Dahan 35:

172 7 3
                                    

KABANATA 35

    Humahangos na lumapit si Esther kung saan kami ni Roshan. Alas-otso na noon at alas-dyes pa raw ang pasok ni Roshan sa restobar. Sakto namang pang-umaga ang pasok ni Esther ngayon kaya nakapunta kaagad siya isang text ko lang kahit na sinabi ko na kanina na hindi kami matutuloy. Tahimik lang kami noon ni Roshan sa loob ng shop na binuksan ko ulit para makapasok kami ngunit nanatiling close ang sign sa labas ng pinto.

    “Akala ko ba hindi na matutuloy?” ang unang sabi ni Esther pagkapasok at noon niya lang napansin si Roshan na nakaupo sa harap ko. “Dre! Shuta, long time no see! Grabe, ang laki na rin ng pinagbago mo, ah?”

    Bahagyang natawa si Roshan at nailing sabay tapik pabalik sa balikat ni Esther nang yinakap siya nito. Nangiti naman ako habang tinitignan sila. Just like the old times.

    “Hindi ka pa rin nagbabago, napakaingay mo pa rin,” ani Roshan na kinatawa ko.

    “Masyado na tayong malaki para magbangayan, dre.” Naupo si Esther kasama namin sa iisang lamesa. “Pero teka nga, kailan kayo nagkita, ha? Ngayon lang din? Gulat na gulat ako nang i-text ako kanina nitong si Miko. Kagabi lang nandoon kami sa restobar niyo pero wala ka!”

    Kaagad na nag-init ang mga pisngi ko sa hiya. Tumingin ako kay Roshan at napatingin din siya sa akin. May nagbabadyang tawa siyang pinipigilan sa mga labi niya kaya napasimangot ako.

    “Kagabi kami nagkita, Ter,” pag-amin ko dahilan para tumaas ang dalawang kilay ni Esther sa akin.

    “Oh? Eh, hindi ba walang pasok si Roshan kagabi sabi ng manager niya? Mik, hatinggabi na noong maghiwalay tayo kagabi, paano kayo nagkita?” Nanlaki ang mga mata niya bigla. “Huwag mong sabihin na pumunta ka sa bahay nila? Sabi ko na nga ba! Sana hindi kita iniwan na nakainom ka!”

    Tinampal ni Esther ang noo niya dahilan para humalakhak na si Roshan. Mas lalo akong napasimangot. Pwede ba kainin na lang ako ng lupa ngayon? Nakaiinis!

    “Mas malala ang nangyari, Ter,” natatawang ani Roshan kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Kung alam mo lang kung gaano ako kagulat nang may tumawag sa akin tapos ito palang si Miko na lasing na lasing. Ayon, nagmadali akong puntahan siya pagkatapos.”

    “Shuta, hindi nga?” eksaheradang sigaw ni Esther bago ako tinawanan. “Gago, par! Ang epic no’n! Sayang hindi ko nakita.”

    Nag-apir pa sila at nagtawanan sa pagkapahiya ko. Ngunit nang makita silang gano’n, tila bumalik ako sa isang hapon na magkasama rin kaming tatlo. Nakasuot ng aming uniporme. Nagtatawanan din sila at tinutukso ako sa kung ano. My heart filled with warmth at wala sa sarili na napangiti ako, pinipigilang maging emosiyonal. Indeed, it’s been a long time.

    “Nakakainis pa rin kayo kapag pinagsamang dalawa,” iiling-iling kong saad habang may kaunting ngiti sa mga labi.

    Natigil sila sa tawanan nila, ngunit nanatiling nakangiti. Nagtinginan kaming tatlo sabay natawa. Years of not seeing each other instantly faded in the distant. Ang hindi magandang nangyari noong huli naming pagkikita ay tila nawala na lamang na tila bula. Maybe, we did really grow-up as time passed by.

    “Pero masaya akong makita kayo ulit. Chief na si Mikmik, tapos pulis na itong si Esther. Mukha ka nang lalaki, boy,” si Roshan.

    Mikmik. My heart clenched hearing that nickname again. Nakalimutan ko na ang huli pala naming pagkikita at pag-uusap ni Roshan ay iyong umamin ako ng nararamdaman ko dahilan para magkalayo kami. Tumikhim ako.

    “Oo nga, eh. Masaya rin akong makita ka ulit, par.” Bahagyang sumulyap sa akin si Esther. “Kumusta ka naman? Anong nangyari sa’yo noong umalis kami ni Miko sa probinsiya?”

    Natahimik kaming tatlo at ang kaninang maligaya na atmospera ay napalitan ng kakaibang kaseryosohan. Nakita kong pinagsiklop ni Roshan ang mga kamay niya sa itaas ng lamesa. Tipid siyang nakangiti habang nakatingin sa mga kamay niyang iyon.

    “Nang umalis kayo na hindi manlang tayo nagkapaalaman, umalis din kaming magpamilya kinaumagahan.” Tumingin siya sa amin ni Esther na natigilan. “Noong mga panahong iyon, naramdaman ko ang pinakalugmok na bahagi ng buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahing isipin. Ang sakit sa puso ko, ang tampo sa inyo, ang pamilya ko. Gulong-gulo ako ng punto na iyon.”

    Suminghap ako at tila sinipa ang puso ko nang marinig ang siniwalat niya. I was devastated, too. Ngunit dahil lang iyon sa nasayang naming pagkakaibigan at sakit ng pagkabigo ko kay Roshan. Oo, pati na rin ng pagkawala ni nanay ngunit humihilom na ko roon noong mga oras na iyon, kaya naiisip ko na baka mas masakit ang nangyari kay Roshan.

    “I’m sorry…” wala sa sarili kong usal. “Pasensiya na kung umalis kami ng walang pasabi.”

    Kaagad na umiling si Roshan sa akin. Si Esther nama’y marahan akong hinaplos sa likod at may awa rin siya na nakatingin kay Roshan.

    “Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo, Mik. Mas malaki ang kasalanan ko sa iyo, sa inyo. Nagkulang din ako kaya pasensiya na.”

    A pained smile escaped my lips. Tumikhim si Esther.

    “Sa restobar ka ngayon na iyon nagtatrabaho, tama?” tanong niya kay Roshan.

    “Oo.” Tumango si Roshan. “Hindi na rin ako nagkolehiyo. Nang makarating kami rito sa siyudad, mas pinili kong maghanapbuhay agad para matulungan si tatay para sa pang-araw-araw namin. Isa pa ay nag-aaral pa ang kapatid ko, hindi kakayanin ni tatay kung siya lang malayo noon sa probinsiya na may sarili kaming pwesto sa palengke.”

    Mas nalungkot ako nang marinig iyon. Ibig sabihin, hanggang highschool lang ang natapos niya? Nakita ko ring humigpit ang pagkakasiklop niya sa daliri niya at may kakaibang emosiyon sa mga mata niya na tila hindi niya masabi. I became worried. Hindi ko maisip kung anong klaseng hirap at sakit ang dinanas niya sa loob ng halos limang taon.

    “Pasensiya na sa tanong ko pero…” si Esther. “Bago kayo umalis, wala ka na ring huling balita sa mga Villaruel?”

    Mabilis akong napatingin kay Esther nang tinanong niya iyon. Tinignan kong maigi ang mga mata niya pero seryoso lang siyang nakatingin kay Roshan na halatang natigilan din. Hindi ko alam kung makahihinga ba ako nang maluwag, ngunit mukhang hindi na apektado si Esther tungkol sa mga Villaruel. Mukhang tuluyan na siyang naka-move-on kay Nathalie. Nasisiguro ko nang mahal niya talaga ang jowa niya ngayon.

    Nagkatinginan kami ni Roshan.

    “Actually, Ter.” Napatingin si Esther sa akin nang ako ang magsalita. “Nagkita kami ni Nathaniel nitong nakaraan lang at kanina ay narito rin siya bago ka dumating, nagkita na rin sila ni Roshan. Hinahanap daw siya ni Nathan at… nais makausap ulit si Roshan.”

    Kita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Esther sa narinig mula sa akin. Bahagyang nagparte ang mga labi niya sa gulat. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Roshan.

    “Ano?”

🌈 ISMS1: Dahan (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon