulit-ulitin ang araw na masaya at nagtatawanan lang kami ni Roshan.

    Tama, nahihibang na talaga ako.

    “Good morning naman sa lahat, ano! Na-miss ko kayo!”

    Umagang-umaga, ang iingay kaagad ng mga kaklase ko. Namataan ko si Esther na naroon na pala at nakikipagkulitan na sa mga kaklase namin. ML na naman siguro ang pinag-usapan nila. Hindi ko pa pala nasabi sa inyo na one of the boys talaga iyang si Esther. Boyish din kung gumalaw. Takot nga mga kaklase naming babae riyan kaya walang nagtatangkang sungitan. Iyon lang, mabait din naman si Esther sa kanila kaya wala namang may galit sa kaniya kahit sino. Katunayan nga halos kaibigan niya lahat kahit sa ibang section.

    “Aga mo, ah?” bungad ko kay Esther sabay upo sa katabi niyang upuan dito sa likod.

    Binati ko rin ang mga kaklase naming lalaki na kausap niya kanina.

    “Nagising ng maaga, eh. Oh? Si Roshan wala pa?”

    “Mukha bang kasama ko?” barumbado kong sagot na sininghalan lang niya.

    Pagkaupo ay pabalik-balik din ang tingin ko sa pinto ng classroom habang kunyari ay nakisasali sa usapan nila Esther. Hindi naman ako gamer kaya wala rin akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila. Para na akong kiti-kiti rito sa kinauupuan ko. Kalahating-oras na lang bago ang klase, wala pa rin si Roshan! Laging maaga ‘yun, ano nangyari do’n?
   
    Maya-maya ay natanawan ko na siyang papasok kaya kaagad nang umaliwalas ang mukha ko, ngunit napawi rin nang makitang mukhang galit siya sa kung ano. Sunggab na sunggab ang mga kilay niya at talagang masama ang timpla ng mukha. Pinanuod ko siyang lumapit sa pwesto rito sa likod at umupo katabi ko. Padabog siyang naupo at tila may binubulong-bulong.

    “Hoy!” Hindi ako nakatiis at mahina siyang sununtok sa braso. “Anong mukha ‘yan? Ang aga-aga para kang nanghahamon ng away riyan.”

    Nagulat yata siya at napahawak pa sa dibdib habang nanlalaki ang mga mata na napatingin sa akin. Tumingin siya sa paligid at parang noon niya lang napansin kung nasaan siya. Inis niyang ginulo ang kaniyang buhok.

    “Oh? Anong nangyari riyan?” sabi ni Esther sa tabi ko nang mapansin na rin si Roshan.

    “Aba, ewan ko rin.”

    “Badtrip!” Tumingin kami kay Roshan nang magsalita na siya. “Ganda-ganda ng gising ko tapos excited sa first day tapos sisirain lang ng atetyud na lalaki ro’n kanina.”

    Nagkatinginan kami ni Esther habang naririnig naming magmura si Roshan. Minsan lang mainis iyang si Rosh, pero kapag nainis, mahirap ding pakalmahin. Kailangang may maganda munang mangyari sa araw niya bago siya makalimot sa inis niya. Napailing na lang ako. Nasira na rin ang excitement ko sa first day. Ang inaasahan ko pa naman ay magkukulitan at mag-aasaran kaagad kami pagkakita naming sa isa’t-isa. Sino naman kaya ang nakasira sa araw niya? Masasabi kong ang galing niya. Badtrip na badtrip ang gago.

    “Ano ba kasing nangyari? Puro ka mura riyan, uso share,” hindi na ako nakatiis.

    Malakas siyang bumuntong-hininga bago umayos nang upo at hinarap kami ni Esther. May ibang kaklase rin na lumapit para makiusyoso dahil narinig kami.

    “Paano kasi, papasok na ako kanina sa gate nang may nakabungguan ako. Siyempre hindi rin ako nakatingin nang maayos sa harap kaya humingi kaagad ako ng pasenisya. Aba ang gago, inirapan ako at tinulak nang malakas sabay sinabihan akong tatanga-tanga. Sino matutuwa ro’n? Humingi na nga akong despensa.” Roshan clicked his tongue at halos hindi na siya huminga habang kinukwento iyon.

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon